Catharsis III Audition Round Entry 2016

8 0 0
                                    

Mga Kwento ni Val


Davao. Maduming lugar at magulo. Pero nakilala ko si Percival, unang batang lumapit sa'kin. Nakakapit siya sa dulo ng damit ko. Tinitigan ko siya at gano'n din siya sa'kin. Umikot ako at ginawa niya rin 'yon. Tumahol ako pero tumawa lang siya. Simula noo'y 'di na umalis sa tabi ko si Percival. Inayos namin ang Davao. Pinaganda at nilinis. Hindi na rin nag-aaway ang mga tao. Ngunit kailangang may kapalit.

"Ano po ang kapalit?" Tanong ng isang bata sa'kin.

"Kailangan ni Valerie ng mga bata para sa kwento nito," pagkasabi ko no'n ay umilaw ang hawak kong libro at kinuha ang mga batang kanina lang ay nakikinig sa kwento ko. Napunta sila sa loob nito.

"Bakit sila lagi napasok sa libro mo?" Tanong ni Percival sa'kin.

"Mabait kasi silang bata kaya kailangan sila sa libro ko. Para maikwento din natin sila sa iba," nakangiti kong sagot. Tumango si Percival.

Cebu. Napakalungkot na lugar. May malalaki at maliliit na bahay sa tabi ng kalsada. Hindi ito nagustuhan ni Percival. Kaya gumawa kami ng maraming ilaw sa langit, nagbigay ng makukulay na damit at iba't ibang putahe. Napuno nang kasiyahan ang lugar. Maraming nagsasayawan, kumakanta at kumakain. Pero kailangan ko nang kapalit.

"Gusto niya ba ng teddy bear ko?" Tanong ng isang bata nang inabot sa'kin ito.

"You're sweet. Pero hindi 'yan ang kailangan ni Valerie."

"Ano po? Ano po?" Tanong ng mga bata.

"Kayo ang kailangan niya," at katulad sa Davao, napunta ang mga bata sa loob ng libro.

Leyte. Dinaanan sila ng bagyo. Sira ang mga bahay at walang makain. Nakaisip si Percival na tumulong sa pagbibigay ng pagkain. Maraming nakakain at gumanda ang pakiramdam. Nagpunta ako sa isang sulok at binuksan ang aking libro. Nakita iyon ng mga bata at sumugod sa direksyon ko.

"Ano po 'yan?" Tanong nila.

"Ito? Tungkol ito sa batang mahilig tumulong ngunit nanghihingi siya ng kapalit," nakangiti kong sagot.

Nagsimula na akong magbasa ng kwentong tungkol sa buhay ko. Bawat kabanta ay nakapangalan sa lugar na aking napuntahan at kinuhanan ng mga bata. Kailangan ko ito upang tumagal ang aking buhay. Bago pa man ako makarating sa ibang kabanata, tuwang-tuwa naman sila.

"Ano po sunod nang mapahiwalay sila sa magulang nila?" Tanong nang isa.

"Nawala silang bigla," sagot ko at hinigop sila ng libro. Pagkatapos ay nanginig ito. Nabitawan ko ang libro kaya bumagsak ito sa lupa. Bumukas ang isang pahina, may sulat ito.

Natakot ako. Ang petsang nakasulat sa Cebu Chapter ng libro ay petsa mismo nang araw na ito.

Malapit na siya.

Hinila ko paalis si Percival pero binawi niya ang kanyang kamay. "Perci..."

"Bakit lagi na lang nawawala mga kaibigan ko?"

"Perci, mamaya na tayo mag-usap. Kailangan na natin umalis. Tara na," pero bago ko pa siya muling mahawakan ay umatras ito.

"Hindi! Sabi mo makipagkilala ako, tapos magiging kaibigan ko na sila. Sabi mo kapag ngumiti ako hindi na sila aalis."

"Perci, huwag ngayon! Please!" Natataranta kong sabi habang tumitingin sa paligid.
Bigla akong natigilan. Nanikip ang aking dibdib. I thought of the hourglass. At bigla na lang nakita ko ang mga lugar na nadaanan na namin ni Percival, at mga daing ng mga naghihirap na bata sa libro. Para bang nararanasan ko muli ang mga nangyari na, ngunit ako ang nasa loob ng libro at hindi ang mga bata.

Nandito na.

Kinagat ko ang daliri ko at pinatak ang dugo sa lupa. Pagkatapos ay binuhat ko si Percival at tumakbo palayo.

Pangasinan. Nangamatay ang mga isda. Nasaktan si Percival na makitang lumulutang ang mga isda at wala ng buhay. Kaya binuhay ko sila. Pinakain upang magsilaki at natuwa naman ang mga mangingisda. Pero kailangan ko nang kapalit.

"Bakit? Bakit kailangang may kapalit?" Tanong ni Percival pagkatapos masaksihan ang pagkawala ng mga bata. Alam naman niya ang sagot pero hindi niya ito matanggap.

Ilang taon na rin nang umalis kami sa Pangasinan, nagtungo rin kami sa Batangas, Quezon, hanggang nagtagal na kami sa Maynila. Nagtatago pa rin at pilit tinatakasan ang oras.

"Pero hindi mo matatakasan ang oras, Valerie. Simula pagkabata ko, ginagawa mo na ito. Nakatakas ka ba? Hindi 'di ba?"

Hindi ko siya sinagot dahil alam kong isinusumpa niya ako. Simula nang maging binata si Percival ay nawala na ang epekto ng hypnotismo ko sa kanya para manghikayat siya ng mga batang kinukuha ko. Hindi niya kasalanan, ngunit 'yon ang iniisip niya.

Bago pa ako makapagsalita, binuklat na ni Percival ang libro. "Tama na 'to Val. Ako na lang," unti-unti na siya nitong kinuha at wala akong magawa kung 'di ang manood na lang.

Bumukas ang pahina kung saan nandu'n si Percival. Nakita ko na may petsa at araw ang Percival Chapter na naayon sa kasalukuyan. Tinakip ko ang braso ko sa aking mga mata habang tumatawa. Hindi ko napansing lumuha na pala ang kaliwang mata ko.



+The End +

=====

Requirements:

Now more than 3K words.

Genre: Adventure

Archetypes: The Pied Piper/The Christ Figure

Theme: Pursuit

(randomly picked a number kung saan galing 'tong mga elements)

SCORE: 89.2

COMMENT/S:

This one caught my attention. Stylistically, ang ganda ng structure ng pagnarrate mo: location then confict. Although fast paced siya, 'di naman siya nakaapekto sa pagbasa ko sa buong akda. Given the amount of words to be used, you utilized it to your advantage. Keep on writing. Will be watching out for this entry's author.


Nakangiti lang ako habang binabasa ito.Awesome.


May mga minimal na mali, hindi naman maiwasan yon. Pero napapangiti nga ako habang binabasa ko ito. Ewan ko? Dahil siguro sa pied piper yung theme? nakakahypnotized. Maayos ang mga pagkakabato ng narration at linya. Good luck sa author nito. - Ate Anya


Wow! Ang swerte ng author nito. Ang ganda nung mga requirements na napunta sa kaniya. Yiie! Wala akong reklamo sa plot, karakter, writing style, etc. except sa ilang mga typo. Ito pa lang ang entry-ng nabasa ko na pasok sa criteria ng contest. Yie! Good luck ha.


Maganda yung flow ng kwento at nagamit nya ng maayos ang requirements. Iproofread mo lang yung ilang errors. ;)

Wave's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon