Chapter 16

159 9 0
                                    

Buong akala ko talaga ay si Ella at Jeff ang nagkatuluyan dahil ang alam ko ay naging sila ni Ella. Kaya pala ng tingnan ko ang batang si Samantha ay wala man lang itong nakuha sa physical features ni Jeff. Nang malaman ko yun ewan ko ba parang lihim akong natuwa , dahil ba hanggang ngayon wala pa ring asawa si Jeff? Basta Ewan ko? Masaya naman ako para kay Sebastian dahil nagkaroon na ito ng sariling pamilya, nakita ko naman ang pagbabago ni Ella. From being a bitch to loving mother of her child. Hindi na ito. Kagaya ng dati na maldita. Sinabi naman sakin ni Baste na noong pumunta ako ng Manila para doon magcollege ay naging malapit na magkaibigan sila ni Ella. Hanggang sa mahulog ang loob nito Kay Ella at ng ligawan nya ito ay agad din naman daw syang sinagot ng dalaga. Ang dami talagang nagbago makalipas ang walong taon. Akala ko nga ng umalis ako dati ay Hindi na muli akong babalik dito sa Batangas. Pero heto ako ngayon binalikan ang masasaya at malungkot na alaala ko dito, ang pinagtataka ko lang ano kaya ang nangyari kay Jeff at Ella bakit hindi sila nagkatuluyan?Hay Bahala na nga sila,hindi ko na problema yun, isa pa ano bang pakialam ko di ba?

" mukhang lalim ng iniisip mo?" Si baste , nandito kasi ako ngayon sa may veranda namin nagmumuni muni. Emo lang ang peg.

" wala naman namiss ko lang ang Batangas, si Mama at Papa. Yung bahay namin at syempre kayong mga kaibigan ko." Nakangiti kong sagot dito.

" alam mo bang alam ko na yung dahilan ng biglaang pag alis mo noon." Ako naman natahimik sa nasabi ni Sebastian. Alam na pala nya na naging kami ni Jeff.

" siguro kung ako yung pinili mo dati masaya tayo ngayon, siguro tayo ang magkasama tapos may anak na rin siguro tayo, may pamilya." Napaisip din naman ako sa sinabing iyon ni Baste. Siguro kung pinili ko sya ay Hindi ako nasaktan noon, siguro hanggang ngayon masaya ako sa piling nya. Pero noon at hanggang ngayon kaibigan pa rin ang pagtingin ko sa kanya. Sabi nila kaya naman daw turuan ang pusong mahalin ang isang taong di mo mahal sa Simula pa lang. Bakit ngayon hindi ko pa rin magawang magmahal ng iba o ibaling man lang sa iba itong pagmamahal ko. Sabi ko nakamoved on na ko Pero ng makita ko si Jeff nagdalawang isip ako kung okay na ba talaga ako. Aminado ako nandito pa rin ang sakit. Parang gusto ko ngang ibalik sa kanya ang lahat ng sakit na pinaramdam nya sa akin.

" baliw ka talaga baste! Kung naging tayo wala kang makulit na anak ngayon, tingnan mo yang si Samantha ang cute."

" kaya nga sobra pasalamat ko ng bigyan kami ng anak ni Ella. Pero alam mo Kiro, ikaw pa rin ang laman nito." Sabay turo nito sa puso nya. Bakas naman sa mukha nito ang sinseridad sa mga sinabi nya.

" syempre naman dapat lang , kaibigan mo kaya ako, ikaw din naman nandito ka rin sa puso ko." Yun na lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Baka saan pa kasi pumunta yung usapan namin. Pamilyadong tao na si Sebastian kaya dapat kalimutan nya na kung ano man ang nararamdaman nya para sa akin.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay, baka kailangan ng tulong ni mama. Si Sebastian naman ay nakipaglaro sa anak nyang si Samantha. Nang makapasok ako ay naabutan ko sila Papa at Mama kasama sila Tito Robert at Tita Selina na nag uusap mukhang seryoso nga pinag uusapan nila. Umuwi na rin pala ang mga kasamahan ni Papa sa opisina. Agad naman akong nagbigay galang.

" oh Kiro anak maupo ka." Paanyaya ni Papa.

" Mukhang sersyoso po ang usapan natin." Bati ko.

" Ah pinaguusapan kasi namin itong nalalapit na kasal ni Jeff. " sagot ni Tito Robert. Nakita ko na naman si Tita Selina na bahagyang pag siko kay Tito Robert na tila nagulat rin sa nasabi nya. Ewan ko ba siguro talagang ayaw nila akong masaktan o kung ano man. Pero ikakasal na pala si Mokong? Kinabahan ako parang masamang balita para sa akin ang nalaman ko. Umaasa pa rin ba ko? Tama na Kiro, masasaktan ka lang.

Pinilit ko namang kinalma ang sarili ko. Kailangan hindi ko ipahalata na nasasaktan ako.

" Ganun po ba, buti naman at magkakapamilya na ho si Jeff. " sagot ko dito. Ewan ko ba tumahimik ang lahat sa sagot ko. May mali ba akong nasabu?

" Mom, Dad nandito na pala si Kristine." Biglang sulpot naman nitong si Jeff. Napatingin nman ako kay sa kasama nitong babae , marahil ito na ang babaeng papakasalan nya. Maganda sya , maputi, sexy bagay nga sila.

" Hi po good evening po sa inyong lahat." Bati ni Kristine sa amin.

" ay iha buti naman at nakahabol ka, halika't kumain ka na." Si Mama , magkakakilala pala sila, baka naman pinakilala ni Jeff. Pero bakit pa?

Agad naman itong inalalayan ni Jeff para kumuha ng makakain. Ang sweet nila. Hay nakakaewan lang, parang ayaw ko ng nakikita ko. Pero kailangan Kong tatagan ang loob ko. Ayaw ko na makita ako ni Jeff na mahina ako. Isa pa ikakasal na siya wala na siyang pakialam kung ano man ang nararamdaman ko.

Lumabas muna ako , baka kasi makagat ako ng langgam sa sobrang kasweetan ng dalawa. Yung dalawa kasi may nalalaman pang subuan, sa harap pa talaga namin. Hindi ba sila nahihiya. Oo na, selos ako pakshit na puso to , akala ko talaga nakamove on na ko. Isang gabi ko palang nakikita si Jeff parang ipinamukha na agad sakin na hindi pa ko tuluyang naka get over. Hindi pa ba sapat ang 8 years?

Nagpaalam naman para umuwi sila Sebastian, pati na rin sila Kate. Kaya ako eto mag isa dito sa garden. Ayaw ko ng magisip ng kung ano, gusto kong marelax. Kaya nga ako nag bakasyon for two weeks para marelax at hindi ma stress sa kahit ano pang dahilan. Napabuntong hininga na lang ako.

Mamaya pa ay lumabas si Kristine tila may hinahanap ito. Bahala ka nga dyan. Ang sama ko ba? Napansin ko naman na lumapit ito sa akin.

" hey your here lang pala, by the way I'm Kristine. " ako ba talaga hinahanap nya bakit naman? Agad naman akong nakipagkamay dito. Pinaupo ko na rin sya. Pero wala talaga akong balak kausapin ang isang to.

" Kiro right? Finally nakilala din kita. Jeff told me that you are his bestfriend." Bestfriend lang? ex kaya!
Bakit kasi ayaw pang umalis ng babaeng to. Hello! oo nga naman pinaupo mo kaya Kiro. Wrong moved.

" yeah you're right, bakit mo pala ako hinahanap?"

" wala naman , I just want to meet you personally. " mukhang mabait naman pala itong si Kristine. Pero wala talaga akong balak makipagkaibigan sa kanya.

" Ganun ba, I'm happy that you and Jeff are getting married. " masaya kong bati dito.

" ha anong, getting married? " nagtatakang tanong nito sa akin. Patay hindi pa ba nya alam? Hindi pa siguro nagpropose si Jeff sa kanya. Hahaha nasira ko pa yata ang proposal ni mokong.

Pinilit ko namang ibahin yung usapan , mamaya ako pa masisi ni Jeff. Baka balak nyang isurprise itong si Kristine.

" ah Mali, sasabihin ko sana... Yung mga friends ko happily married na pala." Wooh hirap magsinungaling.

" ah, oo I know them as well. Jeff and I are invited sa kasal ng mga friends nyo. Sayang nga wala ka hindi ka daw kasi nila makontak."

" medyo busy kasi sa work." Tipid kong sagot.

" nandito pala kayo." Biglaan naman ang pagsulpot nitong si mokong. Para talaga tong kabute bigla bigla na lang sumusulpot.

" so magkakilala na kayo?" Dagdag na tanong pa nito.

Tumango na lang ako, naawkwardan pa rin kasi akong makausap si Jeff. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Dinahilan ko na lang na tutulungan ko pa si Mama sa pagliligpit. Pero bago pa ako pumasok sa loob ay nagpaalam pa si Jeff, ihahatid nya daw muna itong si Kristine dahil gabi na raw. Nagpaalam pa talaga sa akin? Paki ko ba sa kanila. Sila Tito Robert at Tita Selina ay nandito pa rin sa bahay. Nag aya pa kasi si papang uminom silang dalawa ni Tito. Naabutan ko naman si Mama habang abala ito sa paghuhugas ng mga ginamit sa handaan. Tinanong pa ako ni mama kung okay lang ako. Sinagot ko naman ito na okay lang ang lahat. Tumanggi na rin itong tulungan ko sya at sinabihang magpahinga na lamang daw ako. Nagpaalam na ako kila Tito Robert at Tita Selina para makapagpahinga. Naligo na ako medyo nanglalagkit na rin kasi ang katawan ko. Nagsuot ako ng sando at boxer shorts para presko. What a life!

Habang nagpapatuyo ng buhok di ko maiwasang hindi magisip. Ang daming nangyari ngayong gabi. Isa pa sa iniisip ko ay ang nalalapit na kasal ni Jeff. Parang gusto kong umiyak, pero kailangan kalimutan ang lahat. Ayaw kong ma stress. Pinikit ko na ang mata ko hanggang sa dalawin na ako ng antok.

" Please say you still Love me "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon