First day of school sa college. Wala pa akong kilala at wala man lang akong kabatch na napunta sa nursing pero I had no choice but to go on.Para saan pa't makakakilala rin ako ng makakasama't kaibigan. I thought my day will just be nothing but ordinary but this man transformed it into something extra-ordinary.
"Jeremy?" gulat kong tanong paglabas ko sa classroom ng huling klase namin. Paano ba naman kasi, ang loko nakapamulsang nag-aantay sa akin sa labas mismo ng classroom at walang pakialam sa mga babaeng sumusulyap at pinabubulungan siya.
Kumindat pa sa akin ang loko saka inagaw na naman ang bag ko at nagpatiunang maglakad.
"Teka nga, Jeremy. Paano mo nalaman na dito ang last subject ko?" taka kong tanong habang humahabol sa mabilis niyang paglalakad, palibhasa ang haba ng bias. Kainis!
Ngumisi siya sa akin saka tumigil sa paglalakad at napaatras pa ako ng unti dahil sa paglapit niya ng mukha niya sa mukha ko este sa tainga ko pala.
"Hacking." Bulong niya dahilan para mamilog ang mata ko.
"Walang hiya ka! Alam mo bang bawal yun pwede kang makulong o maexpel." Pabulong na saway ko sa kanya pero dahil natural siyang mahangin ngumisi lang sa akin ang loko saka ginulo ang buhok ko.
"Walang maeexpel o makukulong kong walang magsusumbong." Bulong ulit niya sa akin kaya nahampas ko na lang ang braso niya.
"Kabwesit to! Ipapahamak mo pa ang sarili mo!" inis kong singhal sa kanya pero nginisihan lang niya ako. Tila nagustustuhan pa ang pag-aalala sa boses ko.
"Di mo ako kayang isumbong nuh?" mapang-asar pang aniya.
"Kasi nga, sira ang future nating dalawa kong maeexpel ako o makukulong." Dagdag pa nito dahilan upang mamula ako.
"CHE! Mangarap ka!" sigaw ko para mapagtakpan ang kahihiyan ko kaso lalo lang akong napahiya dahil sa tingin ng mga estudyante sa paligid.
"Sure Babe. Ikaw naman ang pinakapangarap ko ngayon eh." Malakas na aniya dahilan upang manakbo ako sa lakad dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi ko na lang siya pinansin ng sunod siya ng sunod sa akin kahit sorry ito ng sorry hanggang sa bahay.
He's always like that. Dahil nga alam niya ang schedule ko, alam niya rin kung saan ako matutunton. Siya din ang naging platoon leader namin sa NSTP-ROTC na compulsory sa university na napasukan ko maliban na lang kong may sakit kang malala o malaki. Paborito niya akong pagtripan pero agad naman siyang sasaklolo kong alam niyang nahihirapan ako.
Kahit minsan nakakainis ang pagiging bulgar niya alam ko naman sa sarili ko na hindi ko gugustuhing mawala siya sa buhay ko pero hindi ko inaasahang magtatapat siya sa akin noong gabing naggate crash siya sa acquaintance party namin sa college of nursing.
"Jane, hindi ka naman siguro manhid para hindi makahalata sa akin nuh?" naguguluhan akong tumingin sa kanya. Ngumiti siya saka hinawakan ang mga kamay ko dahilan upang makaramdam ako ng kuryente sa pagdidikit ng aming balat.
"Jane, I know I'm not the best man na nakilala mo sa buhay mo. Madaming mas gwapo dyan. Mas matalino. Mas mayaman. Mas matino. At mas maaasahan. Pero Jane, alam mo kung saan ako lumalamang sa kanila? Mahal na mahal kita." Nahigit ko ang aking hininga dahil sa sinabi niya. Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko dahilan upang dumaan ang sakit sa kanyang mata na hindi ko rin inaasahang makakasakit sa akin.
"Alam kong sasabihin mong bata pa tayo, pero Jane wala sa edad ang pagtibok ng puso para sa isang tao. Wala rin sa kahandaan dahil mas madalas pang umibig ang tao sa di inaasahang pagkakataon. Hindi kita pipiliting suklian ang nararamdaman ko, pero sana huwag mo akong itaboy sa buhay mo. Hayaan mo akong mahalin ka. Alam kong hindi ka handa pero sinabi ko pa rin ang totoo kong nararamdaman dahil hindi ko na kayang magtago o maglihim sa'yo. Jane.." muli niyang kinuha ang pareho kong kamay saka hinalikan ang likod nito.
"Mahal kita. Mahal na mahal." Puno ng sinceridad niyang wika at hindi ko alam kong anong sasabihin ko kaya yumuko na lang ako. Masyado akong nabigla sa mga pinagtapat niya at ngayon lang may lalaki na gumawa sa akin ng ganito. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero wala akong maapuhap na tamang salita na makakasagot sa kanya.
"Hin..di ko alam ang sasabihin ko Jeremy." Nauutal kong sabi. Hindi ko naman inaasahan ang pagngiti niya saka ako kinabig payakap sa kanyang bisig.
"Hindi kita minamadali Jane. Kaya kong maghintay pero ihanda mo rin ang puso mo para sa bagyo ng pag-ibig na dala ko." Natatawang aniya at kahit papaano ay nabawasan ang pagkailang ko sa kanya. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa aking noo at ang pagbulong na naman niya sa katagang lubos na nagpawala sa katinuan ng puso ko.
"I love you Jane."
BINABASA MO ANG
The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)
Ficción GeneralHighest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney ○ Copyright 2017