Isang linggo na lang at kailangan ko nang ibalik sa dati ang buhay ko. I just have a month leave at kailangan makabalik na ako next week kundi tanggalin na ako sa trabaho. Sa dami ng competent nurse graduates na nangangailangan ng trabaho ngayon di malabong isang araw pa lang akong di pumasok buhat sa leave ko ay may kapalit na agad ako.
I've been here for almost a week na din simula ng ibalik ulit ako dito ni Jeremy. At sa isang linggo na yun, I had fun with him and Manang. Never nga lang naungkat ang dahilan ng pagtatago niya ngayon. Mabibilang lang yung mga sandali na wala sa akin yung mga mata niya and I can't help but be conscious with the way he stares deep into my soul. Naiilang man ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkayanig ng sistema ko. I felt special. Very special.
There were times nga lang na wala siya sa gabi dahil according to Manang ay may nilakad daw at kung anuman yun ay hindi na daw niya alam. I tried my luck in interrogating her pero laging tipid na sagot lang ang nakukuha ko
"Umalis na naman ho ba si Jeremy?" Ngumiti sa akin si Manang dahil sa tanong ko. Nagtataka lang naman kasi ako dahil kadalasan gabi lang siya nawawala eh bakit ngayon alas syete pa lang ng umaga ay wala na siya dito sa resthouse niya.
"Hindi. Lumabas bitbit yung gitara." Simpleng sagot ni Manang saka nagpatuloy sa pagpupunas ng pinggan. Hindi ko na ulit siya tinanong at kusa na akong lumabas para hanapin siya.
Ilan minuto lang ay naaninag ko ang likod niya habang nakasandal sa puno ng niyog at may hawak siyang gitara.
He knows how to play a guitar?
He seem peaceful while strumming the guitar. Hindi ko tiyak kung anong emosyon ang bumabalot ngayon sa mukha niya sapagkat nakatalikod siya sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kinaroroonan niya. Una ko nga lang napansin ang puno ng niyog na may nakaukit na di kalakihang puso at sa loob nito ay may nakaukit na dalawang letra ng J.
Alam kong Jeremy ang nais ipakahulugan ng isang letra ng J pero ayaw kong mag-assume na Jane ang nais ipakahulugan ng kaparehang letra. Hindi lang naman ako ang J ang start ang pangalan sa mundo. Pero nakaramdam ako ng kakaiba sa isiping hindi Jane ang ibig sabihin nung isa. Masyado yatang napako ang tingin ko sa nakaukit kaya di ko namalayang nilingin na pala ako ni Jeremy. Awkward na lamang akong ngumiti at kumaway sa kanya. Napasikdo naman ang puso ko ng tawanan niya ang reaksyon ko.
Pinagpag niya ang tabi niya as if gesturing me to sit beside him. Hindi na ako nag-inarte at tumabi ako sa kanya.
"Marunong ka palang maggitara?" Pambabasag ko sa katahimikang namuo. Naramdaman ko ang tingin niya sa akin.
"Yeah. Kunti. Hindi lang baril ang ipinamana sa akin ni Dad pati ito." Aniya sabay lahad sa hawak na gitara. Di ki naman napigilang pakatitigan ang mga daliri niyang mahahaba at talaga namang bumagay sa paraan niya ng paghawak sa instrumento.
"Pwede ka bang tumugtog para sa akin?" Napakagat labi ako saka nag-iwas ng tingin dahil sa kakapalan ng mukha ko. Ano ba Jane, ano ka special? Lalo yata akong namula ng marinig ko ang kanyang pagtawa. Sexy.
"Gladly. Noon pa lang gusto na kitang kantahan." Hindi na ako makatingin sa kanya dahil sa kung anu ano na namang lumalabas sa bunganga niya. Tumikhim na lamang ako at saktong tumingin ako sa kanya ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin and his right hand is reaching for my hair na nililipad na ng hangin. He tucked it to the back of my ear saka ako pinasandal sa balikat niya. Umayos siya ng upo saka ipinosisyon ng ayos ang gitara at sinimulan tumugtog.
Lying here with you
Listening to the rain
Smiling just to see
The smile upon your face
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
General FictionHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017