Chapter 4: Forged Scrolls

35 12 4
                                    

-CHARLOTTE-

"Bakit po huminto ang karwahe?",tanong agad ni Margaret.

"Hindi ko din tiyak ang dahilan.", sabi naman ni Sign Grandmaster.

Lumabas na ngayon si Sign Grandmaster upang tignan ang nangyari. Ilang sandali lang, bumalik na siya sa karwahe.

"May nakaharang lang na malaking kahoy sa daanan kaya huminto ang Redfinn. Kailangan ko lang itong tanggalin para makadaan tayo.", sabi niya.

"Fire Halberd Appear!", sigaw naman niya.

Agad naman lumabas sa kamay ng Sign Grandmaster ang isang Halberd na nagliliyab sa apoy. Hinati niya ang malaking kahoy sa maliliit na piraso at may sinambit siya ulit na mga salita.

"Total Wood Destruction!"

Lumabas naman sa nagliliyab niyang Halberd ang apoy na sumunog sa kahoy hanggang maging abo na lamang ito. Namangha naman ako sa aking nakita. Ganun pala ang kapangyarihan niya at ilang sandali lang ay naging maluwag agad ang aming daanan. Pabalik na sana si Sign Grandmaster nang may lumabas naman na isang tao sa likod ng isang puno.

Hindi ko matukoy kung babae o lalaki ang nagsasalita dahil nakasuot ito ng hood. Nababalot din ang kaniyang katawan ng robe na itim. Talagang andaming sagabal sa pagpunta namin sa Academy.

"Sino ka at anong pakay mo?", tanong ni Sign Grandmaster.

"Ikaw pala ang sumira sa malaking kahoy na hinarang ko sa daanan. Nagkamali ako ng akala na hindi mo ito mabilis na matatanggal. Pero dahil wala na ang hinarang ko, itutuloy ko na lang ang aking plano. Thief Dagger Release." , Sabi ng nakahood at natukoy ko na babae nga siya.

Bigla nitong sinugod si Sign Grandmaster ngunit nakailag agad ito.

"Wala akong balak makipagtalo sa iyo. Sabihin mo lamang ang iyong nais upang makapag-usap tayo ng maayos."

"Kapag sinabi ko bang nais ko ang mga gamit mo, ibibigay mo ba sa akin ang mga iyan? Diba't hindi naman kaya daanin na lang natin sa dahas." , sabi ng babaeng naka-itim.

So gusto niya pala kaming nakawan. Itong 500 gold coins lang ang meron ako. Ayaw ko namang mawala ito dahil lang sa magnanakaw na ito. Hindi pa siguro napansin ng magnanakaw na babae na kasama kami ni Sign Grandmaster kaya wala siyang pakialam sa karwahe. Busy na nag-papalitan ng espada ang dalawa sa labas kaya nag-bulungan kami dito sa loob.

"Ano na ang gagawin natin?", tanong ko sa kanila.

"Hindi naman natin puwedeng tulungan makipaglaban si Sign Grandmaster dahil magiging sagabal lang tayo sa kaniya.", sabi ni Margaret. May punto nga naman siya roon.

"Kung hindi natin puwedeng labanan ng harapan yung babaeng naka-itim, puwede naman tayong tumakas.", suggest ni Roland samin. Maganda nga yung suggestion niya. Sa choice na fight or flight, kung sa tingin mo ay hindi mo kayang lumaban, talagang flight ang pipiliin mo tulad ng sa sitwasyon ngayon.

"Pero paano natin gagawin yun? Mayron din sigurong kapangyarihan yung magnanakaw kaya hindi dapat padalus-dalos ang pagtakas natin.", tanong ko sa kanila.

"Binigyan ako ni Ama kanina ng magagamit natin kung sakaling maharap man tayo sa panganib sa pagpunta natin sa Magic Academy.", sabi ni Roland habang inilalabas  niya sa bulsa ang isang hugis cube na bagay.

"Ang Mist Cube!", gulat na sabi ni Margaret.

"Ano bang kayang gawin ng bagay na yan?", tanong ko.

"Kapag hinagis mo ito sa isang tao, mababalot ang kaniyang mata ng mist at hindi siya makakarinig ng kahit anuman sa loob ng dalawang minuto.", paliwanag ni Roland.

The Tale Of Starborn (In-progress)Where stories live. Discover now