4. Sick

4.3K 76 0
                                    

Ilang beses na akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Jeremy pero wala akong marinig na sagot kaya napagdesisyunan kong pihitin ang siradura nito.

Luckily, hindi ito nakalock kaya madali kong nabuksan ang pinto. Bahagyang madilim ang silid na bumungad sa akin pero hindi mapagkakailang malinis ito at hindi halatang lalaki ang may kwarto kung hindi lang sa black and white na tema ng silid.

Hindi na ako nagkaroon ng panahong kilatisin pa ang kabuuan ng silid dahil sa agad kong namataan si Jeremy na nakahiga sa kama at balot na balot ng kumot. Naalala ko naman ang sinabi sa akin kanina ni Manang.

Sobra siyang nainitan kahapon dahil sa paghihintay na may mabingwit na isda dahil may bisita daw siya ngayon na ikaw pala tapos first time ulit umulan dito sa isla tapos nagpaulan pa siya.

Agad akong lumapit sa kanya saka chineck ang temperature niya sa leeg at noo. Tama nga ang hinala ko dahil nilalagnat siya. Agad akong lumabas sa kwarto niya para kumuha ng mainit na tubig at towel.

Mabuti na lang at alerto si Manang at may hinanda na pala kaya agad rin akong nakabalik para asikasuhin si Jeremy. Mukhang nanghihina siya kaya nakabawas din ang kalagayan niya sa hiya ko na hawakan at makita ang katawan niya.

Goodness! Am I really taking care of my kidnapper? Of this criminal?

Pikit mata ko na lamang ginawa ang mga dapat gawin gaya ng pagpupunas sa katawan niya kahit bahagyang nanginging pa ang kamay ko dahil sa tana ng pagiging nurse ko ngayon lang ako naharap sa ganitong sitwasyon dahil never naman nagkasakit ng ganito si Ryan.

Matapos ko siyang punasan ay nagpasya akong ipagluto siya ng soup para makainom din siya ng gamot.

"Jeremy.." panggising ko sa kanya para makakain na siya. Mabigat ang paghingang nagmulat siya ng mata at namumutla pa ang labi niya.

"Ba.." I know he was about to call me babe pero agad niyang ipinilig ang ulo saka pilit na umayos paupo.

"I'm sorry. You don't need to do this." Mahinang aniya pero ihinarap ko na lang sa kanya yung ginawa kong soup.

"Kain ka para makainom ka ng gamot." Kukuhanin sana niya sa akin ang mangkok pero pinigilan ko siya. Iminuwestra ko ang kutsara sa harap mismo ng bibig niya para subuan siya pero hindi niya agad ito sinubo sa halip ay tipid siyang ngumiti sa akin.

Napatikhim na lang ako saka nag-iwas ng tingin saka naman niya isinubo ang kanina pang nakaantabay na kutsara sa harap ng bibig niya. Tahimik ko na lamang siyang sinubuan saka pinainom ng gamot.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko habang inaayos ko na ang tray na dala ko kanina. Narinig ko naman ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Heto para akong isang sundalo na sugatan sa giyera pero buhay pa rin dahil magaling ang nurse ko." Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa akin habang sinasabi ang mga katagang yun. Muli akong napatikhim saka nag-iwas ng tingin.

"Simpleng maayos o hindi lang na sagot ang dami mo pang sinasabi." Depensa ko na lang sa sinabi niya.

"Nakakain ka na ba?" tila may pag-aalalang aniya dahilan upang bumalik ang konsensya at hiya na nararamdaman ko kanina.

"Oo. Salamat nga pala tsaka pasensya na din dahil sa akin nagkasakit ka pa." mahina kong tugon na nagpaguhit ng isang pilyong ngiti sa kanyang labi.

"It's okay, Jane. Anyway, everything is worth it." Nakangiti pa ring aniya bago ipinikit ang kanyang mga mata dahilan upang malaya kong mapagmasdan ang kanyang kakisigan.

Paano nagawang maging criminal ng isang ganito kakisig na lalaki?

Bago pa niya ako mahuling nakatitig sa kanya ay agad rin akong lumabas sa kwarto niya dahil pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko dahil siguro sa pareho kami ng hangin na nilalanghap.

Nagpasya akong magliwaliw sa labas at unti-unti ng dumidilim ang paligid kasabay ng paglubog ng pag-asa kong makakaalis pa ako sa islang ito at matuloy pa ang kasal ko.

Unti-unti na ring nabuhay muli ang galit sa dibdib ko para kay Jeremy.

Ryan, I'm so sorry.

The CRIMINAL's BABE (REPUBLISHED/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon