TEN

2.2K 44 0
                                    

Saina Ariz POV

Kanina pa ako inaantok habang nagkaklase yung teacher namin pinipigilan ko lang. Maaga na akong natutulog , always late padin pumasok.

Last subject na inaantok pa din ako. Gusto kong matulog pero bawal baka makita pa ako ng teacher kong natutulog mamaya pag gising ko nasa guidance office na ako.

"Okay, Class dismissed, " wika ng teacher ko.

Dali dali na akong tumayo at isinakbit agad yung bag. Tinawag pa ako ni Leen pero hindi ko siya pinansin, Alam niyo naman umiiwas padin ako, and I don't know why kung bakit patuloy ko padin na ginagawa. Ang wierd na din kasi.

Bumaba nalang ako sa kanto, diko pinapasok sa loob gusto ko kasi maglakad papunta sa bahay namin. Habang naglalakad ako wala akong pakielam sa mga dumaan. Gumegeway geway pa akong nalalaman. Bigla nanaman pumasok sa isip ko kung bakit nga ako umiiwas.

Nagumpisa lang naman to, simula nung nakita ko sila sa tambayan na magkasama at doon nagsimula na parang ang sakit makita na magkasama sila na parang may tumutusok sa puso mo at gumugulo sa isipan mo.

Ariz, please pagpahingahin mo muna yang isip mo sa kakaisip ng bagay na 'yon.

Ramdam ko na malapit na ako sa bahay, hinihingal na ako kakalakad. Malayo din kaya ng bahay namin mula doon sa kanto na pinagbaan ko.

Napatingin ako doon sa gate namin. May tao may kausap siya sa phone niya at sa bahay namin nakatingin habang kausap niya yung nasa kabilang linya.

Lumakad ako ng medyo mabilis para makita ko siya kung sino talaga siya.

"Zander?" pag tawag ko.

Lumingon siya at tama nga ako si Zander. Anong ginagawa niya dito sa labas?

Kilala naman si Zander ng pamilya ko. At bakit di man lang siya pumasok na sa loob at nakatingin lang dito sa labas ng bahay namin.

"Sain---Ariz!" sabi niya, nabigla pa ata habang binabanggit pangalan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanong.

Diko alam kung may saltik ba tong mata ko kasi sinilip ko pa yung kaliwa't kanan niya parang sinisigurado na may kasama ba siya o wala.

"Ahm... Sinundan ka, pero parang nauna ako sayo. " sabay ngiti niya.

Ako? Sinundan? Imposible.

"Ganon ba?" tanging sabi ko.

"Sige, pumasok kana sa loob. Mauuna na din ako. Mag-ingat ka palagi. Bye..." sabi niya, pero may dinagdag pa siya diko lang naintindihan.

Tumango lang ako. At pumasok na sa loob. Nagtataka ako kung bakit di siya sumabay sakin na pumasok sa loob ng bahay namin dati-dati naman nauuna panga siya pumasok sakin sa bahay kesa sakin.

May problema ba siya? Sobrang weird na nga pati siya ang weird na din.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon