Chapter 5

235 18 0
                                    



Lunes na naman medyo tinatamad pa ko bumangon, hay naku Monday sickness.

Mabilis kong tinungo ang banyo para maligo at maghanda sa pagpasok. After kong magbihis bumaba na ko para makapag almusal.

" Mama, Papa good morning." Bati ko kila mama at papa.

" oh buti naman maaga kang nagising." Si mama habang abala sa paghahanda ng almusal.

Pero ang mas kinagulat ko ay ang bestfriend kong abala din sa kusina.

" Tita okay na ba tong luto ko, mukha sunog eh." Si Jeff.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jeff.

"Ah.. Nagpapaturo ako kay Tita mag luto kahit breakfast lang, para naman next time di mo na ko pagtawanan." Nakangusong sabi nito.

" hahaha naku mukhang di na naman ako makakain ng matino nito, kaw ba naman ang nagluto." Pang aasar ko dito.

" Tita okay naman diba?" Tanong nito kay mama.

" oo naman iho, mukha naman syang edible." Pagbibiro ni mama.

Ako naman ay halos maluha kakatawa sa ekspresyon ni mokong.

"Syempre joke lang iho." Pambawi ni mama.

Pinagsaluhan na namin ang alamusal na luto ni Jeff, well mukha namang okay yung lasa kaysa nung last time ng mag prito sya ng itlog. Dito na rin nag umagahan ang mabait kong bestfriend. Sabi pa nga ni mama na ang aga aga daw gumising ni Jeff para lang magpaturong magluto. Medyo nalungkot naman ako ng maalala kung bakit nya gustong matutong magluto, syempre para dun sa babaeng hitad. Matapos mag agahan Sabay na kami ni Jeff pumasok sa school and about dun sa plan kong pag iwas sa kanya. Desido na kasi ako, pero pakonti konti lang baka kasi makahalata sya na iniiwasan ko sya.

Mas okay na siguro to, alam ko sa huli ako din naman ang masasaktan.

Ng makarating kami sa school agad naman akong humiwalay , nakasalubong kasi namin si Ella yung babaeng hitad. As usual todo kapit na naman sa braso ni Jeff.

" hay ang landi talaga." Bulong ko.

" selos ka lang Kiro." Sabi ng isip ko.
Ay shete sumasagot na ang isip ko. Malala na talaga ako.

Papasok na sana ako sa room ng makabanggaan ko ang isang lalaki , tumapon lahat ng mga libro kong dala. Agad namang humingi ng tawad ito at tinulungan ako sa pagdampot ng mga gamit ko.

" Sorry talaga ah, by the I'm Sebastian and you are?"

Napatitig ako sa mukha nito. gwapo ito , matangkad , moreno may pag kasingkit ang mata. Shete perfect para sa tall,dark and handsome.

Natulala ako habang pinagmamasdan yung mukha nya.

" are you okay?"

Natauhan na lang ako, nakita ko na kanina pa pala yung kamay nya hinihintay na makipagkamay ako.

" ahh.. Ki..kiro pala." Nauutal kong pagpapakilala. OMG ang gwapo mala Richard Gomez ang datingan ng lolo nyo. Agad ko namang inabot yung kamay nya.

" nice too meet you Kiro, sorry talaga sa nangyari nagmamadali kasi ako. Hinahanap ko kasi yung classroom namin , transferee kasi ako dito sa St. Johnson kaya di ko pa alam kung saan talaga yung room namin. " mahabang paliwanag nito.

" ah ganun ba, patingin nga nag reg form mo?"

" ah eto oh." Sabay abot ng regform nya sakto naman magkaklase pa pala kami nitong si Sebastian.

" Please say you still Love me "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon