Chapter 20

174 11 0
                                    

Pinilit kong ayusin ang sarili, nasabi ko sa sarili na nangyari na ang di dapat mangyari. Kailangan kong itama ang lahat bago pa mahuli ang lahat ayaw kong dumating sa punto na ako ang maging dahilan ng paghihiwalay ni Jeff at ni Kristine dahil sa may namagitan sa amin ni Jeff. Agad akong naligo at nagbihis, buo na ang desisyon kong konprontahin si Jeff sa nangyari sa amin kagabi.

Matapos akong naligo at nagbihis ay kaagad akong bumaba. Naabutan ko naman si Jeff na abala sa pagluluto. Mukhang adobo ang niluluto nito. Mukhang marunong nang magluto si mokong. Halata kasi galaw nya na gamay nya na ang kumilos sa kusina. Di ko naman maiwasang mangiti dahil sa suot nito. Naka apron lang at boxer brief, topless pa. Habang pinagmamasdan ay di ko maiwasang isipin na malaki na talaga ang pinagbago ni Jeff. Napansin naman agad nito ako habang nakatingin sa ginagawa nya.

" Goodmorning baby, mukhang ang sarap ng tulog mo. Wait lang baby matatapos na itong niluluto ko." Nakangiting sabi ni Jeff.

" ah.. Eh.. Jeff tungkol pala sa nangyari sa atin kagabi, dapat siguro kalimutan na natin yun." Nauutal kong panimula.

" Alam ko lasing ka lang kagabi , kaya nagawa natin yung ganoong bagay." Napakunot noo naman ito. Tila Hindi nya yata gusto yung sinabi ko.

" baby ano ka ba, gusto ko yung nangyari sa atin kagabi." Bumuntong hininga ito bago muli nag salita.

" isa pa hindi ako lasing kagabi kaya alam ko yung ginawa ko." Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa baba.

" pero Jeff mali yung ginawa natin, ikakasal na kayo ni Kristine. " pagtutol ko.

" Hindi ko kakalimutan yung nangyari sa atin ,kasi dahil doon napatunayan ko na mahal mo pa rin ako at don't worry about sa kasal matutuloy pa rin yon. Just trust me on this baby. I love you" bakas naman ang pagiging sincere ni Jeff sa mga sinabi nya. Pero hindi ko yata kayang ipagsawalang bahala ang lahat lahat.
Nang kumain kami ni Jeff ay halos di ko nagalaw ang pagkain ko. Napapaisip pa rin kasi ako sa mga bagay na pwedeng mangyari.

At ang isa doon ay ang posibilidad na masaktan ako. Na sa kahulihulihan ay ako ang talo at luhaan. Matapos mag agahan ay agad akong sinabihan ni Jeff na magbihis dahil aalis daw kami. Agad naman akong nagbihis para samahan si Jeff hindi ko alam kung ano ang plano nya ngayong araw. Habang nasa byahe ay tahimik kaming dalawa. Napansin ko naman na panay ang sulyap nito sa akin.

" Bakit na naman nakasimangot ang baby ko? Masama ba pakiramdam mo? Kanina hindi ka rin nakakain ng maayos." May pagalalang sabi nito.

" Jeff, hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko." Hinawakan ako nya isang kamay ko.

" magiging okay ang lahat baby, promise ko sayo yan." Napanatag naman ako sa sinabi nya.

Nakarating kami sa pupuntahan. Dinala ako ni Jeff sa isang fine dining restaurant kung saan sinabi nya sa akin na kakatagpuin daw namin ang wedding coordinator na nirekomenda ng mommy nya. Kinabahan naman ako kasi sa tuwing makikipagkita kami nitong si Jeff sa wedding coordinator ay lagi itong nauuwi sa pag aaway. Sana this time maging okay na ang lahat , isa pa gahol na rin sila sa oras. Isang linggo na lang at ikakasal na sila ni Kristine.

Nang makapasok kami ng restaurant ay agad kami naupo sa sa table na pinareserved ni Jeff. Pasado alas onse pa lang ay umorder na si Jeff ng pagkain, kumakalam na kasi ang sikmura ko dahil sa di ako maayos na nakakain kaninang almusal. Tuwang tuwa naman ako dahil todo asikaso sa akin si mokong nandyan na ipagsasandok nya ako ng kanin at ulam. Pinagbabalat nya rin ako ng hipon at pati pagtatanggal ng tinik sa isdang kakainin ko. Habang abala kami sa pagkain ay dumating na ang wedding coordinator na nirekomenda ni Tita Selina. Isa itong babae na sa palagay ko ay nasa edad 50 na ito. Pero mapapansin pa rin ang pagiging sopistikada nito, in short may class kung manamit at kumilos.

" Please say you still Love me "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon