Chapter 8: Training Grounds

14 11 5
                                    

-CHARLOTTE-

Isang araw na lang at kailangan na naming ipasa ang mga silver coins na aming makokolekta. Dahil magiging busy ako ngayon, mga alas-quatro pa lang ay nagising na ako para gumawa ng paralysis potion. Nagpaalam naman ako kay Sign Ancestor Peter, ang nagbabantay samin, na lalabas muna ako ng dorm dahil may importante pa akong gagawin.

May malaking banga naman na malapit sa dorm at doon ko na nga gagawin ang potion. Una, kailangan ko munang pakuluan ang ivy grass for 10 minutes at saka ko naman ihahalo ang dark raytri grass kasama na din ang fusing agents. Mga tatlumpong minuto na rin ang nakalipas at ready na ang potion na aking ginawa. Isinalin ko naman na sa bote ang napakuluan ko at marami rami din ito.

Nagpakulo naman ako ng panibagong batch at ito naman ang ginamit ko para sa mga arrowbolts. Binabad ko sa aking pinakuluan ang mga arrowbolts na binili namin kahapon. Mga 30 seconds lang naman ang hihintayin at iniahon ko rin ang mga ito. Ang arrowbolts naman ay nagiba ang kulay mula sa brown hanggang naging gray ito. Inilagay ko naman na ang mahigit sa 50 bottles of paralysis potion at ang mga arrowbolts sa isang bag. Wala pa kasi akong inventory pouch.

Dumating naman na ang oras para magbihis ako dahil may pasok pa kami. Niligpit ko na rin naman ang aking mga gamit at bumalik ako sa dorm. Excited na talaga akong pumunta sa training grounds.

Sign Scholar Class

"Class! Settle down para makapagsimula na tayo." sabi ni Miss Zera habang nag-sa-sign ang kanyang kamay na umupo na kami. Nag-tungo naman na ako sa likuran at nakinig na sa guro namin.

"Ngayon, ang aking ituturo sa inyo ay weapon manipulation o kung papaano niyo bibigyan ng kapangyarihan ang inyong mga sandata. Nagdala ako ngayon ng magic orb na magpapakita kung ano ang tinataglay niyong element magic na puwede niyong i-fuse sa inyong weapon. Halimbawa, itong platinum staff ko ay kayang kumontrol ng lightning. Ibig sabihin nito, nakadepende sa inyo kung ano ang taglay niyong kapangyarihan." paliwanag naman ni Miss Zera habang naglalakad papalapit sa amin.

"Ikaw ang mauna" tinuro naman niya si Roland at pinapunta ito sa harapan. Talagang mahilig yung teacher namin pumili sa likuran. Last time, si Margaret yung tinuro niya, siguro susunod na ako.

"Ang tanging gagawin mo lamang ay hawakan ang magic orb sa harapan at gagawin na nito ang kanyang trabaho." Lumapit naman si Roland sa Magic orb at hinawakan niya ito. Lumiwanag ang orb at naglabas ng isang apoy na pulang pula. Kahit nasa likuran ako, dama ko pa rin ang init na nagmumula sa orb.

"Apoy, isang elemento ng kapangyarihan na mayroong malakas na puwersa at mas pinapalakas nito ang hindi sumusukong damdamin para makamit ang mga kagustuhan at maisagawa ang iyong mga atas." sabi ni Miss Zera habang pinapalakpak niya ang kanyang kamay. "Ngayon, subukan mong ilagay ang iyong element sa weapon mo."

"Lance Appear" Lumabas sa kamay ni Roland ang isang lance at sinusubukan naman na niyang paapuyin ang kanyang lance. Ilang segundo din ang lumipas, nagsimula namang umusok ang lance ni Roland at binabalot nito ngayon ang buong classroom. Bigla namang nagliyab ang kanyang sandata na ikinabigla ng lahat kasabay ng paglabas ng dark red aura sa kanyang buong katawan.

"Roland, sapat na ang iyong ipinakita." Bumalik naman na sa dati niyang anyo si Roland at umupo na rin. Sumunod naman na kami at nalaman na ng bawat isa ang kanilang mga element. Hangin ang element ni Margaret na bumagay naman sa kanyang role at mukhang tubig naman sa akin na may siyam na kulay. Napaka-weird ng lumabas na tubig doon sa Magic orb kanina dahil yung sa ibang bata, plain blue lang naman yung sa kanila.

*Dong Dong Dong*

Tumunog na ang bell. Ibig sabihin, tapos na ang aming mga klase. Nagtungo na kami ni Margaret sa training grounds kasama ang aking bag na puno ng mga potions at arrowbolts. Dala naman ni Margaret ang apat na crossbows. Tag-dalawa kami ng gamit para Kung nasira ang isa ay may gagamitin pa kami. Wala naman kaming balak gamitin ang mga weapons namin dahil hindi pa kami sanay sa mga ito.

The Tale Of Starborn (In-progress)Where stories live. Discover now