Chapter 2: Two Geniuses

49 15 20
                                    

Pic: The castle that Charlotte saw upon entering this world

*************

-CHARLOTTE-

Pumasok na kami nina Roland at Margaret dito sa tinatawag nilang Sign Hall. Hindi naman pala ganoon kagarbo ang Sign Hall na to. Mukha lang siyang malaking cabin at malawak ito sa loob. May mga upuan din dito na parang sa bleachers at  gawa ito sa kahoy. Pumili na kami ng uupuan namin at marami namang bakante kaya mabilis din lang namin nagawa iyon.

Sa gitna naman ng Sign Hall, may isang malaking bilog na bola na lumulutang at kasinglaki nito ang ginagamit sa pagwasak ng buildings. Wrecking ball ata ang tawag dun. Sa tapat naman ng bilog na yon ay may tulad podium na bagay. Hindi ko alam kung anong gamit ng mga nakikita ko pero sa palagay ko, yon ang gagamitin sa test na sinasabi nila. Dahil nacucurious talaga ako at excited na din sa mga mangyayari, tinanong ko si Margaret kung ano bang gamit ng mga yun.

"Dahil lahat ng bata ay may sign, bawat taon ay nagkakaroon ng sign awakening. Kaya maraming Sign Hall ang matatagpuan sa iba't-ibang dako ng kontinente. Pero yong dito sa atin ay subsidiary hall lang kaya hindi siya ganun kagarbo." sabi ni Margaret.

Ang layo ng sagot niya sa tanong ko. Pero okay na din yon. At least may impormasyon nanaman akong nalaman. Alam ko na ngayon kung bakit may Sign Hall. Sabi nga ng iba, mas lamang ang may alam kaya tatanungin ko sila ng tatanungin at wala ng atrasan to. Sasabihin ko sana kay Margaret na iba ata ang narinig nitong tanong ngunit naunahan na ako ni Roland na magsalita.

"Margaret, ang layo naman ng iyong kasagutan sa tanong ni Charlotte. Ninanais malaman ni Charlotte kung anong gamit ng mga nasa harapan natin." sabi ni Roland na natatawa din.

Natawa din lang si Margaret dahil hindi rin daw niya alam kung bakit yon ang sinagot niya. Nilinaw naman niya ang sagot na nais kong marinig.

"Iyong bilog na malaki sa gitna ay tinatawag na Attacking Force Meter. Sinusukat nito ang attack force mo. Pero hindi ko pa din alam kung paano natin mapapalabas ang attack force natin sa katawan. Baka ipapaliwanag nila mamaya." paliwanag ni Margaret.

Medyo nagegets ko na ang mga nangyayari. Ang mundong ito ay hindi lang pala ordinaryong mundo. Andaming kakaiba at mukhang puno rin ng mahika. Gusto ko pa sana ulit magtanong kay Margaret ngunit may isang matanda sa gitna ng Sign Hall ang nagsalita.

"Magandang umaga sa inyo mga bata, nandito kayo ngayon upang malaman kung anong sign ninyo at magiging role ninyo. Alam kong nasasabik na kayong matest ngunit bago ang lahat may ipapakilala muna ako sa inyo." sabi nung matanda.

Tinanong ko kung sino yung nagsasalita sa gitna kay Margaret. Sinabi niya na yun daw ang Village Elder namin. Naguguluhan din daw siya kung bakit hindi ko daw alam yun at sabi niya baka nagpapanggap lang ako na walang alam. Siyempre, galing ako sa ibang mundo kaya hindi ko talaga alam. Alangan naman na sabihin ko na hindi ako taga-rito. Habang kinakausap ko si Margaret, bigla namang nagsalita ulit si Village Elder.

"Ang ipapakilala ko sa inyo ngayon ay isang Sign Grandmaster. Siya ang isinugo ngayon dito upang tulungan kayong i-assess ang test niyo kaya pakiusap mga bata, makibahagi kayo ng maayos upang hindi natin masayang oras ng ating panauhing tagasuri." pag-papaalala niya sa amin.

Lumabas naman ang isang lalaki na parang nasa twenties ang taon at mayron siyang dashing eyebrows at makinang na mga mata, masasabi ko na talagang guwapo ang facial features niya. Nakasuot siya ng isang silver na armor, may red na kapa sa likod nito at sa left chest niya ay may badge na nakaukit ang dalawang espada na naka-ekis. Namangha naman ako sa aking nakita dahil parang Knight talaga ang dating ng lalaking ito.

The Tale Of Starborn (In-progress)Where stories live. Discover now