Nicia: (nasa sala) uurrghh! ang kapal ng mukha niya! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya... Humanda ka Eirene, guguluhin ko buhay mo. Hindi ako papayag na ganun na lang 'yon!! You'll see.
Hala! Ano na naman tong iniisip ni Nicia. Patay ka Eirene. Ilang araw din umabsent si Nicia sa mga taping, shooting niya. Ilang araw na din silang hindi nag kikita ni Prince Stefan. Si Eirene naman naghahanap muli ng bagong trabaho.
Nicia: (nakaupo sa lanai nila at nagbabasa ng magazine) TAMA!!! Alam ko na ang gagawin ko... HAHAHA! Humanda ka na Eirene.
Yaya1: Mam! nandyan po si sir Stefan.. (binaba sa table ang kape ni Nicia)
Nicia: ah? talaga?... Tiganan mo nga naman.. sige papuntahin mo siya dito. Pag dalan mo din ng juice dito. okay?
Yaya1: Yes mam! (umalis at pinapasok si Stefan)
Prince Stefan: (pumasok sa Lanai at may dalang flowers) Hon. i'm so sorry. (umupo at inaabot kay Nicia ang dalang bulaklak)
Nicia: (kinuha ang flowers) well, wag mong isipin na pinapatawad na kita agad ok?.
Prince Stefan: I know. I've been through this.
Nicia: (smile) pero i will not fire Eirene.
Prince Stefan: huh? after ng lahat? (nagtataka)
Nicia: Oo. you taught me to be nice to her. so, hindi ko basta igigive up ang pagiging nice girl ko. lalo na ikaw pa ang nagturo sa akin nun... (nakangiti kay Stefan)
Prince Stefan: Natutuwa ako sa inaasal niya, kahit nakakapanibago. Masaya ako para sa kanya. Pero paano na friendship namin ni Eirene? kailangan ko pa rin umiwas bago pa mag isip ng kung ano 'tong gf ko. Sige Hon! pasok na ko ah? ikaw? wala kang shooting?
Nicia: Bukas ako babalik. Nag leave ako eh. (tumayo sila ni Stefan)
Nang umalis si Stefan, agad agad niyang tinawag ang driver niya. Pumunta sila sa bahay nila Eirene, laking gulat niya at nandun si Nicia. Akala niya aawayin siya, sasampalin or kung ano.
Eirene: Nicia... (kinakabahan) a-a-anong ginagawa mo dito?
Nicia: (ngumiti kay Eirene).. simula nung nangyari ung gulong 'yon, sobra akong nagalit sa iyo. Pero nung nawala ka sa bahay.............hindi ko na alam gagawin ko. Ikaw lang ung kaibigan ko na nandun. Nung wala si Stefan, alam ko you've been trying so hard to be my friend. I can't believe I'm saying this to her! DAMN! Ok.. Nicia.. this is for you.... Eirene.............. I'm S-s-s-sorry! I overreacted to what happened.
Eirene: SIYA?!? ISANG SUPER MODEL?? Nagsosorry sa akin?? TEKA? hindi nga marunong magsorry si Nicia. hihi. Pero masaya ako dahil tinuring niya pala akong kaibigan nun. ang saya naman ng pakiramdam. Kasalanan ko Nicia, ako dapat ang mag sorry, hindi ko man lang napigilan sarili ko. Ang tanga ko, masyado akong naging selfish.
Nicia: Sige lang Eirene. makikita mo din.... Actually dumaan din ako dito para tanungin ka kung pwede ka pa maging P.A. ko? if that's okay with you.
Eirene: (masayang masaya sa narinig) AH! OO naman! Ano ka ba. Masayang masaya akong kasama ka, lalo na pag nakikita kang nag aayos sa sarili mo.
Nicia: Sabi ko na nga ba.. INGGIT ka sa akin.. well, you better get ready for this Eirene. Magsisisi ka sa pinasukan mong gulo. Ihanda mo na mga gamit mo. Tara na. (nakangiting sinasabi kay Eirene) i'll wait for you sa car nalang. okay?
Pumasok na sa kotse si Nicia, hindi rin nagtagal, dumating na rin si Eirene. Bumalik na sila sa bahay. Nagpahain si Nicia ng masasarap na pagkaen para kay Eirene. Sabay silang dalawa kumain.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My BFF
RandomSi Nicia at Eirene, sila ay matalik na magkaibigan ngayon, pero bago pa ang lahat, bago pa sila naging mag best friend, sila ay dumaan sa maraming pagsubok. Pero ano ang mga pagsubok na ito? Paano nila nalampasan ang mga ito? Subaysayan niyo po ang...