Isang linggo na pala matapos ang sagutan namin ng bestfriend ko. Well ito ang kaunahan unahan naming pag aaway. Isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni mokong. Mas mabuti na rin siguro yun , isa pa ito naman ang plano ko ang iwasan sya.
Nagfocus na lang ako sa pag aaral at sa bago kong kaibigan. Tama si Sebastian. Lagi na nga kaming mag kasama halos sabay kami pumasok at umuwi. Ewan ko ba lagi na lang syang nandyan sa tabi ko. Si Jeff naman ayun at busy sa pinopormahan nyang babaeng hitad. Nagseselos pa rin ako pero mas minabuti ko pa ring itago yung nararamdaman ko para sa bestfriend ko, wala naman patutunguuhan itong nararamdaman ko para sa kanya.
Araw ng byernes at kakauwi ko lang ng bahay. Halfday lang ang pasok namin , may meeting daw kasi ang buong faculty kaya minabuti nilang pauwiin ang mga estudyante.
Ng araw ring iyon ay nag paalam ulit ang parents ko , ngayong gabi nila napag desisyunang bisitahin ulit ang mga kamag anakan namin sa Bulacan.
Medyo takot ako mag isa sa bahay at alam na alam ni mama ito. Agad naman itong nakiusap kay Sebastian para may makasama ako sa bahay. Close na kasi si Baste sa mga magulang ko para na raw din nilang anak si Sebastian at palagay ang loob nila kapag kasama ko ito. Minsan nga nakakatampo na , parang mas anak nga nila si Sebastian kaysa sakin. Hahaha well okay lang naman mabait naman talaga si Sebastian. Minsan nga naisipan ko ano kaya kung kay Sebastian ko na lang ituon tong nararamdaman ko, pero wala eh. Si mokong talaga yung number 1 sa puso ko.Nang maitext ni mama si Sebastian ay agad naman itong pumayag. Hapon na ng umalis sila mama, hinintay pa kasi nila ang mahal nilang si Baste. Hay naku parents ko ba talaga tong mga to.
" ano gusto mo kainin?" Tanong ni Sebastian.
" padeliver na lang tayo, di kasi ako marunong magluto eh." Paliwanag ko dito.
" ha deliver? Wag na ipagluluto na lang kita!" Nakangiting sagot nito.
" marunong ka magluto?" Wow ngayon ko lang nalamang marunong palang magluto ang lalaking to. Ang perfect talaga. Matalino, pogi tapos magaling pa magluto. Pak ganern.
Di na ito sumagot, nagsaing muna ito, pagkatapos ay pumunta sa ref at tiningnan kung anong pwedeng lutuin. Sabi nya magluluto daw sya ng caldareta. Wow bilib na talaga ako.
Base sa galaw ni Baste halatado mong sanay na sanay sa kusina. Ako naman halos matunaw na siguro ito sa tingin ko. Hay naku walang wala talaga si mokong dito kay Baste." malapit ng maluto." Ngumiting sabi nito.
" sige prepare ko na yung plato natin." Agad akong sumandok ng kanin at inihanda na rin ang plato't mga kubyertos.
Pagkalapag na pagkalapag ng luto ni Sebastian. ang niluto nyang Caldareta , Amoy na amoy yung bango nito. Hay tiyak masarap to, nakakapaglaway.
" mukhang masarap ah?" Puri ko sa luto nya.
" Tara na kain na tayo." Masaya nitong alok.
Sisimulan ko sana ang pagkain dito sa luto ni Sebastian ng biglang tumunog yung doorbell.
Sunod sunod na pagpindot ang ginagawa ng taong yun.
" sino kaya to , istorbo naman di pa makapaghintay. Nagugutom na ko eh." Agad ko namang pinagbuksan ng pinto yung kanina pang makulit na nagdodoorbell.
" ano ba yan." Nagulat na lang ako na si mokong pala.
" bakit ang tagal mong buksan ha?" Maangas na sabi nito.
" bakit ka ba nandito?" Tumaas na din Boses ko grabe kasi salubungin ka ba naman ng kagaspangan ng ugali ng mokong na to.
" sinabi ni Tita na bantayan daw kita kaya nandito ako." Paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
" Please say you still Love me "
Teen FictionThis will be my second book. Its about friendship, love, hatred and love again.