Chapter 1: Commotion

79 12 17
                                    


-CHARLOTTE-

Tinignan ko ngayon ang aking paligid at sa di kalayuan, nakita ko ang isang kastilyo na napapalibutan ng matataas na pader. Sa paligid naman nito ay mga kakahuyan na nagmistulang gubat na. Napatitig naman ako sa ilog at nakita ko ang aking repleksyon sa tubig. Nagulantang naman ako sa nakita ko.

Isang bata ang aking nakikita. Tinignan ko ang aking kamay at paa, ganundin ang aking mukha sabay pinisil pisil ito. Lumiit nga ako at bumata. Mas lalo na talaga akong naguguluhan ngayon. Pinagmasdan ko ulit ang aking sarili sa ilog at nakita ko na iba na din ang kasuotan ko. Agad kong kinapa ang aking bulsa at nahawakan ko ang isang bagay na maliit at bilog. Nilabas ko ito at nakita ang chip na may letter M. Ito ang dahilan kung bakit ako napunta rito.

Dahil wala naman akong kaalam alam sa lugar na ito, umupo na lang ako sa ilalim ng puno. Mahirap na kapag lumayo pa ako rito at may mangyaring masama. Pinapairal ko nanaman ang pagiging over cautious ko. Iidlip na sana ako nang narinig ko ang malakas na sigaw ng isang bata.

"Charlotte! Charlotte nasan ka na ba? Hinahanap na nila tayo." sigaw ng bata.

Wait, pano niya nalaman ang pangalan ko. Hinahanap? Hinahanap daw kami o baka naman kikidnappin kami. Ayaw ko pang mamatay. Kung ano-ano nanaman ang naiisip ko. Nagtago na lamang ako sa likod ng puno at sinusubukan kong pagbutihin ang pagtatago ko. Maya-maya ay narinig ko ang tunog ng papalapit na hakbang.

"Huli ka!" sabi nito kaya naman napasigaw ako sa gulat.

"Sabi na nga eh, nandito ka nanaman. Tinitignan mo nanaman siguro yong kastilyo. Diba pangarap mong makapasok dyan. Ngayon na ang araw para matupad yon. Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang sign test na magdidikta kung anong role ang gagampanan natin " sabi ng batang babae habang nakapamewang pa ang kamay nito.

Ano raw? Sign test? Wala akong alam sa pinagsasabi nitong batang ito pero nakiayon na lang ako sa sinasabi niya.

"Ah oo, nakalimutan ko na ngayon pala iyon." tugon ko rito.

Hinila naman na niya ang kamay ko at tumakbo siya kaya napatakbo na din ako. Pagkatapos naming tumakbo, napadpad naman kami rito sa isang gusali na may nakasulat na Sign Hall. Makikita rito ang marami ding bata na naghihintay sa labas. Ang iba ay naglalaro, may nakaupo sa isang sulok, at mayron ding grupo ng mga bata na nagyayabangan.

"Ano na bang meron ulit?" tanong ko ulit sa batang ito.

"Ang bilis mo talagang makalimot Charlotte. Ngayon nga ang sign test kung saan malalaman natin ang roles na gagampanan natin. Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa sampung taong gulang, lalabas na sa likod ng palad ang sign mo." sagot naman ng bata.

Kaya pala mukhang magkakaedaran ang mga bata dito. Malamang sampung taong gulang din ako. Ilang sandali lang, may isang batang magarbo ang suot na nang-aaway ng kapwa niya bata.

"Margaret, tignan natin yong away doon." sigaw ng isang bata doon sa kasama ko. So, Margaret pala ang pangalan ng kasama ko. Ayoko din naman tanungin yung pangalan niya dahil ayokong magmukhang walang alam kahit na iyon naman talaga ang totoo.

"Tara Margaret, tignan natin." sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Kailan ka pa naging interesado sa mga away? Parang iba ka talaga ngayon." sabi niya sa akin.

Well, totoo naman dahil hindi ako yong Charlotte na kilala niya. Pinuntahan naman namin yong nag-aaway na mga bata.

"Umalis na kayo dito mga dukha. Sigurado ako, basura din lang ang mga signs niyo. Kahit na malaman niyo pa mga roles niyo, mababa rin lang naman yong attack force niyo." sabi ng lalaking mayabang na magarbo ang damit. Narinig ko naman sa bulungan ng mga bata na Iñigo daw ang pangalan niya.

The Tale Of Starborn (In-progress)Where stories live. Discover now