FIVE

2.8K 55 0
                                    

Saina Ariz POV

"Hala, oh, bakit ganiyan ayos ng upuan?" tanong ko nang makapasok na ako sa room.

Hiwalay hiwalay kasi. Parang tantsa ko five inches layo ng upuan sa isang upuan. Luminga-linga ako hinahanap ko si Fayeleen. Yung tanong ko sa isa kong kaklase kung bakit ganiyan ayos, aba dinedma lang ako. Ako? Dinedma? Sa ganda kong 'to? Masakit.

Nang makita ko si Fayeleen andoon sa upuan ng Teacher. Favorite daw niya kasing umupo doon. Diko alam kung bakit naging favorite niya doon. Naglakad ako papunta sa kinauupuan niya.

"Peks, bakit ganito ayos ng upuan?" Tanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sakin "Aba malay ko ba. Ako ba nagayos niyan?" tinuro pa niya sarili niya.

May mens ba to? Masyadong mainit ang ulo, umagang umaga.

"Chill, Aga-aga ang init na agad ng ulo mo. Meron ka ngayon 'no?"

"Chill mo mukha mo." sigaw niya sakin.

"May mens nga to" sabi ko tsaka sabay alis.

Hinanap ko yung bag niya. Tatabi kasi ako sa kaniya, aba malay ko ba kung bakit ganito ayos ng upuan. Mamaya magte-test kami, wala pa naman akong review. Nakita ko yung bag ni Leen malapit sa aircon. Sa tabi niyang upuan meron ng bag na nakalagay tapos sa isa meron nadin. Kanino ba yung bag na yon. Kahit may bag pumunta parin ako doon at inalis yung bag tsaka nilagay yung bag ko.

Tinaas ko yung bag na hawak ko. "Kanino 'tong bag?" Tanong ko.

Nagsitinginan sila sakin.

"Sakin, Ariz."

Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses. Nagulat ako nung makita ko kung sino. Anong ginagawa niya dito?

"Lianeiry," naka ngiting pilit na sabi ko. "What are you doing here in our room?"

"Nilipat kasi ako ni Sir. Dito daw ako nababagay. Alam mo naman yung mga studyante sa kabila." sagot niya tsaka lumapit sakin kinuha yung bag niya.

"At tsaka ako nauna sa upuan na yan. So excuse me." taray, may galit ba'to sakin?

Aba. Pasalamat siya di ako nikikipag away. Diko na pinasin yung sinabi niya. Kinuha ko na yung bag ko tsaka dumiretso sa likod ni Leen, dalawa pa kasi bakante doon.

Naiinis ako akala mo naman kasi kung sino.Nalipat lang. Kala ko pa naman mabait siya. Di pa niya ako kilala masyado kaya wag siyang ganiyan.

May narinig ako umupo sa katabi kong upuan. Nakaharap kasi ako sa bintanan.

"Oh, ba't ganiyan pag mumukha mo?" boses ni Zan yon. Kaya lumingon ako sa kaniya.

"Wala lang to." I smiled at him kahit medyo pilit.

"Tara dating gawi." sabi niya

"Ah," sagot ko

Di niya ako pinansin. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila ako. Nagpatianod naman ako. Marupok na ba ako?

"Ngayon mo naisipan?" tanong ko.

Nginitian lang niya ako. Dating gawi pumunta kami sa likod ng library. Sa dati na sikretong taguhan. Yung pinupuntahan namin ni Leen pero halata yon. Yung samin na inupuan ni Zan di halata na may tao.

Nang makarating na kami, umupo kami. Wala pang tao kasi maaga. Nasa room sila niyan.

"Ano ba ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Inaantok pa kasi ako, kaya inaya kita dito."

"Aga aga mong umuwi tapos inaantok ka." sermon ko.

Maaga siyang umuwi kagabi tapos inaantok pa siya niyan.

Nakatitig lang ako sa mukha niya. Inaantok nga. Pansin ko din na medyo maitim ang gilid ng labi niya. Pasa ba 'yon?

"Saan kaba nagpunta after samin." I asked him. "At, bakit parang may pasa ka?"

Tiningnan lang niya ako at agad din na iniwas yung tingin niya at pati nadin yung tanong ko. Parang pasa talaga iyon. Ginawa nalang niyang unan mga binti. Tahimik lang niyang pinikit ang mata niya.

Gusto ko siyang tanungin kung meron pa ba siyang pinuntahan pagkatapos ng samin.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon