-CHARLOTTE-Biyernes, ngayon na ang araw kung kailan namin ipapasa ang aming assignment na silver coins. Marami-rami din ang nakolekta namin ni Margaret kagabi kaya mataas siguro ang grade namin. Sabay sabay kami ngayon nila Roland papunta sa klase namin. Hindi ko naman maiwasang tanungin si Roland kung ilan nga ang nakuha nila kagabi.
"Roland, kamusta ang panghuhuli ng beasts?" tanong ko sa kanya.
"Mabuti naman, marami rin kaming nahuli kagabi. Mga nasa limampung Leaf-Tailed Frog din ang aming nakuha ng mga kaklase natin. Ginamit ko din ang weapon ko at mas malakas nga talaga kapag nilagyan mo pa ito ng element mo. Nakakagulat nga lang dahil malalaki pala ang mga palaka sa training grounds at may hallucination toxic ang mga ito. Napuruhan nga ang isa naming kasama ngunit nagamot din naman ito." sabi niya samin at napaisip naman ako sa sinabi niya.
Kapag inatake ng close combat ang mga Leaf-Tailed Frog, mas susceptible ka sa toxic nila kaya buti na lang at long range ang atake namin ni Margaret.
"Kayo naman Charlotte, kamusta din ang paghuli niyo? Sorry din pala dahil hindi ko kayo nasamahan." sasagot na sana ako pero inunahan naman ako ni Margaret.
"Okay din lang ang paghuli namin. May nahuli naman kami kahit papaano." sabi niya. Nakuha ko naman ang ipinapahiwatig ni Margaret dahil mukhang hindi nga kapani-paniwala ang pagkahuli namin ng 500 beasts sa murang edad. At isa pa, baka madismaya si Roland kapag sinabi namin ang eksaktong bilang ng aming nahuli.
Pagpasok namin sa classroom ay nagtungo na kaming tatlo sa likuran. As usual, nandito na lahat ng estudyante at nagpapayabangan sila ngayon kung ilan ang kanilang nahuli.
"Mga sampung beasts ang nahuli namin kagabi. Wala kayong binatbat doon."
"Sampu? Ang lakas mo naman magyabang. Sa amin nga ay mahigit dalawmpu ang bilang."
"Niloloko ninyo siguro ang mga sarili ninyo. Sampu? Dalawampu? Yun lang ba talaga ang kaya niyo. Limampu kaya ang nahuli namin kaya tumahimik na lang kayo." sabi ng isa pa naming kaklase. Limampu rin ang sinabi ni Roland sakin na nahuli nila kaya ito siguro yung kasama niya sa training grounds.
Hindi ko naman na pinansin yung ibang bata at binasa ko na lang muna ang libro ko. Wala pa naman kasi si Miss Zera. Ilang minuto din ang lumipas, nagmamadali si Miss Zera na pumasok sa klase namin na para bang namatayan siya ng estudyante.
"Maro"
"Present, Miss"
"Calvin"
"Miss!"
"Roland"
"Nandito po Miss!"
Mabilis na chineck ni Miss Zera ang attendance namin at nang mapansin niya na kumpleto kami, nakahinga naman siya ng maluwag. Walang nakakaalam sa amin kung bakit ganito ang kinikilos ni Miss ngayon.
"Okay mga bata, makinig kayo sa akin ng mabuti. Kaninang umaga, may natagpuang dalawang estudyanteng lalaki sa training grounds, hindi sila sugatan kundi namamaga ang buong katawan nila dahil sa sting ng Violet Wasps. Hindi pa namin nakikilala ang mukha ng mga estudyante dahil sa tinamo nila kaya naman nagmamadali ako ngayon upang siguruhin na wala sa klase ko ang napinsala. Isinugod naman na ang mga lalaki sa pagamutan. Masaya ako na ligtas kayong lahat."
YOU ARE READING
The Tale Of Starborn (In-progress)
FantasyCharlotte suddenly transports into another world as she flipped the magical chip of Mageborn. She found herself in a new world where everyone has roles to play. Will she be able to cope up with the drastic change?