Ang tanga ko. Ang tanga tanga.
Hindi ko maiwasang mapatawa ng mapakla habang inaalala ko kung paano ko sila nakilalang dalawa. Bakit hindi agad ako naghinala?
"Oh Amy, anyari sa mukha mo? Para namang hindi ikakasal ang bestfriend mo bukas sa lagay ng mukha mo ah." Bigay pansin ko sa kaibigan ko. Paano ba naman kasi para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Tumabi ako sa kanya saka siya inakbayan pero nanibago ako ng inalis niya ito bigla saka nakabusangot na umalis sa sofa.
"Amy, may problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Hindi naman lingid sa akin na hindi niya kasundo si Ryan pero ayon nga din sa kanya kung saan ako masaya ay doon din siya at bilang kaibigan susuportahan niya ako sa anumang desisyong gagawin ko dahil matanda na raw ako para pakialaman pa sa pagdedesisyon.
Marahas naman siyang bumuntong hininga sa akin saka malungkot na ngumiti.
"Wag mo akong alalahanin. Nalulungkot lang ako kasi mag-aasawa ka na at ibig sabihin nun mas madami ka nang oras sa asawa mo kaysa sa akin." Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, nagdadrama lang si bestfriend.
"Tsk! Wag ka nang magdrama Amy. Kahit naman may asawa na ako, sisiguraduhin ko pa ring may oras ako para sa'yo. Ikaw lang naman ang natitira kong pamilya eh." Ngumiti naman siya saka kami nagyakapan.
One month after my graduation in college ng tuluyan ng kunin ng nasa itaas ang Tita ko na siyang nag-alaga sa akin mula ng mamatay ang mga magulang ko sa isang giyera dahil pareho silang sundalo.
Pero kahit papaano ay naibsan ang paghihirap ko nung mga panahong iyon nang makilala ko si Amy na naging instant bestfriend at kapatid ko na din. Magkaklase kami sa isang review center na pinag-enrolan ko para sa paghahanda sa licensure exam ng nursing.
Nakilala ko si Ryan dahil kay Amy, isa siyang Doctor sa St. Paul's Medical Center, ang pinagtatrabahuang ospital din namin ni Amy ngayon. Nurse din pala sa nasabing ospital ang tita ni Amy at madalas siyang dumalaw sa paborito niyang tita sa ospital kaya nakakasalamuha daw niya ang mahanging doctor na si Ryan.
Pareho kaming nakapasa sa licensure exam at eksaktong 2 months after ay natanggap kaming nurse sa St. Paul. Madalas kong maabutang nagbabangayan si Ryan at Amy pero ngumingiti na lang ako sa kanila.
Inassist ko minsan sa isang operation si Ryan at mula noon ay nagsimula na nga kaming lumabas kasama si Amy. Naging mga magkakaibigan kami ng halos mahigit tatlong taon kahit mainit lagi ang ulo ni Amy kay Ryan dahil presko daw ito at mahangin pero hindi nun napigilan si Ryan na ligawan ako eventually at heto nga ikakasal na kami bukas. Ikatlong anibersaryo ng relasyon namin bukas kaya yun ang napili naming petsa ng kasal.
Bilang tradisyon ay bawal daw magkita ang groom at bride the night before the wedding kaya heto at si Amy ang kasama ko ngayon para sabay kaming ayusan bukas na bukas. Nasa bahay naman nila si Ryan at kanina pa ako tinitext kong ano daw ba ang nararamdaman ko ngayong ikakasal na kami bukas pero itong si Amy kinuha ang cellphone ko para daw maiwasang magkatext kami para exciting daw ang magiging wedding night namin. Sira din eh.
"Kinakabahan ako na excited. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito dahil alam mo naman sa dami ng ganap na di maganda sa buhay ko, di ko akalaing sasaya pa din pala ako ng ganito." Di ko mapigilang mapangiti kasabay ng isang magaang pakiramdam na bumabalot ngayon sa aking dibdib.
"Paano kaya kong sundalo pala si Ryan? Pakakasalan mo pa ba? Di ba sabi mo ayaw mo mag-asawa ng sundalo dahil baka magaya siya sa mga magulang mo?" natigilan ako bigla sa tanong niya. Ngayon lang kasi niya natanong sa akin ang ganitong klase ng tanong na situational. Tila nag-aantay siya ng sagot mula sa akin.
"Bakit naman napasok sa usapan yan? Kilala ko naman na si Ryan at doctor siya hindi sundalo." Paninindigan ko pero siya di yata kuntento sa sagot ko.
"Sige, sabihin na nating hindi siya sundalo, criminal na lang. Pakakasalan mo pa ba siya?" napakunot noo na lamang ako dahil sa kaweirduhan ng mga tanong niya ngayon.
"Saan ba nanggagaling ang mga tanong mo na yan? Ang weird ah." Ngumiti naman siya na parang hindi bukal sa kalooban.
"Paano kong akala lang pala niya mahal ka niya pero ang totoo akala lang pala talaga?" Tanong niyang muli kaya natatawa na lamang akong umiling.
"Mahal mo nga talaga si Ryan." Tila nalulungkot pang aniya kaya di ko maiwasang magtaka sa ikinikilos niya. Magtatanong pa sana ako ng biglang magring ang cellphone niya. It's a text message at pagkabasa niya nito ay agad siyang tumayo saka nagsuot ng nagjacket.
"Bes, kailangan ko munang umalis ah. Kailangan talaga." Nagmamadaling aniya sabay ayos sa sarili sa harap ng vanity mirror ko.
"Eh teka, akala ko ba sasamahan mo ako ngayong gabi para sabay tayo maayusan bukas." May himig ng pagtatampong sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya saka ako hinarap.
"Pasensya na talaga, kailangan ko lang umalis." She insisted.
"Sino ba kasi yang nagtext?" hindi na niya ako sinagot dahil pagkadampot niya sa sa sling bag niya ay agad na siyang lumabas sa kwarto ko. Sinubukan ko pa siyang sundan pero nakita ko na lamang ang kotse niya na paalis na sa garahe.
"Jane, relax. Baka emergency lang sa bahay nila." Nasabi ko na lamang sa sarili ko.
Pilit na lamang akong nag-isip ng positive thoughts para di ako malusyang dahil bukas na bukas magiging officially married na ako.I'll be Mrs. Ryan Echavez.
Kaya pala ang weirdo weirdo ng ikinikilos niya. Kaya pala ganun na lamang siya kung magtanong ng gabing yun.
Humalagpos na namang muli ng walang patid ang aking mga luha.
Bakit? Siguro masama akong tao o criminal sa nakaraan kong buhay kaya ko dinadanas ang lahat nito.
Una, mamatayan ng magulang sa murang edad.
Pangalawa, ipinagpalit ng minamahal para sa pangarap.
Pangatlo, mamatayan ng tagapag-alaga at Tita sa mga panahong dapat handa na akong suklian lahat ng paghihirap niya para sa akin.
Pang-apat, hindi pala mahal ng taong akala mo makakasama mo na ng panghabangbuhay at higit sa lahat, matraydor ng tao na akala mo panghabangbuhay mong pwedeng asahan at sandalan.
Panghuli, matagpuan ang sarili kapiling ang isang tao sa nakaraan mo kaso sa isang hindi magandang pagkakataon dahil sa pagkakataong ito, isa siyang criminal na tinutugis ng awtoridad.
May imamalas pa ba ako?
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
Ficción GeneralHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017