Chapter 3: Farewell

39 14 10
                                    

-CHARLOTTE-

Habang nakapikit ako at nag-fofocus na palabasin ang sign ko, unti unting nababalot ng init ang aking katawan. Ang init na ito ay hindi nakakapaso kundi parang isang yakap ng isang ina kapag nilalamig ka at nakagiginhawa sa pakiramdam. Ang komportable nito sa katawan na para bang nasa ulap ka.

Nag-concentrate ako ng mabuti at nararamdaman ko ang isang enerhiya na dumadaloy galing sa aking utak patungo sa aking palad. Iminulat ko ang aking mga mata at isang malakas na liwanag ang muling bumalot sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit nakita ko na lang ang ekspresyon ng lahat ng nanonood sa akin.

Nagulat din ang Sign Grandmaster sa kanyang nakita ngayon at maski ako ay walang clue kung ano yun. Tinignan ko din naman sila Roland at Margaret at dalawa silang nakanganga. Napatingin naman ako kay Iñigo at wala ding pinagkaiba ang mukha niya sa kanila. Ganun ba kalakas ang sign ko na lahat sila ay magugulat at mapapanganga.

Mga ilang segundo din lang, bumalik naman na sa sense niya yung Sign Grandmaster. Innannounce niya ang resulta.

"No sign."

Tinignan ko ang likod ng aking palad at wala ngang sign na makikita rito. Nakakagulat ka Charlotte! Mabubuking na talaga ako nito.

Nagtataka lang ako kasi hindi disappointment ang nakapinta sa kanilang mga mukha. Shock silang lahat to be exact.

"Diba lahat ng bata sa Wedravion Valley ay mayron pong signs?" tanong ng isang bata kay Sign Grandmaster.

Nagkaroon naman ng bulung-bulongan sa mga grupo ng bata. Maski pala tsismis nakaabot dito sa mundong ito. Dahil wala naman akong sign, hindi ko na binalak itest ang attack force ko. Papunta na sana ako kila Roland at Margaret ngunit nagsalita si Sign Grandmaster.

"Sandali! I-test mo muna ang attack force bago ka umalis." sabi niya sa akin.

Ako naman na napipilitan ay pumunta na lang din sa may podium at nilagay agad ang kamay ko rito. Gusto ko na talagang makaalis dito sa Sign Hall. Umilaw naman ang AFM at nagpakita ang isang numero.

"0."

Yup, as I expected. Di naman kasi ako taga-rito at ano pa nga ba ang aasahan ko. Wala talaga akong sign. Nakumbinsi naman na siguro yung Sign Grandmaster sa ginawa ko kaya sinabi niyang puwede na kaming umalis.

"Talaga bang lahat ng tao dito sa Wedravion Valley ay may sign?" tanong ko ulit sa isipan ko.

Tumungo naman na ako sa direksyon ng dalawang henyo at sinalubong nila agad ako ng ngiti. Nafefeel ko na naaawa sila sa akin dahil wala akong sign pero wala naman akong pakialam dun. Nakakapanibago lang kasi itong pakiramdam na kakaiba ka sa kanila.

"Ayos ka lang?" tanong sakin ni Margaret.

"Oo naman. Hindi naman ako nilalagnat ngayon." biro kong sagot kay Margaret.

"Ikaw kaya ang unang nasaksihan namin na batang walang sign dito sa valley." sabi naman ni Roland.

"Hindi lang namin alam ang dahilan kung bakit wala kang sign."

Sasabihin ko na ba na galing talaga ako sa mundo. Baka isipin nilang baliw ako. Huwag na nga lang.

"Baka yun talaga ang nakatadhana sa akin. Ang maging batang walang sign." sabi ko sa kanila.

Palayo na kami sa Sign Hall nang may tumakbong lalaki papunta sa amin. Si Sign Grandmaster. Nagtaka naman ako kung bakit niya kami hinahabol. Oo nga pala, may kailangan nga siya sa dalawang kasama ko.

The Tale Of Starborn (In-progress)Where stories live. Discover now