Dalawang araw na din mula ng tagpo naming iyon ni Jeremy. Mula noon ay nagkulong na siya sa kwarto niya at si Manang lang ang nakakapasok para dalhan siya ng pagkain. Hindi ko naman makita kong ano ba talaga ang ginagawa niya sa loob ng kwarto niya at di siya lumalabas.Madalas daw itong nakahiga lang sa kama at may mga bote na din ng alak na natatagpuan si Manang sa sahig.
"Hindi ko nga alam kung kailan niya balak lumabas sa lungga niya. Aba'y nakatitig lang naman siya sa litrato ni Janna." Natigilan ako ng marinig ko ang pangalang Janna.
"Janna?" Kunot noo kong tanong at napansin ko ang pagtango at malungkot na ngiti ni Manang.
"Oo. Siya ang masasabi kong pinakaespesyal na babae sa buhay ni Jeremy." Sa sinabi pa lamang na yun ni Manang ay tila nasaksak na ng punyal ang puso ko.
" Siya din ang dahilan kung bakit nandito ngayon at nagtatago si Jeremy. Narape si Janna nung kaibigan niyang si Ram Villegas dahilan para magpakamatay si Janna .... kaya ganun na lamang ang galit ni Jeremy kaya napatay niya si Ram." Napakalungkot ang himig na paliwanag ni Manang. Ngayon malinaw na sa akin ang totoong dahilan. He really killed Ram for the sake of this Janna.
"Naaalala ko nga sa inyo si Miss Janna eh. Halos magkahawig kasi ang ganda niyo." Yung sinabi ni Manang ang nagpatibay sa hinala ko na all this time may nakikita lang talaga si Jeremy sa akin kaya niya ako dinala dito.
Kaya may mga damit na sa closet ng kwartong yun dahil kay Janna ito. Kaya ganun na lamang ang tingin sa akin ni Manang kung minsan at sa amin ni Jeremy dahil naaalala niya ang dating mga eksena nina Janna at Jeremy. At yung nakita ko na nakaukit sa puno ng niyog, ngayon alam ko na ang nais ipakahulugan.
JANNA*JEREMY
Hanggang wish na lang si Jeremy dahil wala na si Janna sa mundong ibabaw. I felt my heart tightened in pain. Bakit kasi nag-assume ako na ako yun? Bakit lagi na lang kapag handa na akong isugal ang lahat para sa isang tao saka naman napapamukha sa akin na nag-assume lang ako masyado.
Akala ko talaga genuine si Jeremy sa lahat ng pinakita niya sa akin, yun pala naaalala lang niya sa akin si Janna. Kung sino man ang babaeng yun,
Substitute lang ako.Kung kailan handa na sana akong aminin sa sarili ko na hanggang ngayon siya pa rin pala. Na akala ko lang nawala na siya sa sistema ko pero hindi naman pala. Kung kailan handa na ako saka naman guguho lahat ng plano ko.
Siguro kailangan ko nang lisanin ang lugar na ito habang maaga pa dahil wala naman na talagang dahilan upang manatili pa ako rito sa isla. Bilang respeto siguro kailangan ko nang magpaalam ng personal sa kanya.
Kaya.,noong dadalhan sana ni Manang ng panglunch si Jeremy ay napresinta na akong ako ang maghahatid. Dahandahan kong binuksan ang pinto at agad kong naaninag si Jeremy na hawak ang isang picture frame ng babae. Janna.
Ipinatong ko sa bedside table niya yung pagkain dahilan para tumingin siya sa gawi ko. Agad naman niyang itinago ang litrato dahilan para mapangisi ako ng mapait.
"You don't need to hide it. Alam ko naman na." Natigilan siya sa sinabi ko ngunit nanatili siyang nakaupo sa sahig at nakasandal sa edge ng kama niya.
"Tang*na Jeremy!" Halata mong nagulat siya sa pagmumura ko pero wala na akomg pakialam kasi masakit eh.
"Naniwala ako sa'yo, hindi ko man pinahalata pero paniwalang paniwala ako na ako lang yung babaeng minahal mo at mahal mo. Pero heto't nung handa ko nang aminin sa sarili ko at sayo na mahal kita saka ko naman malalaman na may naaalala ka lang pala sa akin kaya ganyan ka kung umasta." Hindi ko naitago ang pait sa boses ko.
"Akala ko talaga ako eh pero si Janna pala yung nakikita mo sa akin. Umasa na naman ako pero paasa ka kasi eh. Siya pa pala ang dahilan kaya nakaya mong pumatay. Ano na lang ba ako? Extra lang ulit...." tumulo ang luha ko dahil sa nasasaktan ako para sa sarili ko. Nasasaktan ako kasi mahal ko na siya saka ko malalamang hindi pala talaga ako yung mahal niya.
Tatalikod na sana ako pero bigla siyang tumawa ng wala man lang bahid ng kasiyahan. Tumayo siya at ramdam kong nasa malapit lang siya sa likuran ko.
"Oo Jane. Nakapatay ako para kay Janna..... para sa kapatid kong binaboy." Aniya na nagpatigil sa akin.
"Kapatid?" Naguguluhan kong tanong saka humarap sa kanya. Muli'y malungkot siyang ngumiti't tumango.
"Oo. Janna's my stepsister. Sila nalang ni Manang ang natitira kong pamilya but then one day, I just found her dead on her room. She killed herself and she left a note saying that she was raped by my friend. Anger consumed me so I did what I thought was the best way to avenge Janna. Inilagay ko ang batas sa kamay ko and I killed him. And this is how my fate ended." Napakalungkot niyang paliwanag at naliwanagan man ako sa paliwanag niya ay di ko maiwasang mahiya sa kanya dahil sa mali na namang konklusyon ko. Lalapit sana ako pero umatras siya and he gestured me not to be near him.
"Ilang beses kong ipinakita sa'yo't ipinaramdam kung gaano kita kamahal Jane at hindi ko alam na hanggang ngayon ay di mo pa rin pala ako kayang paniwalaan. Hindi ko na alam kung paano pa papatunayan sa'yo..." malungkot at naiiling pang dagdag niya. I badly wanted to hug him and say sorry but he keeps on stepping back.
"Maybe it's a sign that i'm never really worthy of you. Sino nga ba naman ako para hilingin ang pagmamahal mo gayong ilang araw na lang at sa likod na ako ng rehas mananatili." He wiped his tears away and he smiled at me pero yung ngiti na napakalungkot at wala nang kapag-a-pag-asa.
"Better leave the island now Jane. Bago ka pa madamay dahil sa akin." Pagtataboy niya sa akin pero umiiling akong lumapit sa kanya pero piniksi lang niya ang kamay ko na nakahawak na sana sa braso niya. It hurts.
"Jeremy please..." tinungo lang niya ang pinto saka ito maluwang na binuksan.
"Leave Jane. Promise. I won't bother you ever again." Malungkot ngunit maawtoridad na aniya dahilan upang mapayuko ako at dahandahang tinungo ang pinto. Pagkalabas ko pa lamang sa pinto niya ay agad na niya itong isinara.
Sa paglabas ko sa resthouse niya ay sakto namang ibinababa ni Manang galing sa isang bangka ang sa hula ko'y mga lamang dagat na lulutuin niya.
Sakto lang na may bangka. Tila ba nagpapahiwatig na talaga ngang kailangan ko ng lisanin ang islang ito. Muli akong lumingon baka sakaling may Jeremy na nakasunod pero wala.
He wants me out of this island at wala naman akong karapatang umangal dahil in the first place, ako itong walang ibang naidulot sa kanya kundi pasakit.
Patawad Jeremy.
Paalam.
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
Narrativa generaleHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017