Moirai
Black Space. Nothing to see, yet everything someone would fear. At least for us, the Phantoms.
Hindi ko alam kung bakit natatakot sila sa isang lugar na walang ibang makikita kung hindi ang gray na langit at ang maputlang lupa. Tahimik at walang ibang Goners na makikita sa paligid. Kung tutuusin ay nanaisin ko pang mamalagi na lamang sa lugar na ito kaysa bumalik sa Montage at makinig sa mga hinaing ng mga Goners.
Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makarinig ako ng ingay mula sa hindi kalayuan. Pamilyar ang mga huni na iyon sa'kin. Nagmadali akong marating ang kweba at makita ang mga Argon na lumilipad at bumubuga ng apoy.
Itinuon ko ang pansin sa lalaking nakaupo malapit sa isang maliit na Argon. Pinapakain niya ito habang tinitingnan ang iba na lumilipad. Akala ko ay ako lang ang nakakaalam o nagkalakas ng loob na pumunta sa bawal na lugar na ito.
Not unless...
Lumapit ako sa kanya dahan-dahan habang kinukubli ang aking sarili sa isang mahika.
"Magic don't work here," sabi niyang lumingon sa'kin habang nakangiti.
Hindi agad ako nakagalaw.
That's why they are afraid of this place.
Hindi maikakaila na nakasalalay sa mga Phantoms ang bawat gagawin ng mga Goners. We can tell them their future while Karma's creating their fate. Kung mawawalan kami ng kapangyarihan, mawawala na rin nang saysay ang buhay nila.
Palihim kong sinulyapan ang kanyang batok upang makasigurado. Wala itong marka ng isang Karma. Ngumiti ako at sinamahan siyang panoorin ang mga Argon sa paligid.
Nagpabalik-balik ako sa lugar na iyon kahit na may posibilidad na mahuli ako. Minahal ko ang lugar na iyon kasabay nang pagkahulog ng loob ko kay Kies.
"Alam mo ba kung bakit nagtatago ang mga Argon?"
I know the answer, yet I chose to remain silent. I like it when he tells me stories.
"Nagbibigay ng kapangyarihan ang mga Argon. Sinamantala iyon ng mga Goners kaya nagkaroon ng gulo noon. Pinaniwala ng mga Phantoms na delikado ang mga Argon sa mga Goners upang magkaroon sila ng dahilan na itago ang mga ito."
Napalingon siya sa'kin at nagtama ang aming mga mata. I didn't notice how close I am from his face.
"And do you know why I love this place? For once, I want to be a Goner without asking for a Phantom's fortune and the Karma's influence. No magic, just reality."
Hindi na ako nakagalaw lalo na nang maramdaman kong nag-iinit na ang pisngi ko. He wasn't looking away either.
He just smiled and said, "Close your eyes."
Ginawa ko ang sinabi niya. I can almost hear his heartbeat. Smell his mint breathe.
"Okay lang ba sa'yo kung..."
Tumingin ako sa mata niya nang hindi niya ituloy ang sinasabi niya. Kitang-kita ko ang pag-aalangan niya kaya niyaya ko na siyang lumabas sa lugar na iyon. He hesitated pero kinuha ko ang kamay niya at hinila siya.
Hindi na namin pinag-usapan ang nangyaring iyon hanggang sa makabalik kami sa Montage. Bumalik na ang kapangyarihan ko dahil hindi na ito sakop ng Black Space. Nilingon ko si Kies, hindi pa rin siya umaalis sa lupa ng Black space.
I've waited and kept on telling him that nothing will change even if I'm a Phantom and he's a Goner. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin, gayundin ang unti-unting paglaho ng mga ngiti sa labi ko nang makita ang isang marka sa kalahati ng kanyang mukha.
"Karma..."
Napaluhod ako at humingi ng tawad sa kanya habang pinipigilan ang mga luha sa aking mata.
Inalalayan niya akong tumayo habang sinasabing, "Naalala mo bang sinabi kong gusto kong maging Goner? Dahil gusto ko matutong magmahal gaya nila."
"Pero bawal kayong magmahal. You are creating their –our fates."
"That is so unfair! Phantoms and Goners can love anyone. Pero kaming mga Karma lagi lang sila ang iisipin. For once, I want to love and be loved."
"That's not true. Hindi lahat pwede naming mahalin," sabi ko palapit sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinintay na titigan niya ako sa mata. "Hindi pwedeng magmahal ang Phantom ng isang Karma."
Nabigla ako nang paglapatin niya ang aming mga labi habang yakap-yakap ako nang mahigpit.
"Alam mo na sigurong wala ako sa kapalaran mo at hindi mo inaasahan ang pagdating ko. But I can create a new fate for you. Kaya kong baguhin iyon. Gusto kong makasama ako sa hinaharap mo, Gean. Mahal na mahal kita. Una pa lang kitang makita sa Black Space, alam kong ikaw lang ang hinihintay ko para baguhin ang kapalaran ng mga Karma at Phantom."
He kissed me again.
Hindi ko alam kung tama bang baguhin ang nakatakda para sa'kin. Hindi ko alam kung wala bang kapalit ang magmahal ng isang Karma. Hindi ko na mabasa ang aking hinaharap. Sa ngayon, si Kies lang ang kapalaran ko.
+ The End +
=====
Requirements:
Now more than 800 words.
Romance/Horror-thriller/Fantasy(choose one + any sub-genre)
SCORE: 76.17
COMMENT/S:
interesting concept! ang galing. may sariling mundo in 800 words.
Interesting. I like it. Medyo hazy nga lang ang pagpapaliwanag about sa Goners, Karma and Phantom. Sana mas naipliwanag mo sila. Moirai are The Fates in Greek Myth. So, your title means Fate. Hmm. Nice... Haha. Anyway. Good job!Keep dreaming! Keep writing! Keep improving!
Gusto ko ung title kasi adik ako sa Greek Myths. Di ko lang masyadong naintindihan ung stuff about Goners and Phantom. Siguro konting description pa. :) And may mga problems sa tenses. Onting proofread. :D
BINABASA MO ANG
Wave's Short Stories
Cerita PendekWattpad writing contests entries I've written from 2014 up to the present time...