Chapter 12: Another Mage

13 2 1
                                    


-CHARLOTTE-

Tumakbo naman ako ngayon sa direksyon na pinuntahan ni Roland. Madami ring paliko-liko dito sa village kaya hindi ko makita kung saan siya nagtungo. Sinubukan ko na lamang isigaw ang kanyang pangalan. Baka sakaling marinig niya ako. Nagpatuloy akong hanapin siya at hindi ko na din alam kung saan ako pumupunta.

"Roland! Nasaan ka na ba? Roland!" nag-echo naman ang aking boses sa paligid.

"Sino yan?" sabi ng isang alertong boses.

Napatingin naman ako sa aking likuran kung saan nagmula ang boses. Nakarinig naman ako ng mga yapak galing sa likod ng puno at may lumabas na isang tao dito. Ang taong ito ay walang iba kundi si Roland. Nabawasan naman ang aking kaba nang makita ko siya ngunit hindi pa ito ang oras para maginhawaan ang aking loob. Agad ko siyang nilapitan at tinanong ko kung saan nga ba siya nanggaling.

"Saan ka ba pumunta Roland? Nag-alala ako sayo."

"Diyan lang. Diba nakaupo ka lang kanina sa bench? Bakit mo ako sinundan?"

"May sasabihin sana ako sa iyo tungkol sa village na ito. Wala ka bang napapansin na kakaiba?"

"Mayroon naman. Sa paglilibot ko kanina, nakita ko na maraming maliliit na mushrooms ang tumutubo sa paligid. Kakaiba rin ang amoy ng lugar na ito at may mga lubid din sa taas ng mga bahay." sabi niya. "Sa palagay ko, hindi lang tayo ang nandito."

Napansin din pala ni Roland yung kakaiba sa paligid at tama nga siya, hindi lang kami ang nandito sa village. Hindi ko naman alam ang susunod naming gagawin kaya nakatayo lang kami ngayon.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ko ngayon kay Roland. Naglakad lakad naman siya na mistulang nag-iisip ng ideya tungkol sa susunod naming gagawin. Nakaka-shock lang kasi ang nadatnan namin sa village na ito. Ang ine-expect ko kasi ay babatiin kami ng maraming tao na busy sa kanilang mga trabaho, mga batang naglalaro, at masiglang paligid. Ngunit ang sumalubong sa amin  ay isang kakaibang karanasan na hindi namin inaasahan.

Wala sa isipan namin na ganito ang mangyayari. Ilang sandali lang, may narinig naman kaming malakas na tunog ng kampana na nagmumula sa gitna ng village. Ano kaya iyon? Bigla namang kumulimlim ang paligid at ang kalangitan ay napuno naman ng ulap. May hamog naman na bumabalot sa paligid ngunit hindi ito masyadong makapal kaya nakakakita pa din kami.

May mga tao naman na nagsilabasan sa tuktok ng bubong at may parang isinasabit silang basket sa mga lubid. Ang mga basket naman na isinabit sa lubid ay napunta sa mga karugtong na bahay. Parang nag-zipline lang yung basket na isinabit nila.

"Magtago na at huwag lumabas ng bahay hangga't hindi nawawala ang hamog." sigaw ng isang lalaki sa taas ng isang bahay. Mas lalo naman akong naguguluhan sa mga nangyayari ngunit nasisigurado ko na may tinataguan ang mga tao rito.

"Psst! Ate. Kuya. Magtago po muna kayo dito sa bahay namin. Delikado po ngayon sa labas." sabi ng isang bata mula sa isang bahay na nakabukas ng bahagya ang pinto.

"Magtatago rin ba tayo Roland?" tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan mo na ba ang atas natin? Pinapunta tayo sa Frontier village upang protektahan ito, hindi upang magtago. Anumang beasts ang sumugod dito, tungkulin ng isang Knight na protektahan ang kaniyang mamamayan. Iyan ang paalala ni Lord Aunas sa amin."

Nagulat naman ako sa sagot niya. Hindi ko akalaing nakahanda pala siya sa pangyayaring ito. Ako pala ang nakalimot kung ano ang pakay namin dito. Akala ko ay papasyal lamang kami sa Frontier Village, kailangan pala naming protektahan ito. Nahiya tuloy ako sa tinanong ko kay Roland. Ibinaling ko naman ang aking sarili sa batang nag-alok sa amin ng tulong.

The Tale Of Starborn (In-progress)Where stories live. Discover now