Saina Ariz POV
Day passed, Sa araw na lumipas hindi ako pumasok. Dahil sa kadahilanan na ayokong makita sila. Dahil naaalala ko lang yung nangyari.
Dinahilan ko na may sakit ako kaya di ako pumasok. I know si Leen hindi naniniwala na may sakit ako. Lahat ata ng kaibigan ko kabisado nila ako.
Naalala ko yung mga araw na masasaya kami mga panahong magkakasama pa kami mga araw na hindi namin sinayang.
Si Fayeleen at Zander lang natira samin magkakaibigan na magkasama. Lahat ng iba naming kaibigan nasa ibang bansa.
Bigla ko silang namiss. Sana umuwi sila.
"Hello." si Leen tumawag.
"May balak ka pa bang pumasok? Ano wala na ba yang lagnat kuno mo." see di talaga siya naniniwala na may sakit ako.
Kahit mag sinungaling ako walang panabla na dahilan sa kaniya.
"Papasok na ako." sagot ko
Napa bugtong hininga siya "Buti naman, Care to share what happened to you. Wag mo isarili. Bye."
Wala na talaga akong ligtas kay Leen. Bahala na.
Bumaba na ako ng hagdan. Diko akalain na malalate ako pumasok ngayon. Ewan ko ba at hindi ko narinig yung alarm na sinet ko sa phone ko. Habang pababa ako ng hagdan narinig ko yung boses ni Mama sa kusina.
Kaya naman derederetso ako sa kusina.
"Nasa kwarto pa niya, diko alam kung papasok siya." sagot niya sa may kausap niya.
Sino naman yung kausap ni Mama.
"Ma, sino yan?" I asked Mama.
Nagulat pa si Mama. Nakatingin lang ako sa kaniya. Ngayon lang ata nagulat si Mama ng ganon. May problema ba?
"Ariz!" hinihingal niya akong tinawag at binaba yung cellphone. "Di ka man lang kumatok. Aatakihin ako sa puso dahil sayo."
Ngumiwi ako "Ang O.A naman, Ma. Saka paano pa ako kakatok nagmamadali ako e."
"Oo na. Kumain kana diyan bago ka pumasok." sabi niya sabay handa sa pagkain ko.
"Hindi na, Ma, sa school na ako kakain. Late na ako." Sabay tingin ko sa relo.
Late na late na talaga. Absent na ako sa isang subject which is Math yung subject. Mga 10 pa next class ko.
"O, sige. Andiyan ata Kuya mo sa may garahe, pahatid ka nalang." tinuro ni Mama yung labas.
Naiba ata yung topic di kasi sinagot ni Mama yung tanong ko kanina kung sino tumawag. Ewan ko ba kung bakit ako nacu-curious ako. Umaasa akong siya pero hindi.
"Mama, sino muna yung tumawag?" pagtatanong ko.
Yung itsura ni Mama parang nalilito siya o nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya o hindi.
"Ah, E... Nak, yung bestfriend mo lang 'yon." ngumiti pa siya at agad din nawala.
Papaulaan pa ako ni Mama e, Sino sa bestfriend ko Si Leen o Zander. Sila lang naman alam ni Mama kung sino yung nandito pa sa Manila.
"Mama, hindi ako manghuhula para hulaan pa yan. So spill the beans na Mama, Late na ako" atat na ako pumasok at makilala kung sino yon.
"Si Fayeleen lang yon, Nak. Ayan sinabi ko na pumasok kana anong oras na late na late ka na nga hindi kapa pumasok ilang days din 'yon. Aba kung ayaw mo na pumasok sabihin mo lang sakin at ipapadrop kita!" hinihingal na sabi ni Mama
Nagtanong lang naman ako bakot nadamay yung hindi ko pagpasok ng ilang araw. Kung si Fayeleen yung tumawag bakit tumawag pa siya kung tumawag na siya sakin. Hindi ko alam na close si Fayeleen kay Mama ang alam ko si Papa palagi ang tinatawagan niya.
"Mauna na ako Mama. Late na ako. Bye." sabay halik ko sa pisngi niya.
Patakbo akong umalis sa kusina at pumunta sa garahe. Hinanap ng paningin ko si Kuya pero hindi ko naman makita kung hahanapin ko pa baka malate na talaga ako ng sobra. Kaya naman lumabas ako ng bahay baka sakaling may naligaw na taxi.
Hindi naman ako nagkamali may naligaw nga na Taxi. Pinara ko agad 'yon. Nang makasakay ako sinabi ko kung saan yung University na pinapasukan ko.
Diko akalain na yung masasakyan kong taxi ay lalong nagpalate pa sakin. Grabe kala mo pagong yung nagdadrive ng taxi. Di naman ako makapagreklamo nahihiya din naman ako.
Recess na ngayon. Mamaya pa next subject ko. Kaya naman sa canteen nalang ako pumunta kesa sa room pa kakahiya naman kung papasok pa ako kagad doon para lagay yung bag.
Pagka-pasok ko sa Canteen umorder na kagad ako ng kanin. Tatlong klase ng ulam binili ko. Dami ko pala inorder baka sabihin nila matakaw ako. Kahit naman kumain ako ng kumain hindi ako tumataba.
Nang makuha ko na yung pagkain ko humanap ako ng bakanteng upuan. May nahanap naman ako kaya pumunta na ako doon. Pag ka-upo ko nagsimula na akong kumain. Hindi pa naman ako nakakakain biglang may umupo sa harap ko. Napaangat ako ng tingin. Sino paba ang uupo ng ganitong oras at tatabi sa akin. Alam ko ng si Fayeleen.
"Oh! My Dear, Ariz, Buti naman nagbalak ka pa pumasok. Aba balak ko pang tawagan si Tito pero naalala ko wala na akong load!" aniya niya.
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Akala ko ba siya yung tumawag kay Mama? Kung ganoon, sino yung kausap ni Mama?
Binitawan ko yung hawak kong kutsara't tinidor at sabay tumingin ako kay Fayeleen.
"Hep, makatingin ka sa akin. Napatay mo na ba ako sa isip mo?" sabi niya. Dinuro pa niya ako.
"Gaga!" umirap ako. "Tatanong ko lang kung tumawag ka ba kay Mama kanina?"
Nagtaka naman siya sa tanong ko.
"Muka ba kaming close ng Mama mo? Diba hindi kami close, duh. si Tito lang kaya close ko sa inyo sabayan mo pa si Kuya mo." sagot niya sabay kuha ng pagkain ko.
"Close kayo ni Kuya?" gulat kong sabi.
"Slight" sabay tawa niya.
Hindi nga si Fayeleen yung tumawag wag naman niyang sabihin sa akin na si Zander iyon.
"Fayeleen," pagaagaw ko ng antensiyon niya sa pagkain ko.
"Oh?" ngumunguya siya.
"Sa tingin mo kung hindi ikaw ang tumawag kay, Mama. Sino sa tingin mo tumawag?"
Nagisip siya bago sumagot. Baka parehas lang kami nang naiisip.
"Si Zander." agad niyang sagot bakit parang sigurado siya sagot niya. "C-close sila ng Mama mo diba? Baka nga siya. Bakit tumawag?
"Hindi ko nga alam." tanging sagot ko.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko ng mayari ko na yung kinakain ko. Habang kumakain ako iniisip ko padin kung bakit siya tumawag kay Mama. Kalaunan tinigilan ko nalang yung pagiisip kung bakit.
Isusubo kona sana yung nasa kutsara ko pero diko nakagawa dahil biglang nagsalita si Leen.
"Ariza, look kung sino papasok palang sa canteen." masayang sabi niya.
"Sino?" walang gana kong sagot,
"Tingnan mo kaya para malaman mo." mataray niyang sabi.
"Ikaw nalang kumakain ako dito." sabi ko tsaka sumubo nalang.
Naramdaman ko naman na tumayo siya,
"Hey, Zander Paul, tara di.... Hala, may kasama ka pala. Oh, sige doon ka nalang sa ibang upuan." agad siyang bumalik sa pagkakaupo.
May kasama pala siya. Hindi ko kasi nakita hindi ko naman binalak na tingnan siya. Si lianeiry naman palagi niyang kasama. Wala ng iba. Kaya siya yung babae.
Nakalimutan na ata niya na may Bestfriend pa siya dahil palaging magkasama sila hindi na ata maghihiwalay yan. Bahala nga sila.
Bestfriend nga lang pala kami kahit hindi naman niya sabihin na girlfriend niya si Lianeiry. Okay lang. Bakit ba ang panatag ko ngayon sa kaniya. Hindi ko magawang maiinis tapos may mga oras naman na inis na inis ako sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/113964111-288-k82947.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana (COMPLETED)
RomanceSaina Ariz Palmos, isang babaeng minsang hiniling sana siya nalang ang mahalin ng lalaking mahal niya. Puro sana, sana at walang katapusang sana ang kinapitan niya. Iyon din ang nagpabitaw sa kaniya. Litong-lito sa nararamdaman hanggang siya na mism...