Matapos ang kasal ay agad nagtungo ang lahat sa reception ng aming kasal. Ginanap ito sa burol malapit sa parola. Naging masaya ang lahat at syempre ako din, sa wakas ay kasal na kami ng pinakamamahal kong bestfriend na ngayon ay asawa ko na. Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang singsing na simbolo ng aming pagiibigan. Kaya pala nawawala ito ay itinago ito ni Mama at ibinagay sa pinakamamahal kong asawa, para gamitin sa kasal namin. Nasa ganoon akong pagmumuni muni ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
" Hmmm grabe naman ang bango ng Misis ko." Natawa na naman ako sa naturan ni Jeff.
" ikaw talaga maka misis ka dyan, mister po kaya ako."
" OK fine Mister, basta mamaya sa honeymoon natin ikaw ang Misis." Halos mamula naman ako sa sobrang hiya, mukhang walang pakialam si mokong kung may makarinig sa amin.
Agad ko itong kinurot sa tagiliran. Napaigtad naman sa sakit ang magaling kong asawa."Arekup, ikaw ha dumadalas yang pananakit mo. Di porket asawa mo na ako ginaganyan mo na ako." Nagtatampong sabi nito. Agad ko naman itong hinalikan sa labi , alam nyo na baka tuluyang topakin na naman.
" Hon kasi baka may makarinig sayo, nakakahiya." Pagpapaliwanag ko dito.
" anong nakakahiya doon eh mag asawa naman na tayo, basta lagot ka sa akin mamaya. Gaganti ako sa kama." Yun ang huling sinabi ni mokong at iniwan akong tulala. Nakita ko naman na masaya itong nakikipag kwentuhan sa mga kumpare nya. "Patay na mukhang mapapalaban yata ako."
" Kiro kamusta na, congratulations finally kasal na kayo ng pinsan ko." Biglang sulpot naman ni Kristine. Magpinsan talaga sila kasi para silang kabute na bigla bigla na lang sumusulpot
" oh Kristine, ikaw pala. Thank you pala sa lahat." Pagpapasalamat ko dito. Nalaman ko kasing sya pala ang naging katuwang ng asawa ko noong mga oras na umiwas ako kay Jeff. Tinulangan nya ito sa pagaasikaso nitong kasal.
" wala yun, ako dapat mag sorry kasi idea ko lahat na pagselosin ka para malaman namin kung may pagmamahal ka pa rin ba Kay insan. Nakita ko kasi kung paano naghirap si insan para lang makasama ka ulit. Kaya naiisip ko yun, syempre bilang pinsan ng siraulong yan ay ayaw ko na muli itong masaktan." Paghihingi naman nito ng tawad.
" di mo kailangang mag sorry Kristine, dapat pa nga akong magpasalamat sayo dahil kung hindi mo ginawa iyon marahil ay hindi ko marerealized kung gaano ko kamahal si Jeff, at isa pa sabi nga nila diba? Sa hinaba haba man daw ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy." Ngumiti naman ito at niyakap ako ng mahigpit.
" hep, hep ano yan insan. Kailan ka pa naging bes. Kasal na kami nyang niyayakap mo, may balak ka pa yatang sulutin itong asawa ko." Pilit kaming pinaghihiwalay ni Jeff sa pagkakayakap ni Kristine. Agad naman itong binatukan ni Kristine.
"Hon oh inaaway ako." Pagsusumbong naman ng magaling kong asawa, umasal bata na naman.
" Siraulo ka insan di kami talo ng Misis mo no, isa pa hindi ako bes. Pero kung papatol si Kiro sa akin why not? Diba?" Pagbibiro naman ni Kristine na may kasamang irap pa sa pinsan nito.
" Tara na nga hon." Agad akong hinila ni Jeff , pero bago kami maka alis ay nagawa pa nitong hilahin ang buhok ni Kristine na labis na ikinagalit nito. Si Jeff naman ay agad na tumakbo habang hila hila ako papuntang sasakyan. Narinig ko naman na kinantyawan pa nila Papa at Daddy si Jeff.
" Oh galingan mo Jeff ha, kailangan mabuntis na agad si Kiro namin. Gusto na naming mag ka apo." Pasigaw na biro ni Papa.
" Gawin nyo ng kambal mga anak." Si Daddy Robert naman ang sumunod.
" kahit triplets pa dad." Sagot naman ni mokong bago kami sumakay ng kotse. Hindi pa tapos yung program sa reception ay nagmamadali na sa honeymoon namin si Jeff. Halos paliparin na nga nito ang kotse sa bilis ng pagpapatakbo nito. Halos mapakapit na lang ako sa passenger seat sa sobrang kaba. Buti na lang at linggo ay bihira ang sasakyan sa kalsada. Narating naman namin ng ligtas ang paroroonan. Dinala ako ni Jeff sa isang bahay malapit sa tabing dagat. Napakalaki ng bahay na ito at kumpleto rin sa gamit. Modern Spanish ang disenyo ng bahay na ito. Well first time kong makapunta dito, at hindi ko alam na may ganito palang property ang pamilya nila Jeff.
BINABASA MO ANG
" Please say you still Love me "
Teen FictionThis will be my second book. Its about friendship, love, hatred and love again.