Chapter 23

141 9 0
                                    

Natuloy ang plano kong pag iwas kay Jeff, lagi akong pumupunta kila Kate para doon magpalipas ng araw. Minsan ay doon pa nga ako natutulog para kung sakaling makitulog si Jeff sa bahay ay hindi na kami magkita. Alam kong masasaktan kaming dalawa pero ito ang tama. Nag send na rin ako sa mga company sa Manila ng resume ko. Nag start na kasi akong mag apply , ayaw ko kasing matengga lang sa bahay.

Dalawang araw na lang at ikakasal na si mokong, halos pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Nalaman ko rin na kinuha nyang bestman sa kasal nila ni Kristine si Sebastian. Marahil galit ito sa ginawa kong pag iwas dahil expected ko na ako ang magiging bestman nya sa kasal. Hindi ko nga alam kung pupunta pa ba ako sa kasal nila parang di ko kasi kaya. Minabuti ko ng ituon na lang ang atensyon ko sa paglilibot sa bayan namin. Si Calvin naman ay madalas akong samahan sa mga trip ko. Nandyang pumunta kami ng beaches dito sa Batangas at bumalik din ako sa Calatagan kung saan kami nag umpisa ni Jeff. Halos di ko mapigilan ang umiyak. Mahal na mahal ko sya, sya yung taong masasabi kong " The one the got away".

Nang makabalik ako sa bahay isang araw bago ang kasal ni Jeff. Isang di inaasahang bisita ang dumating sa bahay. Bumisita si Kristine noong una ay hindi ko alam kung paano ito kakausapin. Na guilty kasi ako sa ginawa namin ni Jeff. Kasalukuyan kaming nag uusap ngayon sa garden.

" Kiro kamusta na?"

"Okay naman ako, kayo ni Jeff kamusta. Mukhang abala na kayo sa nalalapit nyong kasal." Madalas ko kasing makita si Kristine na bumibisita kay Jeff, I assumed na nagpropose na sa kanya si mokong.

"Ah eh oo nga, medyo okay naman na lahat." Pilit na ngiti naman isinukli ko dito, masakit kasi para sa akin na marinig ang nalalapit na pagpapakasal ng taong pinakamamahal ko.

" Kristine , I just wanna say sorry sa lahat ng nangyari sa amin ni Jeff. " naluluha ko panimula , hindi ko na kasi kayang pigilan pa yung nararamdaman ko. Nakokonsensya din ako sa ginawa ko sa kanya.

" I understand Kiro, alam kong mas una ka nyang nakilala kaysa sa akin. Naikwento na rin naman sa akin ni Jeff ang nangyari sa inyo. Pero hindi ako galit naiintindihan ko kayo." Di naman ako makapaniwala na nagawa akong patawarin ni Kristine marahil nasabi na ni Jeff ang namagitan sa amin, masasabi kong napakabait na tao ni Kristine dahil kung sa iba nangyari ito ay talagang may kalalagyan ako. Di ko alam kung paano nya kami naunawaan, I can say na she deserves Jeff, alam kong magiging masaya si mokong sa piling nya. Bubuo sila ng sarili nilang pamilya.

" salamat , salamat Kristine. Napakabait mong tao sana maging masaya kayo ni Jeff." Niyakap ako nito , alam kong she's trying to comfort me. Pero masakit talaga hindi ko kayang mawala si Jeff sa akin.

Matapos akong mahimasmasan ay inabot sa akin ni Kristine ang isang sobre.

" Kiro sana wag kang mawawala sa kasal, alam kong magiging masaya si Jeff na makita ka sa kasal." Tumayo ito at nagpaalam. Ako hawak hawak ko pa rin ang wedding invitation para sa kasal nila. Hindi ko alam kung makakaya ko bang umattend pa ng kasal. Ang makita sa altar ang lalaking pinakamamahal mo habang kinakasal sa iba ang pinakamasakit sa lahat. Pero siguro kailangan kong gawin ito para magkaroon kami ng closure.

Nang pumasok ako sa bahay nakita ko kay mama ang pag aalala nito. Nag thumbs up ako para sabihing okay lang ako.

Pumunta ako sa kwarto at doon ko binuhos ang lahat ng luha ko. Masakit di ko yata kaya ang lahat, kahit anong gawin ko Hindi mawala ang sakit sa puso ko. Isa lang ang sinisigaw nito ito ay ang muling makasama ko si Jeff. Mahal ko si mokong , mahal na mahal. Sana makayanan ko ang lahat. Nang hapon ding iyon ay dumating na ang suit na susuotin ko sa kasal. Bukas na ang kasal ni Jeff, pagbukas ko ng kahon nakita ko ang puting suit na pinagawa namin. Napakaganda nito. Halatang pinagkakagastusan talaga ni Jeff ang kasal nila ni Kristine. Masasabi kong mahal na mahal din ni Jeff si Kristine dahil wala sa kanya ang perang gagastusin mabigyan lang ng di makakalimutang kasal si Kristine. Sinukat ko agad ang suit, perfect fit tama lang pagka fit nito sa katawan ko. Kung titingnan parang akong groom sa kasal nila. Habang nakatingin ako sa salamin napasin ko naman si mamang nakatingin sa akin. Kagaya ng dati lumapit ito at inayos muli ang bowtie ko.

" hay naku ang laki laki mo na di ka pa rin marunong mag ayos." Naluluhang sabi nito.

" salamat ma." Pasasalamat ko dito.

" anak di mo kailangang magpasalamat, ginagawa ko ito kasi anak kita at mahal na mahal kita."

" kaya nga ma, sobrang pasasalamat ko dahil lagi kayong nandyan para sa akin, kayo ni papa hindi nyo ko pinapabayaan." Di ko na rin na pigilan ang pagtulo ng luha ko. Alam kong Alam ni mama ang pinagdadaanan ko.

" okay ka na ba anak?" Tanong pa nito. Pilit na ngiti ang sinagot ko dito, pero kahit anong pigil ko ay kusang lumabas ang nararamdaman ko. Sa pagkakataong ito ay para akong batang umiiyak kay mama. Parang gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko.hinihimas nito ang likod ko habang wala akong tigil sa pag iyak. Nang mahimasmasan ako ay kinalma ko ang sarili ko.

" magiging ayos din ang lahat anak, alam ko magiging masaya ka din." Sana nga maging ayos ang lahat, sana magkatotoo ang sinabi ni mama. Kasi Kung ako ang tatanungin parang di ko alam kung paano maging masaya ng wala si Jeff sa tabi ko.

Nang gabing iyon ay hindi ko na nagawang kumain wala kasi akong gana, ang gusto ko lang ay matulog para kahit papaano makalimutan ko ang sa sakit na nadarama ko.

Inaalala ko kung kamusta na kaya si Jeff, kung masaya ba sya ngayon. Sana bukas makayanan ko ang lahat. Nagdasal ako na bigyan ako ng dapat na lakas para kayanin ang lahat.

" Please say you still Love me "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon