-CHARLOTTE-
Patungo naman kami ngayon sa Academy Office ayon kay Sign Ancestor. Chineck ko naman ang mapa para maconfirm ko kung doon talaga kami pupunta. Tama nga siya, papalapit kasi ang blue dot doon sa area ng Academy Office sa mapa. Marami din palang mapupuntahan sa Magic Academy ayon dito sa mapa. Mayroong Magic Academy Dormitory, Class Building, Academy Building, Market, Academy Office, Training Grounds, Residential Areas of Higher-ups, Dungeon at Common Grounds.
Malawak lawak din ang Academy kaya magandang may mapa ka kung baguhan ka lang dito. Buti na lang at malayo ang Dungeon sa Academy Office. Baka kasi ikulong nila ako doon kung malaman nilang wala talaga akong sign which is baka mangyari talaga.
Pumasok naman na kami sa Academy Office at bumungad sa amin ng isang babaeng nasa thirties siguro ang taon. Makikita na natural ang ganda nito at makinis ang complexion ng kaniyang mukha. Mayroon din siyang kumikinang na mata at matangkad din siya na bumagay sa kaniyang curvaceous na katawan. Napangiti naman siya sa amin at mas lalong lumiwanag ang paligid. Pang-artista talaga ang dating ng babae sa kanyang white dress.
"Lady Liliana, nakabalik na pala kayo. Nagagalak ko kayong makita. Kamusta ang pagdalaw niyo sa Great Sage?", tanong ni Sign Ancestor sa kaniya.
"Masaya rin akong makita ka, Sign Ancestor Peter. Mabuti naman ang pagdalaw ko sa Great Sage at malapit na ring tumapak sa Sageborn ang ating Great Sage. Mas lalakas nanaman ang ating puwersa laban sa kasamaan kung mangyari iyon.", sagot ni Lady Liliana. Napakaamo ng boses niya at mapapakalma ka nito sa iyong pangamabang nararamdaman. Peter pala ang pangalan ng Sign Ancestor na kasama ko.
"Ano nga palang pakay ninyo rito, Sign Ancestor Peter? At sino ang kasama mong bata?"
"Kasama ko si Charlotte mula sa Nordic Village at may kailangan akong sabihin kay Lord Aunas tungkol sa batang ito, Lady Liliana. May kakaiba kasi sa batang ito. Maaari ba naming maka-usap ngayon si Lord Aunas?", tanong ni S.A. Peter.
"Nagsasanay ngayon si Lord Aunas sa Training Grounds. Kung gusto mong makausap siya, bumalik ka na lang mamaya Sign Ancestor Peter."
"Tungkol sa bata ang nais kong sabihin kay Lord Aunas ngunit dahil disciple din kayo ng Great Sage, maaari bang kayo na lang ang magparating sa kanya ng scroll na to."
Pumayag naman si Lady Liliana at kinuha ang scroll kay Sign Ancestor Peter.
"Iwanan mo na lang sa akin ang bata at sasamahan ko siyang hintayin si Lord Aunas.",tugon naman ni Lady Liliana.
"Kung ganoon ay aabalahin ko muna kayo Lady Liliana."
"Wala naman akong problema doon."
"Salamat Lady Liliana. Mauna na rin ako dahil mayroon pa akong aasikasuhin.",pag-papaalam ni S.A. Peter.
Naiwan kami ngayon ni Lady Liliana sa Academy Office. Nilibot naman ng aking mata ang Academy Office at nabighani nanaman ako sa aking nakita. Ang Academy Office ay napapalibutan ng libro at nagmukha na itong mini-library. Maluwang din ang office at sa isang pader nito ay may isang painting ng lalaki kasama ang dalawang bata cute na bata. Parang chandelier naman ang mga ilaw nila rito ngunit lumulutang ang mga ito. Ibinaling ko naman ulit Ang aking tingin sa painting.
"Nagagandahan ka ba sa painting?", tanong sa akin ni Lady Liliana.
"Opo, sino po sila?"
YOU ARE READING
The Tale Of Starborn (In-progress)
FantasyCharlotte suddenly transports into another world as she flipped the magical chip of Mageborn. She found herself in a new world where everyone has roles to play. Will she be able to cope up with the drastic change?