Limang taon ang lumipas at nanaig naman ang kapayapaan sa Wedravion Valley. Si Alfred, the Great Sage, ay nakarating na rin sa Sageborn/Mageborn level at dahil dito, napagdesisyunan na niyang tapusin ang pamumuno ng mga Masasamang Beasts. Naglakbay ng mag-isa ang Great Sage upang kitilin ang buhay ng pinuno ng mga beasts ngunit umaksyon na ng patiuna ang mga beast kaya't hindi nagawang magtagumpay ang Great Sage sa kanyang plano. Bago siya mawala, nagpadala siya ng mensahe sa kaniyang dalawang disipulo upang tipunin nito ang mga bayani na magliligtas sa sangkatauhan.Nakarating ang sulat sa dalawang disipulo ng Great Sage, si Lord Aunas at Lady Liliana, na kasalukuyang nasa Magic Academy. Nabigla ang dalawa sa kanilang nabasa kaya nagkasundo sila na hanapin ang Great Sage at iligtas ito mula sa kapahamakan. Sa loob ng limang taon na pagsasanay ng dalawa ay nakatapak na sila sa pinnacle stage ng Sign Elven. Kunting panahon na lang at magiging Sageborn at Mageborn na rin sila.
Nagmadali naman silang pumunta sa lugar kung saan nawala ang Great Sage. Sa timog ng Wedravion Valley makikita ang Ilgar. Isa itong malawak na kagubatan at maraming puno ang nakapaligid dito. Pagpasok nila ay agad bumungad sa kanilang mga mata ang lupang puno ng mga bitak na sanhi ng labanan. Kakaiba ang amoy, ibang kulay ang paligid at umaalingasaw ang intensyon na gustong pumatay. Napatayo naman ang balahibo ng babae sa kanyang naramdaman.
Naguguluhan na sinabi ni Lady Liliana, "Ang ganitong anyo ng paligid, isa lang ang kilala kong kayang gumawa nito. Hindi kaya't..."
"Liliana, huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo. Ayaw kong maniwala sa sasabihin at gusto kong magtiwala sa kanya ngunit ..."
Hindi napatapos ni Lord Aunas ang kanyang sasabihin dahil nakaramdam sila ng pagyanig sa paligid.
"Hindi pa ako nakadama ng ganito katinding kasamaan at alam ko kung kanino nagmumula ang kapangyarihang bumabalot sa lugar na ito. Mahirap man paniwalaan ngunit kailangan kong tanggapin ang katotohanan kahit ito ay magmistulang tinik sa puso ko." Napayuko si Lord Aunas habang pinipigilan ang kanyang sarili na lumuha.
"Huwag mong sarilihin ang problemang ito, Aunas. Masakit din para sakin ito."
Habang pinapakalma ni Lady Liliana si Lord Aunas, isang higanteng gagamba ang umatake sa kanila. Nagtapon ito ng kanyang mga sapot sa kanila ngunit nakailag naman ang dalawa.
"Mukhang napansin ng beast ang presenya natin. Ako na ang bahala sa isang ito." sabi ni Lord Aunas. Umilaw ang likod ng palad no Lord Aunas at bumalot ang dark red aura sa kaniyang buong katawan, ang umaapoy na aura ng isang Paladin.
Lumabas din ang isang sword na umiilaw sa kamay niya at sa isang mabilis na paghiwa sa higanteng gagamba, nagpira-piraso ang katawan nito sa lupa.
"Ito ba ang mutant na sinabi mo Liliana?"
"Hindi. Normal lang yan na beast pero ang elemental disturbance sa paligid ang nagpapalakas at nagpapabangis sa kanila."
May itim na liwanag na lumabas sa lupa na nagmula sa katawan ng gagamba kasabay ng pagyanig muli ng lupa.
"Nagtawag na ng kasama ang gagambang ito. Marami na ang papunta ritong beasts." sabi ni Roland.
"Ano na ang plano natin ngayon? Aatras na ba tayo?"
"Kasama kita kaya wala sa plano ko ngayon ang umatras. Pahiraman mo ako ng iyong lakas Liliana."
"Isang karangalan, Lord Aunas the Paladin."
Papunta sa direksyon ng dalawang disciple ang labinlimang higanteng gagamba at mayroon pa itong kasamang mas malaking gagamba na kakaiba ang kulay. Ang mga higanteng gagamba ay kulay light brown ngunit ang isang kakaiba sa kanila ay kulay green. Ang malalaking mata ng gagamba ay natatakam na tumitig sa dalawang tao at makikita rito na gutom na sila.
YOU ARE READING
The Tale Of Starborn (In-progress)
ФэнтезиCharlotte suddenly transports into another world as she flipped the magical chip of Mageborn. She found herself in a new world where everyone has roles to play. Will she be able to cope up with the drastic change?