Certified Love Bitter
Written diligently by: justess
Characters:
* Lynlei Soriano
* Ranzel Delos Reyes
* Tiffany Kae Dela Cruz
* Kiel Mark Torres
* Others......
A/N: Tandaan, ang mga pangalan ay gawa-gawa lang ng aking imahinasyon. Ang story ko pong ito ay inaalay ko po sa inyo, mga readers kaya inaasahan ko pong magugustuhan at kikiligin po kayo. Yung para bang "kilig to the bones". Ang mga eksena rin po dito ay pawang kathang-isip lamang kaya nga po teen fiction ang category nito eh. Syempre, hindi mawawala ang romance na gustong-gusto ninyo kaya wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, BOOMKARAKARAKA!
Sana po magustuhan niyo po!!!
Prologue:
Hay...
LOVE... LOVE... LOVE...
Anong meron ba sa love?
Saan ba ito nagsisimula?
Bakit ba ito ginawa?
Paano ba ito nararamdaman?
Sino ba ang pwedeng magmahal o mahalin?
Ano nga ba ang love?
Para sa inyo, ang love ay ganito:
a) nakakakilig
b) romantic
c) nakakapagpasaya
d) exciting
e) amazing
f) maganda
g) nakakaenergize
h) mahalaga
i) others
j) all of the above
Puro na lang nakaka! Pwes, ibahin niyo ako, iba ang meaning nito sa akin.
Para sa akin, ang love ay ganito:
a) hindi nakakakilig
b) hindi romantic
c) hindi nakakapagpasaya
d) hindi exciting
e) hindi amazing
f) panget
g) hindi nakakaenergize
h) hindi mahalaga
i) others
j) all of the above
Syempre para sa akin, ang sagot ay letter j. Bakit ba? Wala silang pakialam kung ito ang gusto ko! Kaya nga binansagan akong.......
-LOVE BITTER-
Okay lang sa akin na tawagin nila akong LOVE BITTER kasi yun naman talaga ako. Sa katunayan nga, hindi lang ako LOVE BITTER kundi ako ay isang.....
-CERTIFIED LOVE BITTER-
Ano nga ba ang ibig-sabihin ng LOVE BITTER?
Love Bitter
n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabihin na lang nating "hindi type" ang mga romantic na bagay katulad ng romantic na palabas o kwento. Ayaw din nila ang happy ending sa mga pelikulang ito. Mas gusto nila yung sad ending katulad ng namatay ang bida, hindi nagkatuluyan, naghiwalay sa isa't isa at iba pang sad endings. Para sa mga taong love bitter, ang mga ending na ito ay itinuturing nilang happy ending. May kanya-kanyang dahilan ang mga taong love bitter. Mostly, yung mga taong nakaranas ng heartbreaks ang nagkakaganito. Basta wala silang pakialam tungkol sa LOVE.
Yan ako! CERTIFIED LOVE BITTER!
Eto pala ang aking status or pwedeng ring NASL para short lang.
Name: Lynlei Soriano
Age: 14 years old
Sex: Female
Location: #16 Namo, Sien, Togahoma
Magse-second year na ako ngayong taon sa high school pero hindi ko alam kung saan ako magtra-transfer kasi naman si tita Lona, itra-transfer pa ako sa ibang school. Nakakainis! >.<
A/N: Tunghayan po natin ang buhay ng isang CERTIFIED LOVE BITTER at kung ano ang solusyon para maalis ang pagkabitter sa love kaya fasten your seatbelt dahil magsisimula ka na sa chapter 1. Ah!!! Hope you like it! Mwah! :D

BINABASA MO ANG
CERTIFIED LOVE BITTER
Romance(Unfinished) Love Bitter n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabih...