THREE

4.1K 67 1
                                    

Saina Ariz POV

"Kanina ka pa nakatulala diyan, Ariz may problema ka ba?" tanong ni Fayeleen sakin.

Pano akong hindi matutulala yung nakita kong picture sa phone ni Fayeleen ayaw mawala sa isip ko.

"E, kasi naman po dahil doon sa picture, hindi mawala sa isip ko." sagot ko sa kaniya.

Andito nga pala kami sa likod ng library. May tambayan kasi sa likod. Garden siya na may upuan na mahaba. Madami dami ding pumupunta dito.

"Oh? Ikain mo nalang 'yan." sabay abot niya sakin na graham balls.

Basta talaga pagkain hindi mawawala sa kaniya. Kinuha ko nalang sa kaniya.

"Ba't mo nga pala iniisip yong nakita mo kanina?" tinitigan niya ako.

Bakit nga ba?

"Diko alam." tanging nasagot ko.

Kinain ko lang yung graham balls na binigay sakin ni Peks. Habang kumakain ako may narinig akong ingay sa kabilang upuan. May harang kasi kaya di namin makikita kung sino yung nandoon.

"Nagkita na ba kayo?" tanong ni girl

Tinigil ko yung pagkain ko at pinakakinggan ko yung pinaguusapan nila. Sino naman kaya yung tinutukoy ni girl sa kausap niya. Ang chismosa ko din pala.

"Oo naman, Di nga alam niya na lilipat ako dito, e." sabay mahinang tawa niya.

"Edi nagulat siya." sabay tawa "Eh, bakit ka nga lumipat dito? Ayos naman sa kabilang University."

So transfer siya at sa kabilang University siya galing. Sino kaya sila at sino ang pinaguusapan nila? Curious na curious akom

"Alam mong mahal na mahal ko si Paul." tanging sagot ng kausap niya.

"Jusmiyo! Pag-ibig nga naman, pero wala talagang forever may hahadlang diyan sa pagmamahalan niyo ni, Paul lalo't na hindi mo pa siya sinasagot"

Paul, ang pangalan ng pinaguusapan nila. Sino naman kaya 'yon?

"Walang hahadlang," sagot ni girl one. "Mahal ako 'non, pinapaiwas ko na din siya doon sa basta doon sa girl ni-"

"Ay, nako, Lianei." narinig kong pinagpag na ni girl yung palda niya ibig sabihin niyan tumayo na si girl two?

"Saglit lang naman, Raine."

Lianei? Parang may katunog siya sa Lianei. Naalala ko yung pangalan na sinasabi ni Fayeleen sa akin, yung transfer? Ano nga ba ulit pangalan 'non? Mary Lianey? Imposibleng, Mary Lianey 'yon. Ano, Ma- mar-.. Maria Lianeiry?

Lianei to Lianeiry? So ibig sabihin siya yung transfer. Sino naman si Raine? Matanong nga kay Fayeleen baka alam niya iyon.

"Peks!" tawag ko.

Kumunot ang noo ko dahil hindi niya ako narinig. Sakto lang naman ang pagkakatawag ko sa kaniya.

"Fayeleen!" tawag ko ulit

"Ano ba? Alam mo istorbo ka din? Nagbabasa ako dito alam mo ba 'yon? Ayon na e, magki-kiss na sila ulit. Malapit na!" reklamo niya.

"Sorry, okay? " nagpipigil ako ng tawa kasi talaga yung itsura niya parang ano iniwan. "May tanong lang naman kasi ako. Alam ko namang may alam ka kasi ang daming mong alam na chismis." sabi ko nakita ko siyang umirap.

"Importante ba yan? Ano ba pangalan? Babae ba o lalake?" pagtatanong niya sabi na nga kapag tungkol sa tsismis ang bilis e, walang pinapalampas na oras.

"May narinig kasi akong pangalan na Raine? So kilala mo ba kung sino yung Raine" pagtatanong ko.

"Raine?" tumingin pa siya sa langit parang nandoon yung sagot.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon