Nang gabi ring iyon napagdesisyunan naming uminom ng alak. May dala palang tequila ang magpinsan.
Agad kami naglatag ng tela sa buhanginan malapit sa dagat. Magkatabi kami ni Sebastian. Sya ang nasa kanan ko sa kaliwa ko naman si Kate. Katabi naman ni Sebastian si Philip. At syempre magkatabi ang bestfriend ko at yung babaeng hitad.
Masaya ang naging kwentuhan namin. Hanggang sa magpropose ng game si Ella. Spin the bottle daw. Truth or Consequence.
Pumayag naman ang lahat. Nag start ng game si Ella sya ang nag spin ng bottle. Tumapat ito kay Kate at truth ang pinili nito.
Si Jeff ang nag tanong.
" Kate, naka moved on ka na ba?" Si Jeff. Tumingin ako kay Kate at nginitian ako nito.
" syempre naman ,matagal na yun no." Sagot ni Kate.
" so pano ba yan , friends na tayo." Si Jeff at inabot ang kamay, tanda ng pakikipagkamay. Agad namang nakipagkamay si Kate dito.
" syempre friends na tayo." Sagot naman ni Kate.
Masaya na ko kahit papano naging magkaibigan na ulit sila. At masasabi kong wala na silang ilangan.
This time si Kate na ang nag paikot ng bottle. Tumapat naman ito kay Sebastian. Truth din ang pinili nito.
Si philip na ang nagpresintang magtanong sa pinsan nya.
" insan may gusto ka ba kay Kiro. " walang paligoy ligoy na tanong ni Philip. ako naman kahit alam ko na ang isasagot ay kinakabahan pa rin.
" di ko gusto si Kiro." Si Baste. Nagulat naman ako sa sagot nito. Pero hindi pala ito tapos.
" di ko gusto si Kiro dahil mahal ko siya. Sobra." Halos kiligin naman si Kate at maging ako. Tumitili pa nga si Kate.
" wala akong paki alam kahit sabihin nyong bakla ako, ang mahalaga maipakita ko kay kiro na mahal na mahal ko sya." Dagdag pa nito.
Halos natahimik kaming lahat.
"Spin ko na ba?" Tanong ni Baste.
Tumango naman kami. Agad naman itong nag spin ng bottle. Tumapat ito sa babaeng hitad. Pero this time consequence ang pinili nya. Si Philip naman ang nagbigay ng consequence. Nabigla ako dahil ang consequence ay halikan si Jeff ng 10 seconds. Di ko yata kayang makita ang susunod na eksena. Pero dahil game na game si Ella ay agad nitong hinalikan si Jeff. Nang una ay nakita ko na hindi tumutugon si Jeff sa halikan nila ni Ella. Nakatingin ito sa akin, pero Maya Maya pa ay parang nag enjoy na rin ito sa ginagawa ng babaeng hitad. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginig yung buong kalamnan ko.
Natapos na ang consequence ni Ella, pero parang wala pa rin ako sa wisyo. Nanginginig kasi ako. Parang gusto kong umiyak.
Nag spin ng bottle si Ella. Sa kamalasang pagkakataon sa akin ito Tumapat. Well dahil sa ayaw ko ng consequence ay nag truth din ako.
Nakita ko naman ang pag ngiti sa mukha ni Ella.
" ako ng magtatanong." Si Ella na nakataas pa ang isang kilay.
"Bakla ka ba Kiro? May gusto ka ba kay baby Jeff ko?" Si Ella na nakatingin sa akin.
Ako naman halos kabahan , gumaganti siguro yung babaeng to.
" grabe naman yung tanong mo Ella.! Parang nakakaoffend naman yata yan." Pagrereklamo ni Kate.
"Well this is just a game, so what Kiro? Answer my questions." Dagdag pa nitong babaeng hitad.
BINABASA MO ANG
" Please say you still Love me "
Genç KurguThis will be my second book. Its about friendship, love, hatred and love again.