RR Final Season Round 2 2016-17

4 0 0
                                    

Decoded


Bumagal ang takbo ng oras. Wala akong marinig bukod sa matinis na tunog na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Nadadapa, at nanlulumo ang ibang mga tao habang umuubo ng dugo ang ilan. Umiiyak na ang mga bata at nagkakabanggaan na rin ang mga sasakyan.

Ito ang senaryong madalas kong makita tuwing pinipikit ko ang aking mata. Paulit-ulit lang. Nakakakaba, nakakatakot, nag-aalinlangan akong humakbang at tumulong pero matatauhan din akong ilang araw na rin pala ang lumipas simula nang unang kumalat ang virus sa lungsod ng Maynila.

"Christoff, alam mo ba kung ilan na ang survivors simula nang nagsimula ang virus?" Tanong ng kasamahan ni Christoff.

"Forty, thirty-two, fifty-four, sixty-three, twenty, forty-five, twenty-nine, seventeen, twenty-one, fourteen, twenty-six, eight," sagot ko sa kanila.

Kumunot ang noo niya at tinanong kung ano ang mga numerong sinabi ko.

"It's been fifteen days since the virus spreads. Nag-start kayo mag-rescue after three days kaya sa loob ng twelve days may 369 na survivors. Kung kasama ang mga tao sa St. Elizabeth Lab ay nasa 1,419 na tao lahat," paliwanag ko.

"Tsk. Hanga talaga ako sa best friend ko," pagmamalaki ni Christoff.

"Malayung-malayo pa ang 369 niyo sa buong population na 12, 970, 884 dito sa Manila area. Sabihin nating eighty percent ang infected, 'yong natitirang twenty percent niyo na dapat pang iligtas ay 2, 574, 177 kapag naka-round off."

"Balak mo ba mag-trabaho sa NSO? Napaka-specific mo naman," sabi ng kaibigan ni Christoff. Inirapan ko ito at sinabi kay Christoff na hinahanap siya ni Mama.

Childhood best friend ko si Christoff pero dahil umalis sila ng family niya at lumipat sa ibang lugar ay hanggang childhood best friend lang talaga siya. Ngayong malaki na kami ay hindi ko siya tinuturing na kakilala man lang. Matagal-tagal din akong umiyak nang umalis siya. Sumulat man siya ay ilang araw lang din 'yon at wala na akong naging balita sa kanya hanggang sa kumalat nga ang virus. Nagkita na lang kaming ulit nang kunin nila ako sa bahay para dalhin dito sa Lab na pinagta-trabahuan ni Mama.

Angelologist si Mama. Sa St. Elizabeth sana papunta ang mga chemicals na galing sa California na tinawag nilang A.N.Gel at gawa sa DNA ng isang Nephilim, offspring ng mga anghel at tao noong panahon ni Noah. Pinarusahan ng Diyos ang mga tao dahil sa dalawang bagay. Una, makasalanan na ang tao at iba na ang sinasamba nila at pangalawa ay nakihalubilo na ang mga anghel sa tao na labis niyang pinagbabawal.

Ngunit bago pa man bumaha ang buong mundo ay nagpanggap ang dalawang anghel bilang mga anak ni Noah at inagkin ang asawa nina Japeth at Shem. Nakaligtas sila sa parusa ng Diyos, at kumalat ang lahi nila bilang mga Nephilim.

Ang A.N.Gel sana ang sagot sa paggawa ng gamot para sa cancer pero dahil nagkaroon ng aksidente sa kalsada at na-expose ang chemicals na 'yon ay naging virus ito na kumalat sa buong Maynila at umabot sa mga karatig na lugar. Madali itong makahawa at tinitira nito ang respiratory ng tao. Manghihina, umuubo ng dugo, at nahihirapan sa paghinga ang dinudulot ng virus na 'to. They called it as D-mon, because after a few days of suffering they will eventually die.

Ang mga agents na katulad ni Christoff ay araw-araw lumalabas ng St. Elizabeth Lab para maghanap ng mga hindi infected, at si Mama naman ay nag-aaral, at naghahanap ng gamot para sa virus. Habang ako ay pabalik-balik lang sa mga lugar na kwarto, opisina ni Mama, hardin, at kainan. It's not really different from my life outside the facility, but for some reason I'm suffocated.

Lahat ng tao sa Lab ay abala maliban sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ay napakawalang-kwenta ko dahil halos kain-tulog lang ang pwede kong gawin. Hindi naman ako papayagan ni Mama na lumabas ng facility.

Wave's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon