Saina Ariz POV
"Aalis na kami, Ariz." paalam ni Mikiel.
Tumango ako sa kaniya. Napasalamat ako sa paghatid sa akin. Kung hindi siguro sila dumating baka hindi ko na kayang umuwi knowing kung may nakita sa akin isa sa mga sinasabi ni Klane. Tapos ang buhay.
Dumeretso agad ako sa kwarto at doon nagmukmok. Inisip bakit nangyayari ito sa akin? Anong kasalanang nagawa ko? Gusto ko lang naman sumaya. Bakit di magawang pagbigyan.
"Ariz, anak?"
Pumikit ako nung naranig ko ang boses ni Mama sa labas ng kwarto ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Wag niyo muna akong kausapin, please.
Hindi ko na pinansin. Mapapagod din si Mama. Alam ko naman pag ganiyan nagaalala siya sa akin. Baka ngayon ay may alam na siya. Nakita din niya ako ng dumating ako.
**
Kinabukasan tamad ako sa lahat ng pagkilos na ginagawa ko. Linggo palang ngayon. Kung magmumukmok lang ako ulit sa kwarto wala akong magagawa sa buhay ko.
Naisipan kong magsimba nalang ako. May oras pa naman. May misa pa. Gumayak ako at bumaba na din. Naabutan ko sila nasa sala nanonood ngumiti ako sa kanila.
"Good Afternoon." bati ko.
Ngumiti sa akin si Mama. "Kumain kana diyan. Hindi kana nakakain ng hapunan kahapon tapos ngayon naman umagahan. May problema ba, Ariz?" may pagaalala na sabi niya.
Tumango ako at ngumiti. Nahagip ng mata ko si ate Marzia. Nginitian lang niya ako kaso siya sinusuri ako nginusuan ko lang siya. Dumeretso na ako sa kusina para kumain na din. Nang hindi ako magutom mamaya sa simbahan.
Nililigpit ko na yung pinagkainan ko. Nang marinig ko ang boses ni ate Marzia sa likod ko.
"I know you are not okay. Care to tell me what happened?" concerned siyang tumingin sa akin.
Pinunasan ko yung plato na hawak ko. Nilagay ko ito sa lalagyan.
"You already know what happened, ate." sabi ko.
"Ariz ala---" pinutol ko siya, may nararamdaman akong inis.
"Ate, please wag muna ngayon." pilit akong ngumiti.
Umalis na ako at kinuha yung shoulder bag na pinatong ko sa lamesa. Kung mas kakausapin ko pa siya mas lalong magugulo ang isipan ko.
Masyadong marami na akong nalaman. Baka kung mag eexplain pa siya mas lalo na akong mabaliw.
Pumara akong sasakyan ng may dumaan. Sinabi kong sa simbahan ako. Kinuha ko yung phone ko para sana itext si Elijah kung free siya ngayon. May gusto lang akong malaman. Kung may alam din siya. Hindi ko alam ba't siya gusto kong makausap imbis na si ate, or si mikiel.
Si ate ang madaming alam pero hindi ko kaya. Kala ko kaya kong malaman mula sa mismomg bibig niya pero hindi ko pala kaya.
Napasubsob ako sa likod ng upuan sa harap ko. Napahawak ako sa noo ko.
"Manong, anong nangyari?" kinakabahan kong tanong.
"Ma'am sorry po! Hindi ko po napansin na may dumaang pusang itim. Pasyensiya na po talaga!" hingi niyang tawad.
Tumango ako sa kaniya. Kinakabahan ako akala ko kung ano na. Pusang itim? Bakit naman biglang may tumawid na pusang itim? Tinamaan akong kaba dahil diba malas daw ang pusang itim kapag gaanon may mangyayari? Baka nagbibiro lang baka wala lang talaga yon. Kasabihan lang.
Nakarating ako sa simbahan at pumasok na ako loob. Sakto lang ang dating ko. Nag sign of the cross muna ako bago tuluyang humanap ng upuan.
Hindi nagtagal nagsimula na din ang misa nakinig lang ako sa mga sinabi ng Father. I don't know kung para sa akin ba ang misa pero tagos na tagos sa akin ang sinasabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/113964111-288-k82947.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana (COMPLETED)
RomanceSaina Ariz Palmos, isang babaeng minsang hiniling sana siya nalang ang mahalin ng lalaking mahal niya. Puro sana, sana at walang katapusang sana ang kinapitan niya. Iyon din ang nagpabitaw sa kaniya. Litong-lito sa nararamdaman hanggang siya na mism...