Dahil gabing gabi na kami nakauwi ng magaling kong bestfriend ay hindi ko na nagawa ang mga assignments ko. shete ending ayun wala akong napasa, malala napagalitan pa ko ni mama kasi nakalimutan ko pang magpa alam bago kami pumunta ng damuhong lalaking yun sa burol. Kaya eto emote ang drama kainis talaga.
Break namin as usual mag isa lang akong kumakain, di naman kasi ako yung taong pansinin. Kaya wala akong masyadong friends dito sa school.Hindi ako kagaya ni Jeff na sobrang gwapo na eh, varsity player pa. Well gwapo naman ako kaso may pag ka feminine daw talaga yung mukha ko. kaya madalas akong pagkamalang tomboy. Shete di ba? Ako tomboy di ko matanggap.
Mas gusto ko na din yung mag isa kasi nakakapag muni muni ako sa mga oras na yun. Yung mag daydream ka, hay naku nahahawa na yata ako sa saltik ng bestfriend ko.
" Kiro!"
" uy Kate kamusta?"
"Eto nag momove on!" Bumuntong hininga pa.
" ha eh nasabi nga sa akin na nakipag break daw yung magaling kong bestfriend sayo."
" sorry Kate ako din di ko alam kung bakit biglaan na lang yung pakikipaghiwalay sayo ni Jeff." Dugtong ko pa. Ang awkward naman nito.
" ayos lang , medyo expected ko na din , diba nga nasabi ko na sayo na nanlalamig na sakin si Jeff. Matagal na din kaming di okay pero di ko lang expected na kahapon na din pala nya tatapusin yung relasyon namin." Pilit ang ngiti nito, pero mahahalata pa rin dito ang nangingilid nyang Luha na pinipigilan nyang tumulo. Ay shete talaga di ako sanay na may umiiyak na babae sa harap ko.
" pasensya na Kate wala akong mapapayo alam mo namang wala akong experience sa love na yan eh." Nginitian ko na lang ito.
" naku ano ka ba! Wala yun."
" nga pala Kiro sinabi ba ni Jeff yung tungkol dun sa babaeng nagugustuhan nya?" Tanong nito.
" wala eh, ilang beses ko na rin kinulit yun kagabi pero ayaw nyang sabihin kung sino." Sagot ko dito.
" ganun ba..."
Mamaya pa ay nakita namin ni Kate si Jeff habang kausap ang isang babae . Sa pagkaka alam ko transferee sya dito sa school , maganda yung babae , sexy at mukhang mayaman sa pananamit pa lang nito. Nakita din namin kung pano mag usap ang dalawa. habang yung babae naka kapit pa sa braso ni Jeff at nagtatawanan. Mukhang matagal na nga silang magkakilala dahil mukhang close na close sila.
Ako naman parang nanlumo. Hay shete nagseselos ako ang sakit mas masakit pa nang ligawan ni Jeff si Kate. Ngayon ko lang kasi nakita na sobrang saya ni Jeff. Mukhang hanggang bestfriend lang talaga kami. Pero naisip ko si Kate, kung ako ngang di naman kami ni Jeff ay sobrang sakit na ng nararamdaman ko,marahil mas doble ang sakit na nararamdaman nito.
" okay ka lang ba Kate? " tanong ko dito.
" so ngayon nasagot na yung tanong ko Kiro. Si Ella pala yung pinalit sakin ng bestfriend mo." Maluha nyang sagot.
" kakilala mo yung girl?" Tumango lang ito sa akin.
" kiro I need to go babalik na ko sa room namin." Pipigilan ko sana sya pero siguro mas mabuti na yun para makapag isa sya. Hay naku Jefferson.
Napatingin naman sa kinaroroonan ko ang magaling kong bestfriend. Agad kong sinamaan ng tingin. ipinakita ko ang pagkadisgusto ko sa pakikipaglandian nya sa babaeng pinopormahan nya.
What the heck naman kasi diba? Kakabreak lang nila ni Kate tapos dito pa sila maglalandian , di ba nya naisip na baka makita sila ni Kate. Hindi ba pwedeng sa labas sila maglandian yung silang dalawa lang makakakita. ganun ba sya kaatat pormahan yang babae nya.
BINABASA MO ANG
" Please say you still Love me "
Teen FictionThis will be my second book. Its about friendship, love, hatred and love again.