EIGHT

2.4K 46 1
                                    

Saina Ariz POV

"Bye." paalam ko kay Zan

Kakahatid palang niya sakin sa bahay. Nung makita kong umalis na siya kaya pumasok na ako sa loob.

"Hi, Ma." bati ko kay mama nung nakita ko sa sala.

"Oh! andiyan kana pala." sabi niya sakin, tumango lang ako tsaka umakyat na sa taas.

Pagkapasok ko sa kwarto agad kong binagsak yung katawan ko sa kama, parang pagod na pagod ako wala naman kaming ginawa.

Biglang nalang akong nagising. Naka tulog pala ako 'non. Tinatamad pa akong bumangon kaya kinapa ko yung phone ko. Pag ka-kuha ko ng phone ko nag open kagad ako ng facebook. Sa hindi inaasahan unang bumungad sakin yung post ni Lianeiry.

Friend pala kami?

Nung nakita ko kung ano yung pinost niya. Bigla nalang na parang nasasaktan ako nung makita ko yung picture pati nadin yung caption.

Lianeiry Videz

I'm with you again, i love you.

Bakit? Bakit ganito yung nararamdam ko. Bakit ganon? Bakit ganito ako kaapektado sa nakita ko. Wala lang naman yon, diba?

Sa sobrang diko alam kung ano yung nararamdaman ko napabangon ako at binaba na nalang yung cellphone ko. Huminga ako ng napakalalim at hindi nalang inisip yong nakita ko. Kapag iniisip ko baka mabaliw nalang ako sa nararamdaman ko.

"Ariz, nagreview ka?" tanong ni Fayleen sakin

Nagreview? Tamad kong binalingan si Fayeleen.

"Hindi, bakit?" sagot ko

"Gaga! May test abay di ka ba nago-open ng messenger at hindi mo nabasa yung chat ko sayo." sigaw niya.

Nanlaki yung mata ko. Hindi ba siya nagbibiro?

"Gaga ka din," sagot ko tas inirapan siyan.

"Bahala ka nga diyan..." may binulong siya hindi ko lang naintindihan balak ko sanang itanong wag nalang din.

Diko nalang pinansin siya dumukdok nalang ako dahil pumasok nanaman sa utak ko yung nangyari kahapon. Fuck, what the fuck happened to myself? Bakit ganon kaapektado sakin nung buset na picture nila isama mo na pati caption

Kung tama man yung iniisip ko. Bakit parang hindi pwede? Bakit parang kung iyon na talaga parang may pimipigil?

Okay, Saina Ariz wag mo nalang isipin. Utang na loob.

"Good morning."

Napaalis ako sa pagdukdok ko. Dahil narinig ko yung boses ni Ma'am.

"Nag review ba kayo?" tanong agad ni Sir.

Patay! Hindi nga nagbibiro sa akin si Fayeleen. Kung kelan namang ang dami dami kong inisip sasabay pa itong test

Pano na gagawin ko? Di naman ako papakopyahin ni Fayeleen may sapak ngayon to. Kung sana andito yung iba naming kaibigan baka sakaling makaligtas ako sa mga tanong. You know, team work.

Dating gawi nalang gagawin ko. Pero hindi may isa pa akong hindi na e-exam bali kaming dalawa ni Zander. Kailangan ko din 'to.

Nagsimula na akong magbilang sa isip ko. Pasimple na ako ng tunatayo at ng matapos ako magbilang agad akong nag lakad-takbo. Narinig ko yung sigaw ni Fayeleen at Sir.

"Ariz!" si Fayeleen.

"Miss Palmos!"

Diko sila pinansin tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Bago ako pumunta sa likod ng library pumunta muna ako sa canteen. Alam ko nang magugutom ako mamaya.

Habang naglalakad ako papunta sa canteen syempre maingat akong maglakad baka may makakita pa sakin e. Malapit na ako sa canteen ng may marinig akong boses.

"Hello, abay asan ba kayo? Nagsisimula na ang klase mo. I heard my test daw kayo. Sige, sige puntahan ko kayo diyan."

May gumagaya pala sa gawain ko. Napatawa nalang ako. Nagdiretso nalang ako papasok sa canteen at agad na pumunta sa counter.

"Ate Jah, Carbonara, Nova at Gatorade." sabi ko kay Ate Jah.

"Oh, Ariz umalis ka nanaman sa klase mo?" bahagya pa siyang tumawa.

Nginitian ko lang siya. Alam niya ginagawa ko. Nasanay na din siguro.

"Oh, ayan." sabi ni Ate Jah sabay abot ko na din ng bayad.

Pagka-abot ko ng bayad agad din akong umalis baka may makakita pa sakin minsan kasi may mga nagrerecess agad na teacher. Nagcrave kagad ako sa carbonara nung maamoy ko.

Agad din naman akong nakarating sa likod ng library naglakad na ako papunta sa inuupuan namin nila Zander at Fayeleen. Medyo malayo pa naman yun. Habang naglalakad ako biglang nag vibrate yung phone ko. Kaya naman kinuha ko yung phone ko nakita ko yung message ni Fayeleen sakin.

Fayeleen:

Gaga! Dumating gawi ka nanaman.

Tumawa lang ako at agad din siyang nireplyan.

To: Fayeleen

Ganon talaga. Di ako nagreview eh. Puntahan mo nalang ako ulit. By the way, andiyan ba si Zander?

PeksLeen

Ok. Si, Zander? Wala dito. Haha.

Nung nakita ko yung reply niya nawalan na ako ng gana mag reply. Bakit naman wala si Zander sa room? Di naman siya nag text sakin na di siya papasok. Dati naman ginagawa niya 'yon kapag magpapaalam siyang hindi siya papasok.

Diko nalang inisip ulit kung bakit wala si Zan. Malapit na ako sa pwesto na palaging inuupuan namin ng biglang parang may taong nauna na doon dahil sa ingay na rinig dito sa kinatatayuan ko.

"Love, last picture na 'to. Ngiti kana please." rinig kong sabi ng boses babae.

Ngunit ng marinig ko yung boses nung babae parang nanghina yung resistensiya ng katawan ko. Alam kong sa sarili ko na yung boses na yun ay galing kay Lianeiry.

Kahit hinang hina na yung katawan ko maglakad, naglakad padin ako upang makita kung bakit nandoon siya sa pwesto ko na inuupuan namin ni Zan.

Nang nakalapit na ako parang sumabog yung puso ko sa nakita ko. Silang dalawa nga.

Kahit nakatalikod sila alam kong sila yon sa tagal kong kasama si Zander panong diko makakabisado. Dahil sa buhok doon ko nakilala si Lianeiry yung babae.

Diko alam kung guguluhin ko sila dahil nakikita kong masaya sila. Sa ngiti nila sa tuwa ng mga mata nila. O, si Lianeiry lang yung masaya? Dahil kahit katiting walang emosyon si Zander. Parang iba siya.

Biglang tumulo yung luha ko kasabay ng pag ngiti ni Zan katulad ng pinakita niya sakin noong magkasama. Akin lang yan, bakit malaya mong pinakita sa iba?

Pinunasan ko agad yung luhang bumagsak mula sa aking mata. Nagsimula na akong tumalikod para makaalis na hindi naman nangyari yung gusto ko dahil biglang dating ni Raine.

"Lianeiry," tawag ni Raine sa Bestfriend niya.

Pumikit ako ng mariin dahil alam kung lilingon sila Lianeiry at Zander makikita nila ako.

"Bakit ang tagal mo Rai--, Ariz what are you doing here?" di na natuloy ni Lianeiry yung sasabihin niya kay Raine dahil nakita niya ako.

Dinilat ko yung mata ko at tumingin sa kanila. Wala na din namang bakas ng luha agad ko din na napunasan.

"Napadaan l-lang." nanginginig kong sabi.

Ngumiti ako ng masaya. Paano ko nagagawa iyon?

"Sige, alis na ako. Bye. " sabi ko at naglakad ng mabalis

Bago ako makalayo sa kanila narinig kong tinawag ako ni Zander at sa tawag niyang 'yon muling bumagsak yung luha kong kanina pa gustong magpatuloy sa pagiyak.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon