FIFTEEN

2.2K 37 5
                                    

Arill [Ariz's Brother] POV

"Ano bang sinabi ko sayo, Marzia? Diba sabi ko sayo kami muna mageexplain sa kaniya. Tapos pumunta ka pa talaga dito. Sinabi na din sayo ni Dad na wag muna ngayon. Ang kulit mo!" sigaw ko kay Marzia.

My half sister. Oo matagal ko nang alam. Sakin sinabi nila mama. Kahit sinabi ko nang sabihin na hindi yung sa huli pa sasabihin. Pero ayaw nila natatakot sila. Ayan nangyari na.

"Ako pa ang makulit ngayon Arill! Aba gusto ko lang kayo makasama ni Dad tsaka ni Tita. Di ba pwedeng mangyari yon. Malay ko bang hindi niyo pa sinasabi kay Ariz ang totoo. Kasalanan niyo din yon!" sigaw din niya.

Tiningnan ko nalang siya ng masama tsaka padabog kong sinarado yung pintuan ng guest room dito ko siya dinala nung umalis kagad si Ariz.

Ariz, asan ka na ba? Nagaalala na ako para sa kapatid ko. Hintayin mo lang ako Ariz, hahanapin kita.

Sana naman walang mangyari sa kapatid ko.

Ariz POV

Limang araw na akong hindi umuuwi sa bahay, sa apat na araw na yan malapit na magpasko.

"Ariz, wala ka pa bang balak umuwi sa inyo? Magpapasko na." Magaan na sabi sakin ni Ate Trina.

Si Ate Trina yung tumulong sakin kung saan ako nakituloy kahit nahihiya ako sige go lang. Mabait naman siya. Single mom.

"Napagisip isip ko na po yan Ate Trina. Magpapasko naman po. Diba po pag pasko kailangan magpatawaran kailangan nagmamahalan tayo kaya handa na po akong patawarin sila." Nakangiti kong sabi.

"That's good, Mamimiss kita, Ariz. " sumimangot siya.

Tumawa ako "Ate trina naman, e!"

Tumayo siya "Oh 'sya maiwan muna kita magluluto lang ako ng kakainin natin, magigising na din anak ko"

Tumango ako sa kaniya. Miss ko na sila.

Di nila ako matatawagan kasi pinatay phone ko. Gusto lang magisip. Bakit ganon. Di man lang nila ako ininform. Pero ayos maiintindihan ko naman siguro kung bakit.

I miss him so much. Ang tagal ko ng hindi siya nakikita. One week yeah. One fucking week. Diko alam kung bakit ganito. Bakit ganito yung nararamdaman o di naman ako manhid para di ko maramdaman yung ibang taong nagmamahal. Mahal ko siya? Oo. Kaso iba ang mahal niya at hindi ako yun yung kapatid ko.

Sana nga ako nalang. Kaso nauna siya.

Anong laban ko sa taong nauna?. Pangalawa lang ako,  pangalawang nagmamahal sa kaniya.

"Tita! Nagd-day dream ka nanaman eh, Dika mahal 'non okay?" maarteng sabi sakin ni Tielle.

Anak ni Ate Trina. Bata, bata daming alam. Pero sapul sapul sa heart yung sinabi niya. Wow.

Tumingin ako sa kaniya. "Halika nga dito bata ka" sabi ko.

"Duh! Di na ako bata Tita Ariz. Big girl na ako"  naka pout niya sabi.

Cute. Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Lumapit ako sa kaniya at hinug ko siya. I gave her super hug from Tita Ariz.

"Tita naman di na ako makahinga kaya." Reklamo niya.

"Oo na, minsan lang kita ihuhug e" maglungkot kong sabi.

"Minsan daw. Halos araw araw kaya"

Aba nagawa pa akong sagutin.

Tumingin ako sa kaniya. "Aba't sumasagot ka pa sino nagturo sayo niyan." kunwaring galit na sabi ko.

Ngumiti siya sakin. "Siya."  sabay turo niya sa likod ko.

Nagtaka ako "Huh? Sinong siya, Tielle? " I asked her.

Ngumiti siya nang nakapalapad "Hi Tito, I miss you po so much. Do you miss me too, Tito?" Tanong ni Tielle sa likod ko. Diko alam kung sino yon.

"Of course my little princess."

That voice! I know that kind of voice. Humarap ako. Napatulala ako ng mapantanto ko na siya talaga yun.

"Z-zander, " mahina kong bigkas.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon