WWBY Audition Entry 2017

5 0 0
                                    

Ivory in Wonderland



Huni ng mga ibon.

Lagaslas ng tubig.

Lagutok ng mga sangang nababali sa tuwing masasagi at matatapakan niya.

"Fairest of them all..."

"Mirror..."

Paulit-ulit niya itong naririnig sa bawat hakbang niya. Hindi siya natutuwang maalala ang mga salitang iyon dahil may kakaiba sa mga ito. Mapait at mapanganib para sa kanya.

"I will always love you..."

Napailing siya. Sigurado siyang kilala niya ang nagsabi ng mga katagang iyon ngunit hindi niya mawari kung sino ito.

"Kahit saan ka pumunta, hahanapin kita. At pupunta tayo sa lugar na tayo lang dalawa. Walang sila, walang sumpa, wala ang reyna. Hinding-hindi ko hahayaang magkahiwalay pa tayo ulit."

Kailangan niyang mahanap kung sino ito pero wala siyang maalala. Hindi nga niya alam kung bakit siya tumatakbo at kung nasaan na siya.

Hahanapin kita!

Hahanapin kita at papatayin kita! Walang ibang pwedeng maging maganda. Ako lang! Ako lang!

Nadapa si Ivory. Hindi na niya napigilang umiyak sa gitna ng madilim na kagubatan. Niyakap niya ang mga tuhod at itinago ang mukha sa pagitan nito.

Bakit lahat ng tungkol sa kanya ay isang malaking tanong samantalang hinding-hindi maalis sa isip niya ang linyang 'yon na labis na nagpapanginig sa buong katawan niya lalo na sa tuwing maalala niya ang boses nitong tumatawa?

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng isang boses.

Suminghot-singhot siya at dahan-dahang tumunghay sa nagsasalita. Nag-aalala ang mukha nito pero ang labis na pumukaw sa mga mata niya ang tenga nitong mahaba at matulis ang dulo. Naka-bonnet ito at may dalang matutulis na bagay na gawa sa metal at bato.

Duwende.

Nang pumasok sa isip niya ang salitang iyon ay bigla na lang lumabo ang paningin niya at nagising siya sa kama niyang pawis na pawis at humihingal.

Hindi maalala kung ano ang nasa panaginip niya.


+ The End +

=====


Requirements:

Write a prologue not more than 300 words

Romance + Fantasy (balance & must appear)

Obsession & Oblivion (must appear )

SCORE: 5 over 7 judges said yes

COMMENT/S:

Oh. :) Kyut.Fairytale na fairytale ang dating ng prologue sa akin, na may kaunting mystery feels. 4/4 to. Nandoon lahat ng kailangan na hinihingi ng mechanics. Siguro nga lang ay medyo kinulang ito ng hila sa mambabasa. Or baka dahil sa wordcount kaya di gaanong ramdam ang pagmamadali, pagkalito at kung ano pa man.Good luck!


Writing voice, stunning. Adherence to genre and theme, Fantasy, yes. Romance, yes. Oblivion, yes. Obsession, yes. Organization, clear. Pacing, too slow for the scene, guess it's your choice of words. Too peaceful to hear in mind's ear. Anyway, if this is a retell of Snow White, I still want to read it using your own voice. Kaso na-bother ako sa title hahaha Hmm... Sana makapasok ito.

Wave's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon