Mabilis ang panahong lumipas. Naging maayos ang lahat sa amin ni Jeff, maging sa mga magulang namin. Hindi na kami naiilang ipakita sa kanila ang aming relasyon. Sa sobrang bilis ng panahon hindi ko namalayang magtatapos na pala kami ng highschool ng mahal ko. Masaya ako dahil kahit na iiwan ko na ang St. Johnson ay masasabi kong masaya ang alaala ko sa aking paaralan.
Isang hapon pagkagaling ko ng school ay isang sulat ang dumating. Si mama ang nag abot nito sa akin. Nagmamadali akong buksan ito dahil matagal ko ng hinihintay ang sulat na ito mula sa unibersidad na gusto kong pasukan pagtungtong ko ng kolehiyo. Bago mag sembreak noon ay kumuha na ako ng entrance exam sa nasabing unibersidad. Hindi naman ako nabigo dahil ang sulat na iyon ay galing sa kilalang unbersidad sa Manila. Nakapasa ako bilang iskolar sa Ateneo. Labis labis ang tuwa ko at maging si mama ay walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman.
" matagal mo ng pangarap yan anak , masaya ako at matutupad mo na ang mga pangarap mo."
" oo nga ma, sobrang saya ko. Pero paano kayo ni Papa?"
" naku wag mo kaming intindihin ng papa mo. Kaya na namin dito, isa pa ang inaalala ko ay magisa ka lang doon sa Manila. "
Oo nga ako lang magisa sa Manila. Ang balak ko kasi ay mag dorm na lamang, malayo rin kasi itong probinsya namin kung maguuwian ako. Isa pa magastos sa pamasahe at sa oras ng pagbabyahe. Habang nag iisip ay naalala ko si Jeff. Hindi ko kasi alam ang plano niya pagkatapos naming grumaduate. Wala rin naman syang nasasabi tungkol sa unibersidad na papasukan nya. Labis pang pinag aalala ko ay kung kaya ko bang malayo sa pinakamamahal kong si Jeff.
" Bahala na bukas sasabihin ko lahat ng plano ko." Buo na ang loob ko , matagal ko ng pangarap ito.
Kinaumagahan maaga along gumising sinilid ko rin sa aking bag ang sulat mula sa Ateneo. Sabay kaming pumasok ng school ni Jeff. Simula ng maging kami ay ito na ang routine namin. Sabay papasok at uuwi ng bahay. Sasabihin ko sana sa kanya ang balak kong pagkokolehiyo sa Manila habang kami ay papasok ng paaralan. Pero natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Lumipas ang buong maghapon ay wala ako sa sarili. Paglabas ng classroom ay nakita ko syang naghihintay sa akin. Agad nyang kinuha ang mga dala kong libro. Tahimik kaming dalawa habang papalabas ng school. Huminga ako ng malalim, bahala na eto na siguro yung pagkakataon kong sabihin sa kanya ang lahat.
" Jeff Saan mo balak mag college? "
" Babe syempre dito para magkasama tayo, para lagi kitang mababantayan." Nakangiting sagot nito.
" Jeff kasi."
" bakit Saan mo balak mag college?"
Inabot ko sa kanya ang sulat na galing sa Ateneo. Labis sa mukha nya ang pagtataka. Agad nya itong binasa.
" so sa Manila ka pala mag aaral." Bakas ang lungkot sa tono ng boses nito.
" Jeff kung gusto mo dun ka na din mag aral."
" Kiro , hindi pwede. Napag usapan na namin nila daddy at mommy yung tungkol sa University na papasukan ko."
" pero Jeff gusto ko kasing mag aral sa Manila. Matagal ko na kasing pangarap mag aral sa Ateneo." Kinakabahan may pilit kong ipinaliwanag sa kanya ang side ko. Bakas kasi sa mukha nito ang pagkadisgusto sa desisyon kong mag aral sa Manila.
" babe naman, parehas lang naman yung university natin dito sa probinsya. Isa pa iiwan mo ba ako?"
" hindi naman sa ganun Jeff, 4 years lang naman yun, mabilis lang yun. Pag sembreak naman uuwi din ako dito sa atin."
" eh buo naman pala yung desisyon mo. tinanong mo pa ako?"
" Jeff sana maintindihan mo."
BINABASA MO ANG
" Please say you still Love me "
TeenfikceThis will be my second book. Its about friendship, love, hatred and love again.