Ito na ang gabing pinakahihintay ng lahat. Pero ako mas gusto kong matapos na ang gabing ito. Wala kasi ako sa wisyong mag enjoy. Kung hindi lang requirement sa aming mga fourth year student ang pagpunta sa prom ay hindi na ako pupunta pa dito.
Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Napaka gwapo ko talaga sa suot kong suit. Isang puting suit at puting sleeves ang suot ko, with matching red bow tie. Well I can say na kahit broken hearted, di naman ako mukhang stress.
"I'm ready." Sabi ko sa sarili.
" napaka gwapo naman ng binata ko." Si mama. Lumapit ito at inayos ang bow tie ko.
"Ang bilis talaga ng panahon, ngayon ang laki mo na." Si mama habang nangingilid ang mga luha.
" alam mo anak, dati gusto ko na isang anak na babae ang ibigay sa amin ng panginoon, pero ng dumating ka sa buhay namin ng papa mo. mas lalo akong nagpasalamat sa kanya. Isa kasing napakabait, masipag sa pag aaral at napakagandang anak pa ang biningay sa amin. Wala na kong mahihiling pa." Dugtong pa nito.
Ako naman ay di na rin mapigilan ang lumuha. Isa ito sa namana ko kay mama ang pagiging drama queen.
" Anak kahit ano ka pa, kahit ano pang marating mo sa buhay, lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng papa mo. Laging nakasuporta sayo." I can say na blessed ako dahil si mama at papa ang naging parents ko. Kahit na Medyo may pag kakrung krung itong si mama, ay mahal na mahal ko silang dalawa ni papa.
" ang drama naman ng mag ina ko." Si papa na kanina pa pala kami pinagmamasdan ni mama.
" group hug. " ako.
" kaya mahal na mahal ko ang pamilyang to." Si papa.
" oh siya, siya baka malate pa tong anak natin sa party.
Agad naman akong nagpa alam kay mama. Si papa kasi ang maghahatid sa kin sa school. Doon kasi gaganapin ang prom. Malaki kasi ang school namin at may sarili itong function hall para sa mga pagdiriwang sa school.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang magisip sa muling pagkikita namin ni Jeff.
" mukhang ang lalim ng iniisip ng binata ko. " si papa.
" Papa nagawa mo na ba na pagtaksilan si mama?"
" bakit mo naman naitanong yan?" Pagtatakang tanong ni papa.
Ako man ay nabigla sa tanong ko. Marahil sa sitwasyon namin ni Jeff kaya naitanong ko ang ganitong bagay.
" Kiro, anak hindi ko masasabing perpekto ang relasyon namin ng mama mo. Nariyan ang di pagkakasunduan namin sa mga bagay bagay. Pero ang pagtataksil na yan, hindi man lang sumagi sa isip ko. Lagi ko kasing iniisip kayo ng mama mo. Kahit siguro anong temptasyon pa ang dumating sa akin, masasabi kong makakaya ko dahil sa pamilya natin kontento na ako. At kung dumating man ang oras na ang isa man ang magkamali sa isang relasyon anak. dapat itong pag usapan. Dapat mong marinig ang dahilan ng taong yun kung bakit nya nagawa ang ganoong bagay. Sabi nga nila give the benefit of the daw!" Mahabang paliwanag ni papa.
Natawa naman ko sa kasabihan ni papa.
" doubt po yun papa." Pagtatama ko dito.
" haha ganun ba yun , bakit anak? mukhang may problema sa pag ibig ang binata ko ah?" Pagtatanong ni papa.
Hindi ko ring maiwasan isipin ang tungkol sa relasyon namin ni Jeff. Hindi ko kasi sya binigyan ng chance para i defend man lang ang sarili nya. At hindi ko na narinig ang paliwanag nya. I felt guilty , nagdadalawang isip tuloy ako dahil sa tingin ko ay ako ang sumisira ng relasyon namin.
BINABASA MO ANG
" Please say you still Love me "
Teen FictionThis will be my second book. Its about friendship, love, hatred and love again.