TWENTY TWO

937 18 0
                                    

Ariz POV

Dumating ang saturday. Sa loob ng tatlong araw bago ang sabado grabe ang paghahanda ko. Diko alam kung bakit kailangan ko paghandaan.

Nakakahiya ako yung nagaya na makipagkita ako pa ang late. Pero mas exciting na din kung ako ang late. 

Kinakain din ako ng kaba. Ang hirap. Siguro kung eto na ang oras para malaman ko doon pa ba ako aatras.

"Saan ka pupunta, Ariz?" harang sa akin ni Ate.

Napatigil ako sa paghakbang dahil sa tanong niya. Huminga ako ng malalim para sagutin siya.

"Sa Mall. Bili lang ako bagong damit. Bye" dahilan ko

Tumakbo na ako sa labas. Wala si Kuya kaya di ako makakapagpahatid sa kaniya. Sana may dumaang taxi!

Parang umaayon sa akin ang tadhana may dumaang taxi at agad kong pinara iyon.

"Saan tayo, Ma'am?"

Sinabi ko sa SM. Nilabas ko ang phone ko at tinext si Klane. Tinanong ko kung andoon na siya. Nagreply naman siyang andoon na.

+63905*******:

Yap, where are you? Don't be so late. Marzia will go here too. She texted me.

What!? Kaya ba bihis na bihis din siya? Nagreply ako kaagad.

To: +63905*******

Im on my way. Im sorry. Please go to skygarden area. Let's meet there.

Kabado ako nung bumaba ako sa taxi. Tumakbo para makapasok na kaagad at dumeretso ako sa skygarden. Diko alam kung ano suot ni Klane.

Naisipan kong tawagan ko nalang siya. Luminga ako sa palagid baka makasalubong ko pa si Ate Marzia.

Nakarating ako sa skygarden area. Madami dami ding tao. Luminga ako baka sakaling may mamukhaan akong tao kaso malabo na ata ang mata ko at diko mahanap ang hinahanap ko. Naisipan kong tawagan nalang siya. Sa pangatlong ring sinagot niya iyon. Bigla kong pinatay ang tawag dahil bigla kong naalala baka mabosesan niya ako. Kaya naisipan kong itext nalang.

I asked him kung anong kulay ng suot niya. Sinabi niya na naka kulay blue siya malapit sa fountain. Dumeretso na ako doon.

Nakita ko na siya. Sigurado na ako na si Klane iyon. Unti-unti akong lumipat sa kaniya. Naguunahan sa pagkarera ang pagtibok ng puso ko.

"H-hi" shit ba't nautal ako.

Unti-unti siyang lumingon sa akin. Napatakip ako ng bibig sa gulat ko ng humarap na siya ng kita ko na buong mukha niya. His face.

"Shit." he curse.

"T-tell me t-this is joke." nanginginig kong sabi.

His face look like Zander. Is this fucking real? Who is he?

"Are you Klane? Please tell me you are not Zander."

Patingin tingin siya sa likod ko. Nagtaas baba ang kaniyang dibdib.

"Bullshit. This is not the right time!" he whispered.

Mas lalo akong naguluhan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. Tiningnan niya yung kamay kong nakahawak.

"Please tell me you are not Zander." pamimilit ko, may awa sa boses ko.

Pumikit siya. Parang nahihirapan magsabi ng totoo. Sabik ako sa katotohanan. Kahit alam kong yon ang magpapasakit sa akin. Kinakain ako kuryosidad kaya't pilit kong hinahalungkat kung ano ang nakabaon. At nung natagpuan ko na ako naman ang gustong umatras.

Lumakas lalo ang tibok ng puso habang tinitingnan ko ang mga mata ng taong nasa harapan ko. Nahihirapan siyang tingnan ako. I felt so comfortable. I felt so safe. Ito yung pakiramdam nung bagong taon na naulit kong maramdaman ngayon.

Natatakot ako sa ginawa ko ngayon. Nanginginig ko siyang binitawan dahil wala na akong kasigraduhan na kaya niyang sagutin ang tanong ko sa kaniya.

Pinunasan ko ang taksil na luha sa aking mata. Tiningnan ko siya ulit at sinimulan ng tumalikod. Anong mahirap sa tanong ko? Bakit kayo magkamukha ng taong nagparamdam sa akin ng sakit din. Sa taong hiniling kong sana hindi ko nalang siya ginusto. Sa taong minsan ko ng ipinaraya sa kapatid ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng naramdaman kong ang mainit na yakap mula sa likod ko.

"Fuck, I hate seeing you cry. " paos niyang sabi.

Nganginig ako ng tuluyan sa sinabi niya. Mas lalo kong naramdaman ang kaligtasan sa yakap niya.

"Do you remember this?" He asked.

Nung bagong taon! Ikaw yon at hindi si Zander. Dahil ako makakaramdam ang naramdaman ko kanina kung hindi ikaw yon.

Tumango ako sa tanong niya.

"But why? Why are you look like Zander?" humihikbi kong tanong.

Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Nakikiliti ako ng dahil doon.

"I'm his twin brother.." aniya.

Twin Brother? Ibig sabihin kambal sila ni Zander?  Bakit hindi iyon nakwento na may kakambal siya. Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya

"Bakit ngayon ko lang nalaman?"

Tumalikod siya."It's complicated. Madadamay ka. Magkaiba kami ni Zan. Malaya siya at ako hindi."

Nalito ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya. Kirot ang nararamdaman ko. Sana noon ka pa nagparamdam sa akin.

"Anong ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo, parang awa na, Klane." tingin ko sa mga mata niya.

"Masyadong mahirap, Ariz kung ipapaliwanag ko sayo. The world can't allowed me. They will hurt you." sersosyo niyang sabi.

Mas lalo akong nalito. Gaanon ba kahirap sa kaniya? Dahil ano pinoprotektahan lang niya ako?

"Hindi ko maintindihan!"

Tumango siya. "Mas okay ng hindi mo maintindihan. Mas okay na 'yon."

"Tangina! Huwag kang magsarili, sabihin mo sa akin. Dahil hindi okay iyon sa akin." may bahid ng galit sa boses ko.

"Baby, please stop cursing." paos niyang sabi. "Nagiinit ako." ngumisi siya.

Hinampas ko siya. Hindi ako natutuwa.

"Ipaliwanag mo sa akin." pamimilit ko.

"Simula pasukan ako kasama mo until nalaman nalang nila na tumatakas ako. Kaya mas lalo akong kinabahan kaya simula 'non si Zander na nakasama mo. At doon nadin nagtransfer si Marzia." simula niya.

Simula palang siya na kasama ko. Siya na kasama ko tangina. Bakit ngayon ko lang naman.

"Sabihin mo sa akin, bakit hindi pwede? Bakit?"

Timikhim siya.

"They will hurt you if I said this to you. Don't tell to anyone that you know me. Remember when I left you here. You will forget me. I want you to forget me! Forget me!"

And then he left me. Hinabol ko siya kaso sobrang bilis hindi ko na siya naabutan. Naramdaman kong may luhang nahulog mula sa mata ko.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon