Natapos ang bakasyon namin at balik eskwelahan na kami. Hanggang ngayon kaming tatlo palang nila Kate ang nakaka alam tungkol sa relasyon namin ni Jeff. Kahit ang parents namin ay di alam na may namamagitan na sa amin.
Lagi na rin itong sumasama sa amin. Hindi na nito hinahayaan si Ella na lumapit sa kanya. Labis ko namang ikinatuwa ang pag iwas ni Jeff sa babaeng hitad na yun. Mukhang seryoso talaga si Mokong sa kung anong meron kami.
Matapos namang mag confess nitong si Sebastian ng feelings nya para sa akin ay patuloy itong nanliligaw. Pero hindi katulad ng dati pwede nyang iparamdam sa akin yung feelings nya kahit anong oras, ngayon hindi na pwede, laging bantay sarado si Jeff sa akin. Kadalasan ay pinagseselosan talaga nya si Sebastian. Napapaliwanagan ko naman ito na kaibigan lang ang Turing ko kay Baste.
Si Kate naman ay sobrang supportive sa relasyon namin ni Jeff. Minsan ay kasabwat pa ito ni Jeff para isurprise ako. Sya kasi ang taga abot ng mga bulaklak na galing kay Jeff.
Ngayon masasabi kong masaya ako sa kinahinatnan ng pagtatapat ko ng damdamin sa bestfriend ko. Naikwento nya pa sakin na matagal na din pala itong may gusto sa akin pero natotorpe daw siya. Takot din daw syang mawala ako sa kanya kapag nasabi nyang mahal nya ako at layuan ko siya.
Ilang buwan pa ang lumipas halos di na kami mapaghiwalay ni Jeff. Kinarir na kasi nito ang pagiging boyfriend ko.
Madalas nga ay nag sleepover pa ito sa bahay namin. Madalas nitong palusot ay anh pag group study namin. Alam ko minsan nagtataka na rin si mama at papa, maging ang parents nya.
" Jeff ko, ano sa tingin mo hanggang kailan tayo?" Di kasi mawala sa isip na sa kagaya ng relasyon namin ay marami ang tutol.
" bakit mo naman yan nasabi Kiro ko?" Balik na tanong nito.
" nag aalala lang ako pag nalaman na nila yung tungkol sa relasyon natin, natatakot ako na maghiwalay tayo." Sagot ko.
" kahit na anong mangyari, di tayo maghihiwalay dahil ako lang ang Jeff mo, at ikaw lang Kiro ko. Hindi ko hahayaang mahiwalay ka sakin. " sinserong sabi nito sa akin. Halos di ko mapigilang mapangiti dahil sa sobrang sweet nito sa akin.
"Kiro ko lagi mong tatandaan mahal na mahal kita. Ikaw lang ang para sakin kaya wag ka na mag aalala. Kahit anong mangyari di kita iiwan." Dagdag pa nito.
" salamat Jeff ko mahal na mahal din po kita." Sagot ko dito. Agad naman akong hinalikan nito at mahigpit na niyakap.
BINABASA MO ANG
" Please say you still Love me "
Teen FictionThis will be my second book. Its about friendship, love, hatred and love again.