Chapter 11: Frontier Village

10 3 0
                                    


-CHARLOTTE-

Isang buwan na ang lumipas mula ng hinanap nila Lady Liliana at Lord Aunas ang Great Sage sa Ilgar. Nang dumating ang mga reinforcements na ipinatawag nila sa Ilgar, natagpuan na lamang ng mga ito ang dalawang katawan na walang malay. Agad ibinalik ng mga reinforcements ang katawan nila Lady Liliana at Lord Aunas sa Magic Academy at isinugod ito sa pagamutan.

Kumalat naman ang balita sa buong Wedravion Valley na natalo ang dalawang disciple ng Great Sage at wala pa ring nakakaalam kung nasaan ang Great Sage. Nabahala naman ang maraming mamamayan dahil sa balitang ito at sa pagkawala ng tatlong malalakas na puwersa, nag-sisilabasan na ang mga beasts sa kanilang mga lungga. Patapos naman na ang aking pag-aaral sa Magic Academy at lalabas na rin kami para sa mga misyon.

Papunta ako ngayon sa pagamutan upang maghatid ng pagkain. Pagkarating ko doon, nasilayan ko nanaman si Lady Liliana at Lord Aunas na nagpapagaling pa lamang. Nakaupo sa kama si Lady Liliana at nakatulog pa naman si Lord Aunas. Ngumiti naman sa akin si Lady Liliana habang inilalagay ko ang mga pagkain sa mesa.

"Kamusta na po kayo Lady Liliana?"

"Bumubuti naman na ang aking pakiramdam ngunit ang Lord Aunas mo ay nagtamo ng malaking sugat sa kanyang katawan kaya mas matagal ang panahon ng paghilom nito."

Simula noong napunta na sila dito sa pagamutan, hindi ko na inabalang tanungin ang nangyari sa paghahanap nila sa Great Sage. Hindi ko muna inalam kung bakit sila nagkaganito at itinuon ko muna ang aking pansin sa pagpapagaling nilang dalawa. Mukhang maayos naman na ang lagay ni Lady Liliana kaya nag-ipon na ako ng lakas ng loob upang alamin ang nangyari.

"Paumanhin po Lady Liliana ngunit maaari ko bang malaman ang nangyari sa paghahanap niyo sa Great Sage?" Bigla naman siyang napahawak sa kanyang ulo at parang nakakaramdam ito ng sakit. Naglabas naman ng mahinang pag-ungol si Lady Liliana dahil sa sakit.

"Ayos lang po ba kayo?"

"Sumakit lang ang aking ulo nang sinubukan kong alalahanin ang tinatanong mo sa akin. Naaalala ko na pumunta kami sa Ilgar ni Lord Aunas ngunit pagkatapos nun, wala na akong maalaa sa mga sumunod na nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman tuwing inaalala ko iyon." sabi ni Lady Liliana.

"Huwag niyo po munang alalahanin ang aking tinanong. Ang mahalaga po ngayon ay magpahinga po muna kayo at magpagaling."

"Salamat Charlotte. Gisingin mo na si Lord Aunas at kumain na tayo."

Ginising ko naman na si Lord Aunas at pinagsaluhan na namin ang dinala kong pagkain. Habang kumakain kami, sinabi ko naman sa kanila ang kumalat na balita at ang paglaganap ng mga beasts. Dahil dito, napagdesisyunan ni Lady Liliana at Lord Aunas na ipatawag lahat ng magagaling na estudyante ng Magic Academy at ipadala ang mga ito sa iba't-ibang village upang sugpuin ang mga beasts.

Agad namang ikinalat ang pagpili ng magagaling na estudyante sa Magic Academy at sumang-ayon naman ang iba't-ibang division sa desisyong ito. Ang ipapadala sa bawat village ay isang pair ng geniuses mula sa iba't-ibang division ng Magic Academy. Tinipon ang mga estudyante sa Academy Hall at nagsimula na nga ang pagpili. Ang unang pipili ng pares ay ang namamahalang si Lady Liliana at Lord Aunas.

"Sa Forces Division, ang aking pinagkakatiwalaang Knight na nais kong ipadala sa Frontier Village ay si Roland" sabi ni Lord Aunas.

The Tale Of Starborn (In-progress)Where stories live. Discover now