Gab’s POV
I still can’t believe na yung babaeng unang nagpatibok sa puso ko ang magiging seatmate ko for 1 whole school year. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kilig na kilig ako, ikaw ba naman, makatabi mo ang First Love mo, sino ba naman ang hindi kikiligin. Hindi ko na nga alam kung nagbla-blush na ba ako, ang tanging alam ko lamang ay masayang masaya ako at that time at sana hindi niya yun mahalata kasi ang awkward naman kung mapapansin niya na crush na crush ko siya eh first day pa lamang ng klase, baka mailang siya sa akin for the whole school year.
RECESS!
Bro! Bati sa akin nina Nathan, Dan at Randolph mga kabarkada ko. Ayos ah, seatmate mo pala si Miss Beautiful sabi sa akin ni Dan. “Oo nga,” sagot ko naman sa kanya.
Bro, ipakilala mo naman ako, kasi gusto ko makilala niya yung lalaking magpapatibok sa puso niya! sabi naman ng bestfriend kong si Nathan habang nakangiti. Patay tayo dyan, naisip ko, mukhang magiging karibal ko pa si bestfriend kay Nikky.
Gago ka ba bro, bakit naman kita ipapakilala may paa ka naman at boses, ipakilala mo ang sarili mo. Malaki na tayo, hindi na tayo Grade 1! Pabiro kong sabi kay Nathan pero deep inside, nakaramdam ako ng inis at pagkapikon kasi parang uunahan pa ako ni Bestfriend kay Nikky. Pero hindi ko din naman siya masisi, kasi alam kong special na si Nikky para sa akin, simula pa lamang ng una ko siyang makita. Alam kong maganda siya pero hindi iyon yung main reason kung bakit crush na crush ko siya, alam ko sa sarili ko na at that time, nakita ko na yung babaeng pwede kong makasama forever.
At kung ano ano pang kalokohan at kwentuhan ang ginawa naming magbabarkada hanggang sa mapansin ko na malapit na palang matapos ang recess at kailangan na naming bumalik sa room kasi magsisimula na ang klase.
Nikky’s POV
Recess, karamihan sa mga classmates ko ay lumabas para pumunta sa canteen pero ako heto, nagpaiwan sa room at nilabas ko ang baon kong sandwich. Hindi naman talaga ako nagbabaon sa school, pero special ito kasi gawa ito ng dad ko, this is the first time na ginawan niya kami ng sandwich para ibaon sa school, kaya kahit na hindi ako sanay, kinuha ko pa rin siya at binaon. Proud na proud ako, ganito pala kasaya ang feeling na may dad na nag-aasikaso sa iyo bago ka pumasok sa school. Tama nga ang desisyon ko na sumama sa kanila dito even though, I know deep inside of me, napakalaking adjustment ang kailangan kong gawin.
May mga lumapit naman sa akin para magpakilala at makipagkwentuhan, sa totoo lang, ang babait din ng mga classmates ko, they showed me how welcome I am even though bago pa lamang ako, naisip ko, siguro dahil pare-pareho ang situation namin, yung nga lamang, nauna sila at nahuli ako. At first I thought they are spoiled brats pero mali ako, ako kasi boyish, alam kong maganda ako, pero hindi talaga ako yung tipo ng babae na mahinhin. Favorite ko ang basketball, mas gusto ko ang sports instead of dresses and make up. Siguro ganito ako kasi puro babae ang kasama ko sa bahay, while growing up wala akong nakikitang man authority kaya napagpasyahan ko na kailangan maging strong ako, hindi lamang para sa sarili ko kung hindi para na din sa mom at sisters ko.
Nakita kong pumasok si Boy Suplado kasama ang kanyang mga kabarkada, bale apat sila, yung 2 pumunta na sa upuan nila, samantalang silang 2 papalapit sa akin.
“Hi! Ms. Beautiful ako nga pala si Benedict Nathaniel Cruz, you can call me Nathan or love kung gusto mo.” Pakilala nung kabarkada niya. Naisip ko bagay ngang magkaibigan ang dalawang ito, parehong mayabang.
“Hi! I’m Nikky. Nice meeting you!” sabi ko naman sa kanya. Although naiinis ako kasi ang hangin niya, bagong kakilala pa lamang, love na kaagad ang sinasabi.
“I know your name Ms. Beautiful, to tell you honestly, your name is the only name my brain knows,” Sabi ng mayabang na si Nathan, “By the way, I have to go back to my seat, Ms. Beautiful, huwag mo akong masyadong mamimiss ha. Pahabol niya bago siya lumakad palayo sa akin.
“Bro! bakit naman ganun pakilala mo kay Nikky. Baka matakot yan, kabago bago pa lamang niya, baka isipin niya lahat tayo dito mayabang at bastos!” narinig kong sabi ni Boy Suplado sa kaibigian niya. Napatigil ako, kahit pala ganun siya kasuplado at kayabang, mahalaga pa din sa kanya yung sasabihin ng iba. Napaisip tuloy ako kung tama ba ng first impression ko sa seatmate ko o pakitang tao lamang niyan iyon kasi bago pa nga lamang ako.
Gab’s POV
Asar na asar ako kay Nathan, sabihin ba naman kay Nikky na pwede siyang tawaging Love. Ang gago ang sarap suntukin, kung pwede nga lang sana. Matagal na kaming magkaibigan ni Nathan, pareho kaming bagong student sa school na ito noon, at since bago nga kami, kami ang unang nag-usap. Swak na swak talaga ang personality naming dalawa. Pareho kaming makulit, parehong madaldal, parehong favorite ang basketball at higit sa lahat ang treatment namin sa isa’t isa ay para ng magkapatid. Kaya nga natatakot ako ngayon kasi baka si Nikky pa ang maging dahilan kung bakit magkakasira kami ng bestfriend ko. Kilala ko si Nathan, siya yung tipo ng tao na hindi isusuko ang laban hanggat alam niya na kaya pa niya at sa tingin ko malakas talaga ang tama niya kay Nikky at hindi ako magugulat kung isang araw, ligawan niya ito. Kaya naitanong ko sa sarili ko, kung sakali bang dumating sa point na kailangan kong mamili between my bestfriend at sa babaeng unang nagpatibok sa puso ko, sino ba ang dapat kong piliin? Shit! Ang hirap naman, Lord, please huwag naman po sanang dumating yung point na yun, parang awa niyo na po. Bulong ko sa sarili ko.
Nasa ganon akong pag-iisip ng bigla ko na lamang narinig ang boses ni Ma’am na nag-uutos para kumuha ng ½ sheet ng paper na lengthwise. Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang isang pad ng paper. Nakita ko si Nikky na parang balisa at may hinahanap sa loob ng bag niya.
“Wala ka bang papel? Gusto mo hati na lamang tayo? Tanong ko sa kanya na pabulong.
Humarap siya sa akin at sinabi, “Oo, nakalimutan ko sa bahay, ok lamang ba sa iyo, bayaran ko na lamang bukas,” sabi niya na parang nahihiya.
“Ikaw naman bakit kailangan mo pang bayaran, parang kalahati lamang at isa pa, seatmate kita kaya tandaan mo kung may kailangan ka, sabihin mo lamang sa akin kasi tutulungan kita.” Sabi ko sa kanya, sabay abot yung papel habang nakangiti.
“Salamat ha! Ikaw ang hero ko sa araw na ito.” Sagot niya na nakangiti din.
Shit! Ang ganda ng ngiti niya, at first time kong makita siyang nakangiti tapos tinawag pa niya akong hero, kinikilig na naman ako, ano ka ba naman Gab, sabi ko sa sarili ko, pigilan mo ang sarili mo, mamaya magblush ka mahalata pa niya na gusto mo siya.
Hanggang matapos ang klase, ganon pa din ang pakiramdam ko, masayang masaya na minsan ay kinikilig. Paulit ulit kong naririnig yung sinabi niya na “salamat ha, ikaw ang hero ko sa araw na ito.” Ah, bakit ganito katindi ang tama ko kay Nikky, ganito ba talaga ang first love?