Prologue

22.1K 205 7
                                    

Isang sigaw ang nagpatigil sa pagiisip ko sa isang bagay.

"Hoy! Saina Ariz, tara na."

Tumingin ako sa kaibigan kong si Fayeleen.

"Kung maka-hoy ka parang hindi kita bestfriend." sita ko sa kaniya.

Tanging pagiirap lang ang binigay niya sa akin. Tumayo ako at siya naman nauna na sa labas.

Alam niyo yung feeling na unang subject niyo ay ang dimunyitang math wala na ibang hinanap kung hindi asan si x dapat ang x ang nandoon magiging x na iyon. Ang dami-daming pwedeng unahin bakit math pa?

Luminga-linga ako dahil hindi ko na mahanap kung saan dumeretso si Peks. Tawagan namin iyan sa isat isa. Siya ang umiisip hindi sana ako papayag kaso baka umabot kami sa awayan.

Sumisigaw na ako sa loob ng isip ko dahil hindi man lang ako hinintay ng bruha! Naglakad lakad pa ako para mahanap siya at hindi naman nakaligtas sa akin ng mapadaan ako sa may hagdanan na may kausap na lalaki. Naisip kong sigawan ko siya. Nakikipaglandian nanaman!

"Ikaw ah! Peks, may boyfriend ka na't lahat nakikipaglandian ka pa diyan." sigaw ko.

Agad siyang humarap sa akin at itinaas ang middle finger niya. Tumawa lang ako sa naging reaksyon niya. Lumapit ako para makita kung sino ang kausap niya.

"Mabuti naman at pumasok kana, Zan." Rinig kong sabi ni Leen, kay Zan.

Si Zan lang pala ang kausap niya akala ko naman kung sino na ang nilalandi nitong bruha.

"Hello to you, Zan." bati ko.

"Ariz," sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

Classmate ko iyan. Bestfriend na din. Simula ng lumipat ako ng grade 11 dito siya na ang naging kaclose ko. Hindi kasi ako nag grade 7 to 10 dito.

"Peks, tara na baka maubusan tayo ng ulam." wika ni Fayeleen sa gilid ko.

"Sige mauna na kami." paalam ko sa kaniya.

"Sige, na miss kita Ariz." sabi niya sabay kindat sa akin.

"Hindi kita na miss."

Hindi ko na hintay o marinig man ang sinabi niya dahil hinila na ako ni Leen.

Madadapa ako sa ginagawa ni Leen.

"Dahan dahan lang naman." reklamo ko sa kaniya at binagalan naman niya.

"Alam mo, peks. Parang may gusto sayo si Zan." sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kaniya na nagtatanong. Nasisiraan na ba ito ng ulo.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"Syempre sinabihan ka niya ng "Na miss kita" di ka ba magtataka 'non? Eh, ako ngang kinakausap ko siya ni hindi man lang ako na miss."

Natawa ako sa sinabi niya. Tss. Iyon lang ba.

Nagaasar akong ngumiti at tumingin. "Bakit close kayo?"

Nakita ko siyang bumulong pero agad na ngumiti sa akin. "Hindi, oo nga 'no."

"Iyon naman pala, eh."

"Hindi nga kasi ganon... Arghh. Nevermind." dumaan ang pagkainis na awra sa mukha niya at nauna na.

Umiling nalang ako. Bakit naman ako magugustuhan 'non. Ang balita ko may nililigawan siya sa kabilang University.

Close lang talaga kami kaya siguro ganon. Huminto sa paglalakad si Fayeleen at tumingin sa akin.

"Baka naman ikaw ang may gusto kay Zan. Ayiee." nangaasar niya sabi with matching sundot to my tagliran.

Itong babaeng ito sarap minsan itapon sa pluto kung ano ano naiisip.

"Peks, may nililigawan yung tao." paliwanag ko sa kaniya.

"And so? Basta ish-ship ko kayong dalawa.  Gusto mo yon?" kinikilig niyang sabi.

"Gaga, anong ship-ship ka diyan. Pektusan kaya kita."

Dumila lang siya sa akin. Tuloy tuloy lang din kami sa paglalakad habang naguusap kami.

"Oh? Baka naman gusto mo siya? Kaso hindi mo lang maamin. " tumingin siya sa akin at binalik sa daan."Gusto ka din naman niya."

Hindi ko narinig masyado ang sinabi niya.

"Ano?" nilakasan ko ang boses ko.

"Nevermind!"

Umirap siya sa akin at nauna na siyang pumasok sa canteen. Nakasunod lang ako sa kaniya.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon