Chapter 18

155 9 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw ay patuloy pa rin ang pagdalaw ni Jeff sa bahay. Hindi naman ako makatanggi dahil mismong sila mama at papa ang pumapayag na papuntahin si mokong. Kaya wala akong magawa kundi I entertain si mokong. Minsan dito pa siya kumakain. Balita ko nga sa susunod na linggo na ang kasal nila ni Kristine. Parang ang bilis naman, ayaw ko na sanang magisip ,pero sa tingin ko bumabalik lang yung nararamdaman ko para kay Jeff. Ngayong araw napag desisyunan kong maglinis ng kwarto. Habang naglilinis ay nakita ko lahat ng pictures naming dalawa. Nandito rin yung picture ng magpunta kami sa Calatagan. Hindi ko mapigilang mapangiti ang saya saya ko noong kami pa. Hanggang sa maalala ko yung singsing na ibinigay nya sa akin noong prom. Sa pagkatatanda ko ay hindi ko naman naibalik kay Jeff iyon ng maghiwalay kaming dalawa. Pero bakit wala? Ang alam ko dito ko lang tinago yun. Mahalaga kasi sakin yun, yung singsing na yun lang kasi yung nagpapatunay na sobra akong minahal ni Jeff. Hindi ko maiwasang mapaluha , kahit san ko hanapin wala yung singsing. Naiinis ako alam ko dito ko lang nilagay yun eh. Agad akong bumababa tatanungin ko sana si mama kung may nakita ba syang singsing sa tokador ko.

" mama , may nakita po ba kayong singsing sa tokador ko?"

"Ha anong klaseng singsing ba iyon anak?" Pero parang wala namang alam si mama.

" wala po ma, hayaan nyo na lang. Hahanapin ko na lang po mamaya."

" ay siya nga pala anak, pwede bang pakibigay mo ito kay Tita Selina mo, paborito nya kasi yang kaldaretang kambing. " agad namang inabot ni mama yung Tupperware na may lamang ulam. Siguro mamaya ko na lang hahanapin pagkahatid ko nitong ulam.

Pumunta na ako sa bahay nila Jeff, naabutan ko naman si Tita Selina na abala sa pagluluto ng kanilang pananghalian.

" Tita Selina pinabibigay po ni mama, kaldaretang kambing po yan." Agad ko namang inabot kay Tita Selina yung Tupperware. Mukhang paborito talaga ni Tita kasi pagkaabot ko palang ng ulam ay agad itong kumuha ng kutsara at tinikman.

"Naku yan talagang mama mo, ang sarap magluto nitong paborito ko. Paki sabi sa mama mo salamat."

" sige po Tita uwi na po ako."pagpapalam ko sana pero pinigilan ako nito.

" mamaya ka na umuwi magkwentuhan muna tayo anak, namiss kaya kita." Sabay yakap ni Tita Selina sa akin. Parang anak na kasi ang turing sa akin ni Tita at Tito noong magtapat kami ng relasyon namin ni Jeff.

" ako din naman po namiss ko kayo."

"Kamusta na anak, balita ko successful ka na daw bilang manager doon sa Manila."

" ah Tita assistant manager pa lang po."

" naku pareho lang yun. Alam mo bang proud na proud yang mama at papa mo sayo." Nakangiting sabi nito.

" si Jeff din naman po successful na din bilang engineer. "

" oo nga anak, dati tutol kami ng daddy nya na mag aral yan sa Manila kasi ayaw naming malayo ang nag iisang anak namin. Pero ng nalaman namin ang dahilan kung bakit nya gustong mag aral doon, ay para sundan ka. agad kaming pumayag ng daddy nya. Akala ko nga ay magkakabalikan kayo nitong si Jeff namin. swerte nga yang anak ko dahil kahit late na, ay nakapag enroll pa sya sa UST. Di naman nya kami binigo kasi naging maayos naman yung pag aaral nya." Mahabang kwento ni Tita Selina sa akin. Totoo pala yung sinabi ni mokong. Pero kahit ano pang manyari kahit nalaman ko na ang katotohan, hindi maalis ang katotohanang ikakasal na si Jeff.

" naikwento na po sakin ni Jeff, siguro po hindi po kami talaga para sa isa't isa Tita. Masaya naman po ako kasi malapit na silang ikasal ni Kristine."

" ha? Ikakasal sila ni Kristine?" Nagtatakang tanong ni Tita Selina. May Mali na naman ba sa sinabi ko? Bakit parang nagtataka silang lahat pag napaguusapan yung malapit na pagpapakasal ni Jeff kay Kristine. May iba bang babae si Jeff? Pero kilala ko si Tita Selina hindi nya kukunsintihin si Jeff sa mga ganoong gawain.

" Please say you still Love me "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon