Alas na Baraha
Tumatawa ka habang marami kang kasama.
Wala pang bakas ng lungkot at takot ang iyong mukha.
Nakakatuwa kang makita.
Makakaya mo kaya?
Lumaki ka, napalayo sa'kin.
Tumatawa ka, at sabik na sabik sumubok ng mga bagong bagay.
Lumawak ang mundong iyong ginagalawan. Gusto tuloy kitang akitin.
Pero makakaya mo nga kaya?
Hindi lang mga kaibigan ang nakilala mo, pati babaeng nagpabago sa'yo.
Tumatawa ka, pero kapag wala sila, umiiyak kang patakbo sa'kin.
Kahit bawal, nandito ka. Nagtagumpay akong dalhin ka sa aking mga bisig.
Makakaya mo pa bang kumawala?
Hagis dito, hagis doon. D'yan ka naman magaling.
Pero hinding-hindi ka mananalo sa'kin.
Tumatawa ka, pero maya-maya'y maghahamon na dahil talo ka na naman.
Hanggang saan pa ang kaya mo?
Walang-wala ka na. Nagkasakit pa ang anak mo.
Naisip mo akong muli, pero ako pa rin ang nagwagi.
Lalo akong yumaman, ikaw nama'y lumagapak.
Kaya mo pa ba?
Paalala sa Casino.
BINABASA MO ANG
Wave's Short Stories
Historia CortaWattpad writing contests entries I've written from 2014 up to the present time...