Saina Ariz POV
Nakatayo lang ako dito sa living room. Pumapasok padin sa isip ko yung nangyari sa akin kanina. Bakit ganon? Bakit ganon naramdaman ko? Hindi, dapat.
"Ariz, anak!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.
Napakurap ako dahil sa boses ni Mama.
"Bakit po, Ma?" tanong ko.
"Tara dito, 'nak. Bilisan mo."
Tumango nalang ako kahit alam kong hindi naman ako makikita ni Mama. Siguro nagluluto si Mama kaya pinapapunta ako doon.
Tama ang hinala ko. Dahil na aamoy ko na yung bango.
"Wow! Ang bango naman ng niluluto ni Mama." masaya kong sabi.
Ngumiti sa akin si Mama. "Syempre naman. Mama mo ang nagluto." kumindat pa siya.
"Patikim nga ako.." kumuha agad ako ng kutsara.
"Mag dahan-dahan ka baka mapaso ka." paalala niya.
Tiningnan ko kung ano ang niluluto niya. Hindi ko alam ang tawag pero okay na din. Masarap ng natikman ko.
"Ma, bakit mo nga pala ako tinawag?" tanong ko sabay kuha ulit ng tinikman ko
"Tungkol lang kay Zander. Bakit di na siya dumadalaw madalas dito?" sabi niya bago tumalikod at binuksan yung Refrigirator.
Bakit nga ba? Napapansin ko din 'yon. Datirati kahit hindi ko siya t-ne-text pumunpunta nalang bigla dito.
Siguro, wala si Kuya dito kaya hindi dumadalaw. May trabaho na kasi si Kuya.
"Baka siguro dahil wala si Kuya dito, Ma. Alam mo naman kapag andito si Kuya pumupunta 'yon." tumango siya sa sinabi ko.
Iniwan ko na sa kusina si Mama. Umakyat na ako sa taas at kinuha nalang yung iPad ko. Binuksan ko yung app na Facebook. Pagkabukas na pagkabukas ko tumambad sakin yung status ni Zander.
Zander Paul Lassin
Still you. Baby, I love you.
69 likes 20 comment
Napatigil ako saglit. Pinindot ko naman ang comment. Nagtataka naman ako. In love ba si Zander?
Jailennie Bañia: Ay naks! Sino ang bebe natin, Zander?
Ladde Andei Assres: Kilala ko ba ito? Ay na-tag. Saina Ariz Palmos.
Lazel Adurru: Si Saina Ariz Palmos, pusta ko bahay ni Mama. HAHAHAHA
Raine Ramos: Kilala ko ata, 'to.
Zander Paul Lassin: Shh... Raine Ramos
Fayeleen Ryz Flores: Saina Ariz Palmos, alam ko siya ito. Shet. Go, bebe Saina. Ay.
Nanliit ang mga mata ko sa nabasa ko. Bakit ba nila ako minementioned? Anong kinalaman ko sa inis-status niya. Hindi pa nga kami nagkaka-chat. At sino naman si Raine Ramos?
Papunta ako ngayon sa room ko. Maaga yata akong pumasok. Kapag kasi pumapasok ako si Fayeleen agad kong nakikita, pero parang nauna na ako.
Napahinto ako ng lakad at tumuloy ulit. Madadaanan ko nga pala yung room ng Section two. Baka sa hindi inaasahan makita ko yung sinasabi ni Peks, na si Maria Lianeiry Videz. Malapit na ako sa room nila ng may naramdaman akong umakbay sa akin.
Tumingin agad ako sa gilid ko. Si Zander pala. Nakangiti siya sa akin.
"Maaga ka yata ngayon?." tanong ko.
"Ayaw mo ba non? Maaga mong makikita ang ka-gwapuhan ko." kumindat siya sakin.
"Hala! Saan namang banda?" sabi ko sabay harap sa mukha niya.
Sumimangot siya at agad din na iniwas ang tingin sa akin. Nainis ata siya. Siya nagsimula, ah.
"Argh, tara na nga." aya ako.
Di na ako nakahinto sa kabilang section baka nga kasi makita ko yung Leineiry. May kilala naman ako sa kabilang section e. Bakit kaya di ko nalang tanungin.
"Alam mo, Ariz," sabi Zan habang naglalakad kami hindi niya tinatanggal yung pagkaka-akbay niya sakin.
"Oh my God! Hindi ko pa alam." sagot ko
"Sabi ko nga, wag na lang.." sabi niya sabay tanggal ng pagkaka-akbay sa akin. Nauna na siyang maglakad.
Napatingin ako sa likod niya. Anong nangyari doon? Hinabol ko siya.
"Uy.. Zander? " tawag ko pero hindi naman niya ako pinapansin.
Hindi siya lumilingon kahit tawagin ko pa.
"Zander Paul Lassin!" sigaw ko pero hindi malakas baka kasi marinig pa ng iba.
Madami pa naman chismosa sa tabi-tabi.
"Zander... Paul.. Zan?" tawag ko padin.
Hindi parin siya lumilingon. Kaya tinigil ko na ang pag-tawag ko sa kaniya. Napaisip ako. Nagpapalambing ba siya o sadyang nainis siya sa akin kanina?
Umupo nalang ako sa upuan ko at dumukdok. Wala pa atang isang minuto may biglang nagsalita sa gilid ko. Si Peks siguro yan. Diko pinansin.
Ano ba kasi dapat sasabihin ni Zan? Bakit bigla nalang siyang nagalit? Ganon, nagalit ka agad ng walang dahila?
"Hello! Saina Ariz!"
Umalis kao sa pagkakadukdok parang tingnan si Fayeleen..
"Oh, ano?" sabi ko .
"Galit agad? Meron ka ba?" sabay hirap sakin.
"Ano nga?" tanong ko.
"Si Z-zander asan?" tanong niya sa akin. Nakatingin lang siya sakin.
Hanapan ba ako ng nawawala, ah, Fayeleen? Galit nga sakin yung tao. Tapos sakin mo itatanong. Bakit kasi nagalit sa akin ng walang dahilan.
"Diko alam. Di naman ako hanapan, 'no. May mata ka naman diba hanapin mo" ngayon ko lang narealize na ang harsh ko magsalita ngayon.
"LQ ba kayo, ano?" nagsusuring tingin niya sakin.
"Ewan... Diko alam." matamblay kong sabi.
"Okay. Pero, Peks, may papakita akong picture sayo?" sabi niya sabay kalikot sa cellphone niya.
"Hindi ka mapapaniwa sa makikita mo. Sayang, ship ko pa naman kayo." sabi niya pero nung tiningnan ko nawala ang ngiti sa labi niya.
"Ahh. Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Anong picture?" tanong ko nalang.
"Tingnan mo nalang," sabay pakita niya sakin.
Napahawak ako sa cellphone niya. Agad kong din bumalik. Natitigan ko naman ng maayos pero bakit ganon? Bakit may kasama siyang babae? Alam kong si Zander iyon. Hindi ko kilala yung babae?
"Sino yang babae?" walang gana kong tanong.
"Nako naman, sino pa ba? Si Lianeiry Videz. Peks, paano sila naging magka-kilala? Nakit mo namna yung picture? Para silang may something sa picture." napakamot pa siya sa buhok niya.
Pansin ko din kanina. Meron nga.
Sino ka sa buhay ni Zander? Bakit ka niya kilala? Bakit kilala mo siya? Sana lang mali ang iniisip ko sa inyong dalawa.
Bakit ganito nararamdaman ko ng makita ko yung picture? Bakit? Bakit?
AN: Nasa media po yung picture.
BINABASA MO ANG
Sana (COMPLETED)
RomanceSaina Ariz Palmos, isang babaeng minsang hiniling sana siya nalang ang mahalin ng lalaking mahal niya. Puro sana, sana at walang katapusang sana ang kinapitan niya. Iyon din ang nagpabitaw sa kaniya. Litong-lito sa nararamdaman hanggang siya na mism...