RR4 Round 4

7 0 0
                                    


The First Beast

"Matapos ang tatlong araw, bangkay ng pamangkin ni President Xi Daong natagpuan na sa mismong unit nito sa Wu Qing Hotel. Hindi pa malaman ng mga pulis kung ito ay homicide or suicide ngunit ayon kay President Xi Daong, walang kaaway ang pamangkin."

Narinig kong sabi ng babae habang naglalakad ako sa kabilang kalsada at pinagmamasdan ang crime scene. Lumunok ako at kinuyom ang palad ko at umalis.

It started...

Dumiretso ako sa opisina at nakita ko do'n ang boss ko. Inutusan niya akong gumawa ng kape at bumili ng breakfast niya. Madalas ko siyang dalhan ng coffee tuwing umaga, pero ngayon ko lang siya nakitang kumain ng breakfast. Para sa taong namatayan, he's too happy normal.

Bumalik na ako sa desk ko at tinulungan si Mimi, isa pang secretary ng boss ko. She's smart and kind. Kaya hindi ako magtataka kung bakit nahulog ang puso ni Jiang sa kanya pero alam kong sobrang sakit sa kanya nang malamang wala na ito.

I can't do anything to console her, though. I can't...

Ongoing ang investigation ng mga pulis sa pagkamatay ni Jiang at madalas silang pumunta sa opisina para kausapin ang tito nitong si Presidente Xi Daong.

"What have you got so far?"

"Well, Mr. President, nakita naming nakabitin ang pamangkin niyo kaya masasabi naming nagpakamatay siya pero matapos makita ng forensic ang katawan, sinabi nilang pinatay ang pamangkin niyo," sabi ng detective.

Napatingin ako kay Mimi. Pinipigilan niyang humagulhol ngunit tuloy-tuloy ang mga luha niya sa pagpatak.

"Paano niyo nasabi 'yan?"

"Ito po ang litrato ng leeg ni Jiang. Kung mapapansin niyo, dalawang marka ng lubid ang makikita. Ang isa ay almost vertical habang ang isa ay horizontal. Ibig sabihin po maaring sinakal siya gamit ang lubid bago ibinitin matapos siyang patayin para magmukhang suicide," paliwanag nito.

Napakagat ako ng labi ng marinig ang sinabing 'yon ng detective. Alam man nilang pinatay si Jiang, wala pa rin silang lead kung sino ang pumatay.

No one would be able to catch her the killer. She's fast and professional when it comes to killing her job...

"Pero alam niyo ba kung bakit siya pinatay?"

"No, Sir. I'm sorry. Maaring kalaban niyo sa pulitika o kaya naman nakaaway niya na hindi niyo alam. Sa ngayon ay mas mabuti kung maiingat po kayo. Sige po aalis na ako."

"Salamat Detective."

Lumabas ang detective at napansin si Mimi na umiiyak. Tinapik nito ang balikat ni mimi at sinabing tatawagan siya kung may bago ng balita tungkl sa kasintahan.

The cause of death is because of the origin of Pangu and the four beasts story not science or logic. It is beyond one's imagination.

No one knew about his death.

Except me...

Isa si Yu Jiang sa apat na simbolo ng Chinese constellation. He is the Azure Dragon which represent the wood element. Siya ang simbolo ng panibagong-buhay pero dahil wala na siya, hindi na makukumpleto ang mythical beasts, at hindi na mangyayari ang end of the world.


The Second Beast

Tinapos ko ang pagwawalis ko sa labas ng bahay ko at pumasok na. Kailangan ko pang pumunta sa opisina para ihanda ang speech ng Presidente sa Press conference niya tungkol sa pamangkin.

Wave's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon