-CHARLOTTE-"Bilisan mo Charlotte!" Bumungad nanaman sa napakagandang umaga ang boses ni Margaret at rinig na rinig ito sa aming room. Hindi na niya siguro pinansin na kami ay nasa isang malaking dorm room and we share this room with other students. Si Roland naman ay nakagayak na at nakaupo lang sa kanyang kama habang naghihintay saming dalawa ni Margaret. Wait? Bakit pala nila ako hinihintay? Hindi ba't alam nilang wala akong sign?
Binigyan ko naman ng tingin ang dalawang kasama ko na para bang naghihintay ako ng explanation mula sa kanila. Hindi nila siguro na-gets yung tingin ko kaya naman nagtanong sila sa akin.
"Bakit ka nakatitig sa amin ni Roland? May mali ba sa suot namin?", pagtataka ni Margaret habang tumingin ng taas-baba sa kaniyang damit. Ang ganda nga ng dating ng uniform sa kanila.
"Hindi pa ba kayo pupunta sa mga klase niyo. Malalate na kayo. Sino pa bang hinihintay niyo?", tanong ko sa kanila at ako naman ang tinitigan nila. Tinitigan ko rin sila kaya parang may staring contest ng nagaganap. Napapikit naman si Margaret at binasag na niya ang aming tinginan.
"Hindi ba halata na ikaw ang hinihintay namin?" Nalito naman ako sa sinabi ni Margaret at sinagot ko ang tanong niya ng tanong din.
"Hindi niyo ba alam na wala akong sign?" Mayroon naman talaga akong sign ngunit hindi ko pa sinasabi sa kanila ang nangyari sa Academy Office.
"Kung wala kang sign, bakit mayroong ipinadalang uniform ng isang Sign Scholar na may pangalang Charlotte kanina at sinabi ng naghatid ng uniform na nasa first floor matatagpuan ang may ari nito? Wala namang ibang Charlotte dito sa unang palapag ng dorm kaya nakabuo kami ng kongklusyon ni Margaret na mayroon ka ngang sign at nakita ang sign mo noong umalis ka kahapon kasama si Sign Ancestor. Umulit ka namang nag-test sa pinuntahan niyo ni Sign Ancestor at nadiskubre naman nila na may sign ka nga at ang attacking force mo ay pumasa para maging isang sign scholar.", mahabang explanation ni Roland at ang confident niya sa pagsabi nito.
Manghuhula na pala sila ngayon. Dahil lang sa uniform na ipinadal, nahulaan na nila ang lahat ng nangyari kahapon at tama lahat ng yun maliban na lang sa attacking force na sinasabi ni Roland. Ang mahalaga, may sign na ako ngayon at makakasama ko sila Roland at Margaret dito sa Magic Academy.
"Wala naman sa history ng Wedravion Valley na may batang walang sign kaya imposibleng wala kang sign Charlotte. Yun ang dahilan kung bakit kami nakakasiguro ni Roland na may sign ka. Hindi lang namin ine-expect na Sign Scholar ka din. Ito na ang uniform mo, tulog ka pa kasi kanina ng ibigay nila ito. Dalian mo na ding magbihis dahil mahuhuli na talaga tayo sa klase." Binilisan ko naman ang aking pagkilos at nakabihis na rin ako. Nag-breakfast na din ako at umalis na kami pagkatapos nito.
Binuksan naman na nila ang kanilang mapa at malapit lang sa Market ang mga Class Buildings. Nadaanan ko naman na ito kahapon nung patungo kami sa office kaya hindi ko na ginamit ang mapa ko. Patungo naman na kami sa Sign Scholar class.
Pagdating namin doon ay may higit 30 students na ang nakaupo ngunit wala pa din ang guro. Wala ng vacant seats sa harapan kaya nagtabi-tabi kami dito sa likod. Maraming nakatingin sa kinaroroonan namin na estudyante at lahat sila ay may judging eyes.
"Balita ko, may mga nakapasok daw na mga talunan sa Magic Academy ngayong taon. Sino kaya ang mga yun?"
"Nagmula daw ang mga talunan na iyon sa isang walang kuwentang village. Wala namang mga sign scholar sa village na yun dati, bakit kaya mayron na ngayon?"
"Baka binayaran nila yung Sign Hall attendant para ipasa sila bilang mga Sign Scholars"
Kanina pa nag-pipigil si Margaret na katabi ko dahil sa mga naririnig naming bulungan. Kapapasok pa lang namin sa klase na to ay minamaliit na kami kahit pare-parehas lang Naman kami na bata rito. Pinakalma ko si Margaret dahil pulang pula na ang kanyang mukha at baka isang saglit na lang ay sasabog na siya.

YOU ARE READING
The Tale Of Starborn (In-progress)
FantasyCharlotte suddenly transports into another world as she flipped the magical chip of Mageborn. She found herself in a new world where everyone has roles to play. Will she be able to cope up with the drastic change?