Malinaw na Alaala
Hinding-hindi ko makakalimutan ang minsang nasa sasakyan kami at kumakaway si Lolo sa mga tao sa labas.
Nagsisigawan sila at kumakaway rin. Kahit batang-bata pa lang ako nang mga oras na 'yon ay alam ko naman ang mga nangyayari.
Kumakaway sina Lolo dahil mga kaibigan niya raw ang mga taong 'yon. Hangang-hanga ako sa kanila dahil marami silang kaibigan. Gusto ko na rin tuloy pumasok sa school para magkaroon ng mga kaibigan pero sabi ni Ate sa isang taon pa daw ako kailangan pumasok.
Kinabukasan, tinanong ko ulit si Ate kung pwede na akong pumasok pero sabi niya lang sa isang taon pa.
Isang taon. Lagi na lang isang taon. Hindi ko nga alma kung kalian ang isang taon na 'yon. Alam ko lang ay isa. Isang bilang. Kaya araw-araw akong magtatanong para sa isang taon na 'yon.
Hinding-hindi ko makakalimutan nang tumayo si Lolo sa gitna ng maraming tao. Nagpalakpakan sila kaya gumaya din ako dahil ito lang naman ang madalas ituro sa'kin ni Ate sa'kin.
Maya-maya ay tumayo din si Mama, nagpalakpakan ulit ang mga tao. Naisip ko tuloy na lahat ng umaakyat sa gitna na 'yon ay pinapalakpakan kaya umakyat rin ako. Ngumiti at pumalakpak pero nagtinginan lang ang mga tao.
Pinababa ako ni Mama at pinakaway saka lamang nila ako pinalakpakan. Sa susunod, kakaway muna ako para palakpakan.
Hinding-hindi ko makakalimutan nang madalas umuwi ng gabi si Lolo. Si Mama naman ay laging nasa loob ng kwarto nito at nag-aaral. Marami kasing test paper sa lamesa niya pero nang tumingin ako, sa dulo lang siya ng papel nagsusulat ng pangalan niya. Paulit-ulit lang o kaya naman tatak lang ng tatak katulad ng laruan ko pero mas malaki 'yong kay Mama.
Lagi akong pinapagalitan ni mama tuwing papasok ako at uupo sa kandungan niya. Tatawagin niya si Kuya at papatulugin naman ako ni Kuya sa kwarto.
"Bakit ang pangalan ni Mama nasa ilalim ng papel? 'Di ba tinuruan mo kami ni Ate na sa itaas lagi ng papel isusulat ang pangalan."
Tinawanan ako ni Kuya at sinabing, "Ibang papel naman 'yon. Pangmatatanda 'yon."
Pagkasabi nu'n ay pinatay na ni Kuya ang ilaw sa kwarto ko at sinabihan akong matulog na kung hindi ay maiiwan ako bukas sa pupuntahan namin.
Hinding-hindi ko makakalimutan nang unang araw ko sa school. Lahat ng bata ay pumalakpak sa'kin nang sinabi ko ang pangalan ko. Kaya kumaway ako pero tumawa lang sila at pinaupo ako sa aking upuan.
At tuwing gabi, hindi na lang si Lolo, at si Mama ang laging nasa kwarto at nagsusulat ng pangalan sa ialoim ng maraming papel. Pati na rin si Kuya, wala na tuloy tumutulong samin ni Ate sa mg assignments namin.
Kapag naman magtatanong ako sa kanila lagi lang nilang sasabihin na pangmatatanda lang 'yon at maiintindihan ko lang 'yon kapag malaki na ako. Gusto ko na agad lumaki dahil do'n.
Hinding-hindi ko makakalimutan nang masakit ang tiyan ni Ate pero kinausap lang nina Mama si Nana Anding at umalis na. Hindi na lang ako pumasok sa school para may kasama si Ate sa bahay.
Nagising ako dahil sa isang malakas na putok. Nakatulog pala ako sa kwarto ni Ate. Pipikit n asana ulit ako pero nakarinig ako ng nabasag na bagay. Natakot ako. Ayaw pa naman ni Mama na may nababasag na bagay sa bahay, sumisigaw siya at sinasabunutan si Nana Anding.
Pero wala akong narinig na sigaw. Dahan-dahan akong pumunta sa pinto para sumilip pero nakarinig ulit ako ng putok. Napatakbo ako sa kama ni Ate at ginising siya. Hindi naman New Year pero nagpapaputok sila sa loob ng bahay. Takot pa naman ako sa putok.
BINABASA MO ANG
Wave's Short Stories
NouvellesWattpad writing contests entries I've written from 2014 up to the present time...