- Charlotte -
"Abo abo sa hangin
Makalanghap ay mamalasin
Walang lunas ang makararating
Sakit ay lalala't iigting."Nandito ako ngayon sa kuwarto at gumagawa ng tula kahit ayaw ko dahil ito ang kahinaan ko. Ang ma'am kasi namin ang daming alam. Pinagpa-pass ba naman kami ng tula tungkol sa sakit. Laganap din kasi ngayon ang corona virus at nasa community quarantine ang buong bansa kaya para may grade kami ngayong 4th quarter, lahat ng requirements ay through online. Patapos na nga lang ang school year, ipasa na lang sana nila lahat ng estudyante tutal marami din naman ang may honor sa room namin at kabilang ako doon.
9:00 pm na rin nang natapos ko ang tula at gagawin ko naman ang iba pang requirements. Napakunot naman ang noo ko dahil sa susunod na gagawin ko. Isa siyang case problem na may transactions for the month of April. Gagawan ko ito ng journalizing entries at magpoposting pa sa ledger. Madali lang ito sabi ko sa sarili ko para naman di ako mawalan ng gana na tapusin ang ibang requirements. Naisip ko na kokopya na lang ako kay top 1 para di na ako mahirapan kaya proceed ako sa ibang gawain.
Lahat pala ng subject namin may pinapagawa. Sana kasi may policy na lang na wag mag pa-assignment. Tinapos ko na rin lahat at di pa ako makatulog kaya minabuti ko munang pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas pero habang nagtitimpla ako ay nakarinig ako ng ingay sa sala.
Ang tunog na ito ay hindi gaanong maingay ngunit maririnig mo pa rin na parang hinahalungkat ang mga gamit.
Dahil over cautious ako, inisip ko na baka may panganib kaya nagtago ako sa silong ng lamesa. Di naman siguro ako makikita dito.
May mga yapak na papalapit dito sa kusina. Sumilip ako at nakita ko ang isang lalaki na kumukuha ng mga gamit namin.
"Magnanakaw! Magnanakaw!" ang sigaw ko pero mukhang mali ang ginawa ko.
Walang nakarinig sa sigaw ko kaya tumakbo akong papunta ng cr na malapit lang. Nakalimutan kong ilock yong pinto kaya nabuksan ito.
Akala nong magnanakaw ay nagtatago ako sa may kurtina pero nasa likod pala ako ng pintuan. Ginamit ko iyong pagkakataon para pumunta sa kuwarto ni kuya at buti na lang hindi ito nakalock kaya nakahingi ako ng tulong sa kaniya.
Tumawag kami ng pulis pero nakatakas na ang magnanakaw bago dumating ang mga pulis kaya inisip nila na nagpa-prankcall lang kami.
"Ayos ka lang" alalang tanong ni Kuya Dylan.
"Opo kuya. Buti na lang nakahingi ako agad ng tulong sa iyo." sabi ko.
"Nagpapasalamat ako at walang nangyaring masama sa iyo. Sila Mama at Papa, ligtas din ba kaya sila?" tanong sakin ni kuya.
"Tara po tingnan natin." Tumakbo kami papunta sa kuwarto nila mama at ligtas nga sila. Mahimbing pa nga ang tulog nila. Wala na kaming balak sabihin ni kuya ang nangyari sa ngayon dahil baka lilipat nanaman kami ng bahay. Nagtungo naman ako sa salas upang tingnan kung may nanakaw nga bang gamit namin at si kuya naman ay bumalik na sa kanyang kuwarto.
Nagulat naman ako dahil wala namang nanakaw na gamit, magulo lang talaga ang mga ito. Parang may hinahanap na bagay ang magnanakaw na yon lang ang gusto niyang kunin. Niligpit ko na ang mga nakakalat na gamit at may isang bagay akong nakita sa sahig. Mukhang gamit ito ng magnanakaw at nahulog niya siguro nung tumakbo siya. Isang chip na may naka-engrave na letter M. Pinulot ko ito at pinagmasdan ng mabuti. Wala naman akong magawa kaya flinip ko ang chip na ito na parang naglalaro lang ng heads and tails ng isang coin.
Lumapag ang chip sa sahig at nakalabas ang letter M nito. Sabi ko na nga, heads yun eh. Pabalik na sana ako ulit sa kuwarto ng biglang may liwanag na lumabas sa chip na may letter M. Ang sakit sa mata nung liwanag at mas lumiliwanag pa ito kaya't napapikit na lang ako. Ayaw ko pa ding idilat ang aking mga mata dahil nakakasilaw talaga ito.
Tumagal ang pagliwanag nito sa loob siguro ng labinlimang segundo. Dahan dahan kung idinilat ang aking mata na parang kagigising ko lang sa umaga at nakabukas ang ilaw. Nang naimulat ko na ng buo ang aking mata, nagulat na lamang ako sa aking nasaksihan.
Umaga na at nasa ilalim ako ng malaking puno malapit sa isang ilog. Wait, nasa panaginip lang ako diba? Triny ko yung ginagawa nila sa mga movies para malaman kung nasa panaginip sila. Kinurot ko muna ng malakas yung braso ko. Aray! Masakit nga pero hindi pa din ako nakuntento kaya pinagsasampal ko ang mukha ko ngunit nararamdaman ko talaga na totoo ito. Nasan nga ba ako?
*******
AN/ For anyone that reads this, I think this story might interest you. This is a fantasy story that I've made and I'm open for your reviews about this story. Enjoy reading!
YOU ARE READING
The Tale Of Starborn (In-progress)
FantasyCharlotte suddenly transports into another world as she flipped the magical chip of Mageborn. She found herself in a new world where everyone has roles to play. Will she be able to cope up with the drastic change?