WWBY Round 1 Entry 2017

7 0 0
                                    


Alam nilang hindi ako nakakapagsalita pero ang hindi nila alam ay sinasadya ko lang 'yon para mapalapit sa kanila at magawa ko ang mga inuutos ng Prinsipe. It's not easy for me to pretend to be clumsy and mute, but the dwarfs seemed to buy it, except Zen.

"Bagwis, tama na. Hindi natin dapat pagdudahan ang isa't isa," sabi ni Saturn.

Cadena. Invisible yet powerful enough to restrain me from betraying the Queen. Kaya kahit gusto kong linawin ang mga katanungan ng mga dwende ay hindi ko magagawa. I betrayed them, already. It's too late to change side. But I will try for one last time.

"Dominador, ikaw ang pinakamatanda sa'tin. Pagsabihan mo naman si Bagwis na huminahon," sumilip ako sa kanila mula sa pinagtataguan ko sa malayo. Ilang araw na rin simula nang umalis ako dahil na rin sa utos ng reyna.

"Epekto lang ng laban sa Prinsipe natin. Kumalma kayong lahat muna. Mag-iisip tayo ng paraan na matalo natin siya, paano? Hindi natin nakikita pa rin si Drigo. Nasa'n si Ivory, nga pala?" Sunud-sunod na sabi ni Dominador pero walang nakasagot sa kanila dahil laging bali-baliktad ang sinasabi nito.

Fake man ang pinapakita ko sa ibang mga dwende nu'ng una, habang tumatagal ay napapalapit ako sa kanila. Ilang araw na rin simula nang umalis ako sa kagubatan at ilang araw na rin akong hindi nagpapakita sa reyna. Sigurado akong naghihintay na ito ng impormasyon tungkol sa mga dwede. Pero kailangan ko munang mahanap si Ivory bago pa man nilang malaman kung sino ba talaga ako.

Gagawin ko lahat para makita lang si Ivory at mailayo ito sa mga dwende pati na rin sa reyna at sa prinsipe. It'll be too dangerous if Ivory won't run and hide just like what the dwarfs are doing right now. Hindi rin ako nakakasiguradong kaya ng prinsipe protektahan si Ivory dahil kakampi ito ng reyna. Madaling paikutin si Ivory. Susubukan 'yon gawin ng prinsipe at reyna. Sigurado ako dahil minanipula ko rin si Ivory para sa mga plano ko.

Hinipnotismo ko si Ivory nang minsang maiwan kaming dalawa sa bahay. Kailangan kong samantalahin ang pagkakataon para malaman kung paano ko siya gagamitin laban sa mga dwende lalo na kay Zen. Ito ang kaisa-isang dwende na lagi akong pinagdududahan. Pero nang simulan ko ang hipnotismo, hindi ko inaasahang marinig ang salitang pumatay si Ivory. Hindi ko lubos maisip na ang isang tulad nitong mahinhin, masayahin, at punung-puno ng pag-asa sa kahit anong sitwasyon ay nakapatay ng isang tao. From then, I knew why the Queen is looking for her. It was because of hypnotism that I've learned Ivory's darkest deepest secret, but because of it I decided not to use her against the dwarfs.

Iniisa-isa ko ang mga lugar na madalas pinupuntahan ni Ivory ngunit wala ito ro'n. Kahit bakas man lang niya ay wala. Isang lugar na lang ang hindi ko pa napupuntahan, ang Hiraya Falls na lagi naming tinutulugan ni Ivory tuwing magkasama kami. Bago pa man ako makaalis ay nakasalubong ko si Zen. "Nasaan si Ivory?!"

Jealousy rushed through my heart when her name came from his mouth comfortably. Nagtataka ako kung bakit naiinis ako kay Zen at gusto kong angkinin si Ivory tuwing nasa ako ng lalaking ito. Iniwas ko ang mata ko na parang hindi siya nakita at narinig pero tinawag niya akong muli na galit na galit.

Kinuha niya ang braso ko at tinapon ako sa sapa. "Pagbibigyan kita ngayon, Drigo. Pero sa susunod na makita kita, hindi ko na alam ang magagawa ko sa'yo. Hindi ko pa nasasabi sa iba ang ginawa mo, pero huwag na huwag mong gagalawin si Ivory dahil ako ang makakalaban mo," sabi nito at iniwan ako.

Lumiit ang mga mata ko at mabilis na tumakbo patungo kay Ivory. Ganu'n na lamang ang kagustuhan kong matalo si Zen kahit wala namang dahilan. Is it because he knew my secret? Is it because of Ivory? But whatever is the reason I just need to win. I have to find Ivory before he does.

Wave's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon